Chapter 41 Happily Intimate

1312 Words

Marami pa kaming mga napag-usapan at talagang wala man lang akong nabalitaang maganda tungkol kina tita. Nalulungkot man ako ay wala naman akong magawa. Gustuhin ko man silang tulungan ay wala rin naman akong pera. Kulang pa nga ang kinikita ko para tustusan ang pangangailangan ng mga anak ko. Napakamamahal pa naman ng mga bilihin ngayon. “Beshy, okay lang ba kung doon na lang kayo sa kuwarto ko matutulog? Problema nga namin ni Mama kung saan patutulugin ang iba. Hindi naman namin akalaing magdadagsaan sila ngayon,” pabulong na sabi ni Letty sa akin. Dalawa na lang kami ngayon ang nandito sa may sala nila. Si Marco naman ay nakisalo sa inuman doon sa likod. Tuwang-tuwa sila sa kaniya dahil palakaibigan at magaling makipag-usap. Pagkatapos ay nagpa-order pa ng ilang case ng beer at dagda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD