Marco’s POV “Ayaw mo ba?” untag ko sa kaniya kasi natulala na ito at hindi nakaimik. “Naroroon naman si Mommy kaya okay lang kung doon muna tayo para mag-relax. You deserve a vacation after all the stressing events lately,” pagpapatuloy ko pa. Ngunit hindi pa rin ito sumagot at nananitiling nakatitig sa akin. Pagkatapos niyon ay nag-iwas siya ng tingin. Kitang-kita ko ang tila itinatago niyang pagkataranta. Ano namang masama kung sakaling magbakasyon kami? Mabuti na nga rin iyon at nang makapag-relax muna siya, tutal naroroon naman si Mommy. “Addie? May problema ba? Tinatanong kita kung gusto mo bang magbakasyon sa Camiguin? Mayroon kaming magandang isla roon kung saan puwede kang mag-beach,” patuloy kong pang-eeganyo sa kaniya. “Ah… Pag-usapan na lang natin mamaya kapag nakabalik na

