12

1771 Words
Chloe's POV "Putangina! Hanapin nyo sya!" I heard Fred's shout at his phone. I'm crying so hard "Fred, ang mga anak natin, fred." I cried hard. Ang kasiyahang nadama kanina ay nawala sa tawag sakanya. Angel's call on me wreck my sanity Nawawala ang mga anak namin. May mga armadong lalaki ang nanloob sa bahay ni Fred at kinuha ang mga bata. Si Gemalei na nagbabantay sakanilaat ang isa pang kasambahay ay nasaktan. I'm sitting beside Gema. Nakahiga ito sa hospital bed at may mga benda sa katawan at sugat sa mukha. Sinaktan sya nang ipaglaban nya ang mga anak ko. Ang kinuha naming kasambahay na makakasama sana nilang tatlo ay kasabwat sa pagkidnap sa mga anak ko "We already located them, sir. Ready na po ang aming team sa gagawing raid at rescue." Nadinig ko sa gilid "Let's go." Seryosong sabi ni Fred. Kaharap nya ang ilang pulis at kasama si Matthew at Gerick "S-sasama ako." Napatingin silang lahat sakin "Chloe, dito nalang tayo. I'm sure magtatagumpay sila. Mahahanap nila sina Ian. It's dengarous out there." Pigil sakin ni Angel "Exactly, Angel. It's dengarous there and my childrens are there! Hindi ko kakayaning maupo nalamang dito!" I felt a hand on my shoulders "Please Chloe. Just stay here. Ililigtas namin ang mga anak natin." Masuyong sabi ni Fred. Umiling iling ako "No! I'll go with you! Please!" Iyak ko pang lalo. "Alright, but you stay in the car. Hindi ka lalabas FP'POV Sakay sa armoured van sina Fred at Chloe, sa harap ay si Gerick na nagmamaneho at sa tabi nito ay si Matthew na hawak hawak ang baril, nag ngingit ngit sa galit sa nangyari sa kapatid at sa mga bata. "I'm gonna f*****g kill whoever did this." Ngitngit ang ngiping sabi ni Matthew Halos kwarenta minutos ang binyahe nila. Narating nila ang isang abandunadong gusali kung saan nakita at namukhaan ni Fred ang isang sasakyan na nakaparada roon. "Putangina. Putangina talaga!" Nagpupuyos ng galit ang lalaki at hinigpitan ang yakap sa nobya "Stay here Chloe. Huwag mo syang pabababain kahit anong mangyari." Utos nito sa isang bodyguard na pumasok sa loob ng Van na sinasakyan para samahan at bantayan ang dalaga. Hinalikan nito angnoo ni Chloe bago bumaba Equiped with guns and bulletproof vests Fred, Gerick, Matthew along with some trained man and police stormed inside the abandoned building Naalerto ang mga lalaking bantay sa lugar, armado din ng mga baril. "Ibaba nyo ang mga baril nyo at Itaas nyo ang mga kamay nyo!" Utos ng pulis. Pero hindi nasindak ang mga ito at nagpaputok ang lalaking mukhang lider ng grupo, budyat para magpalitan ng bala ang magkabilang panig. "Fred, Let's go! Let's find them!" Sigaw ni gerick at muling nagpapugok ng baril. Nagtakbuhan ang tatlo kasama ang iilang mga pulis para tuntunin kung nasaan ang mga bata Samantala, ang dalawang batang paslit ay umiiyak dahil sa takot mula sa naririnig na malalakas na pagputok. "K-kuya! Ian scared! Mommy! Mommy!" Iyak ni Ian at yumakap sa kanyang nakatatandang kapatid "Shh they'll be here. Mommy and daddy will save us." Pag aalo ni Franco sa kapatid. Bagamat takot ay pinagtibay nya ang loob para sa kapatid "T-tita please, let us go." Hiling ni Franco sa babaeng hindi nya lubos akalaing magagawa syang saktan "Hindi! Akin ka! Akin kayo ng daddy mo! I'm your mom now!" Tila baliw na sigaw ni Wilma, ang kapatid ng yumaong ina ng bata. Nanginginig na hawak nito ang baril at paikot ikot ang lakad. Puno ng galit at takot. Nakain na ng buong kadiliman ang puso't isip ng babae, dahil lamang sa lalaking hindi sya kailanman pinili. "Manahimik ka!" Sigaw nya kay ian na kanina pang palahaw ang pag iyak. "Shh just quiet Ian. Kuya will protect you." Bulong ni Franco. Nanginginig na kinipkip nito ang kapatid sakanyang maliit na katawan at inabot ang bote ng gatas na para sa kapatid. Humihikbing gumatas ang paslit, at kaagad nakatulog dahil sa pagod at pag iyak. Naniniwala parin ang Batang si Franco na may kabutihan parin ang kanyang tiyahin. Dahil kung hindi ay hindi naman nya ito pakakain. Binigyan sila ng maayos na pagkain ng babae at gats at malinis na tubig para sakanila. Hindi naman pisikal na nasaktan ang mga bata. Puno lamang sila ng takot sa mga armadong lalaking kasamahan nito, ang mga pag sigaw nya at ang may kadilimang lugar kung nasaan sila. Chloe's POV "Ma'am! Dito lang po kayo!" Sigaw ng pulis na kasama ko sa sasakyan. Hindi ko na kinaya na maghintay pa. Nadidinig namin ang putukan sa loob at nang tumigil ang pagputok ay sumiklab lalo ang takot ko para sa mga anak kaya't tumakbo na ako palabas ng sasakyan at tumungo sa lugar Nakita ko ang mga nakahandusay na lalaki, duguan. Halos masuka ako sa nakita. Ang iba ay pinoposasan na ng mga pulis at ang iba ay nagmamakaawa at sinasabing kailangan lang daw nila ng pera para sakanilang pamilya. I looked around even if i can't stand what i'm seeing anymore. Wala ang tatlo rito. I looked up the stairs on the right side. Ang mga kasama namin ay paakyat roon kasama ang iilang mga tao ng daddy ko. I know they are my father's men, base sa kanilang suot na uniporme at ang patch roon tatak ang family crest namin. Humabol ako sakanila "Ma'am bawal kayo rito!" Gulat na sabi ng isa sa mga pulis "Please let me. Gusto k-" nanlalaki ang mata ko ng may marinig akong pag iyak. I ran fast and when I reached the room where the cries came from, i almost lost all my strength. My baby, my son. Ian is crying so loud, itinataas nito ang mga braso at nagpapakarga sa ama na nasa malayo sakanya. Hawak sya ni Miss Wilma "At nandito na pala ang malanding estudyante." Nakangiti ito na parang demonyo. I saw Franco in the corner, his hands are tied on a rusty old pipe, he's crying helplessly. My heart broke in a million pieces as I saw my childrens in such traumatic state "Chloe! I said stay in the car!" Sigaw ni Fred "Ang tigas ng ulo mo!" Matthew holding a gun pointed to Wilma and my son "Chloe, take cover. Kami na ang bahala rito." Lumapit sakin si tito Gerick. Umiling iling ako at nakatitig parin sa anak kong walang kalaban laban "L-let them go! Please! Let my sons go!" Iyak ko. Nagmamakaawa "Hindi ka na dapat bumalik pa! I already warned you before! Pero malandi ka at bumalik ka pa talaga!" Parang bombang sumabog ang babae. Ibinato nya na parang bola ang anak ko. I ran as fast as I could to catch my son. Thankfully I caught him just in time "M-mommy." Hirap nitong sabi. I crawled towards Franco holding Ian on my arms. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang inhaler ng anak ko "Malandi kang babae ka! Kayo ni Theresa! Inagaw nyo ang dapat saakin! Dapat lang sainyong mamatay!" Sigaw ni Wilma pero hindi ko ito pinansin "Mommy's here anak. Don't worry now. Inhale anak, inhale." I guided Ian on his inhaler. Ayaw na ayaw nya dito but he needs it. When Ian's breathing became even, i untied the rope around Franco's Hands. Tumutulo ang luha kong niyakap ang mga anak ko. "Hayop ka! You killed Theresa!" Dinig kong sigaw ni Fred. Tinakpan ko ang mga Tainga ni Franco na para bang makakatulong iyon para hindi nya marinig ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. I pressed my lips on his forehead, ipit sa gitna namin si Ian na nakayakap ng mahigpit sa katawan ko "It's alright. Don't listen to them." Bulong ko "Dahil inagaw ka nya sakin! Mas nauna kitang nakilala! I was the one you've been courting! Perp ano?!" "You rejected me! That's when I met Theresa!" "Sinabi ko na aabutin ko muna ang pangarap ko! I asked you to wait! You agreed! You promised you'll wait! Pero pag balik ko ay himalang may asawa na ang kapatid ko! Na may asawa at anak ka na! Na asawa na ng kapatid ko ang lalaking nangakong hihintayin ako! You and Theresa betrayed me!" Napapikit ako ng mariin sa mga sinabi ni miss Wilma "Kapatid mo parin yon, wilma! Oo nagkamali ako, but for you to kill your own sister?" Napaupo at humagulgol na ang babae "Kasi lagi nalang sya! Sya ang paboritong anak! Sya ang magaling! Ang maganda! And when I thought that finally, someone chose me, I was wrong, kasi sa huli, sya parin ang pinili. I tried so hard to accept it. Naging masaya ako para sainyo. But my mind is clouded by anger and jealousy, that, that I couldn't anymore. Every night it haunt me. How my sister smiled and hugged me, how she whispered sorry before riding her car, her car that I sabotaged. It haunts me how she wanted to hang out with me, went shopping and telling me how to take care of you and Franco, na para bang alam nya. Na para bang alam nya ang gagawin ko, na alam nya ang mangyayari sakanya." "No one loves me. You were my only hope for love, Frederico. But you failed me. My parents always been with her side. Always her. Sya palagi ang minamahal." "That's not true t-tita." Kumawala si Franco sa yakap ko at tumakbo kay miss Wilma. I felt Matthew's hands around me and Ian. Nakalapit na pala sya saamin "It's not true that no one love you. Me, tita. I love you." Yakap si Franco sakanya dahilan para lalo syang umiyak "I don't deserve your love. I hurt you and your brother. I hurt your mom." "Yes, but, I still love tita wilma. She always give me many foods and toys. She takes me to the mall and amusement parks. Tita loves Franco, and franco loves tita too." "I'm sorry. I'm sorry franco. Ate! Ate I'm sorry! Ate ko!" Loud sobs echoed inside the abandones building. Sumuko na si Miss wilma. Ang mga magulang nya ay dumating, umiiyak, humihingi ng tawad sakanilang anak. Fred also said his sorry. Dahil hindi nya natupad ang pangako sa babae "Chloe anak!" My mother, who I've not seen for a long time was outside the abandoned building with my father, brother and brother inlaw She and dad hugged me so tight. Pero hindi din nagtagal dahil dinaluhan na kami ng mga medics. My son who's been sleeping on my arms were attended. Pati si Franco na karga ni Fred ay tinignan nila. Hawak kamay kaming dalawa ni Frederico habang tinitignan ang mga anak namin. Bumulong ito at hinalikan ako sa noo "Everything will be alright."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD