Lyka pov " Sino siya?" tanong ng isang nurse kay Lyka na may dala dalang flyers na mukha ng bestfriend niya ang nakalagay sa flyers, pinapamigay niya ang flyers. "Fiancee ng kapatid ko, at best friend ko." sagot ko. "Naku Ma'am, pasyente po namin yan e, sa Don Martin hospital po siya ngayon," sabi nito. "Sigurado ka?"gulat na tanong ko, bigla ang buhos ng luha ko, after six months makikita na nila si Rich, after six months na paghahanap. "Opo madalas po akong ma assign sa kanya, pitong buwan na siya sa hospital, walang dalaw na pamilya, tanging si Dok Gela lang ang kasama niya lagi." sabi nito, nayakap ko ng mahigpit ang nurse. "Thank you, thank you, matagal na namin siyang pinaghahanap." sabi ko na maluha luha parin. "Welcome Ma'am sa wakas mas marami na siyang reason para lumaban,

