Napanganga siya sa sinabi ni Gavin at hindi alam ang gagawin. Nanatili siyang nakatingin dito, tinatantya kung seryoso ito sa sinasabi. "I want your lips on my—" Nang biglang tumunog ang cellphone nito. Hindi natuloy ang sasabihin nito sa kanya. Sinulyapan ni Gavin ang cellphone sa may mesa at muling ibinalik sa kanya ang mga mata. Andoon pa rin ang pagnanasa sa mga mata nito. Napalunok siya. "I need to take this," sabi nito at dinampot ang cellphone. Nahihiya siyang umalis sa mga hita nito at inayos ang roba sa katawan. Nakaramdam siya ng dismaya. Tila nasasanay na siya na sa tuwing nasa napaka-intimate na sitwasyon na sila ni Gavin, doon naman mauudlot. "Sabrina, why?" narinig niyang sabi ni Gavin. Liningon niya ito nang marinig ang binanggit na pangalan. Pangalan ng

