Chapter 1
I Don't Have One
"Excuse me." I excused myself and tilted my face away from Ryan's hand. Umalis ako sa table namin ni Ryan at tinalikuran si Brody na nakaharap sa amin. Damn! Could this day get any worse? Why does Brody have to see that? Dire-diretso akong lumabas ng basement at may mga iba pa akong nabunggo dahil sa kakamadali ko ngunit hindi iyon ang nagpatigil sa'kin.
I just want to get out of this damn place! I went back to our building alone and when I made it inside our classroom, I texted Jess immediately. Ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay nag vibrate na kaagad ang phone ko na kakapatong ko pa lamang sa armchair.
Jess: What happened?
Me: Ikukwento ko na lang sa'yo mamaya.
Jess: Ok. Ako na ang bahala dito kay Ryan.
I let out a harsh exhale before shutting my eyes tight. Thank God I have someone like Jess who always got my back! I don't want Ryan to follow me here dahil mas lalong mag-iisip si Brody—wait, baka nga wala namang pakialam si Brody. Yes, he saw Ryan wiping the side of my mouth but will it be a big deal to him? No, of course not, Beatrix! Wala namang pakialam sa'yo si Brody! Ikaw lang naman ang may gusto sa kanya!
Kinuha ko ang phone ko at napagdesisyonan na lang na makinig ng music. I played my favorite playlist but I couldn't actually get the first track that was playing. Gumugulo pa rin kasi sa isipan ko ang nangyari kanina. Wala na talaga akong chance kay Brody.
Maya-maya ay napansin ko mula sa gilid ng aking mata ang biglang pag-okupa ng isang ng isang tao sa aking katabing pwesto. Kaagad kong inalis ang earphones ko at hinarap ang inaakala kong si Jess pero si Ryan lang pala. Si Ryan na naman.
"You didn't finish your food, Beatrix." Panimula niya. I want to roll my eyes and it takes a lot of patience in me to control myself from doing so. "Jess and I waited for you pero hindi ka na bumalik." Dagdag pa niya. So Jess didn't spill the beans? I could hug Jess right now. I so love that woman for always covering for my mess.
"Sumama lang ang pakiramdam ko, Ry." Tipid akong ngumiti at muling ibinalik ang atensyon ko sa phone ko at kunwaring naghahanap ng magandang kanta.
"Gusto mong pumunta ng clin—" Hindi ko siya pinakinggan ni pinatapos man lang. Pumindot ako ng isang kanta na kunwari'y interisado akong pakinggan at muling isinuksok sa magkabila kong tenga ang earphones ko. Sinandya kong lakasan ang volume. The song of Maroon 5 is banging through my earphones and I bet even Ryan could hear it.
Ayoko siyang bastusin but he's pushing me and I know that I don't have the right to treat him like this but damn! This is just the only way that I know for him to stop pestering me.
Oo, noon ay gusto ko siya. Well, that was when I thought that he doesn't care about the people around him. Dinadaan-daanan niya lamang ako noon pero nang bigla niya na akong pansinin ay biglang ayaw ko na. The interest that I have for him died.
He began being clingy at para siyang aso na buntot nang buntot sa 'kin and that was a major turn off for me. Ayaw ko sa lahat ay 'yung gano'n. Kulang na nga lang pati sa pagre-restroom ko ay sundan niya pa ako. Damn!
--
"Hindi nakakatuwa 'yung ginawa mo kay Ryan, Beatrix." Biglang sabi ni Jess habang pababa kami ng hagdan. Hindi ako kaagad na nakasagot.
"Una, iniwan mo siya sa basement at pangalawa, kinakausap ka niya ngunit parang wala kang naririnig. Hindi ka pa nakuntento sinuot mo pa talaga ang earphones mo..."
A pang of guilt rushed over my chest.
"I'm sorry..." Nagbaba ako nang tingin sa hagdan sabay kagat nang mariin sa pang-ibabang labi ko.
She let out a deep sigh. "You should be apologizing to Ryan instead, Beatrix. Kung bakit ba kasi hindi mo na lang siya prangkahin nang hindi na siya magmukhang asong ulol kakahabol sa'yo? You know how insensitive boys are..."
Tumigil ako sa pagbaba nang nasa ikatlong palapag na kami at hinarap siya.
"I can't. I don't know how to." I said, honestly. Confrontation is my least favorite word. I don't even get to say whatever the f**k I want to say because I'd be sugar coating in the end. I easily get guilty at baka makapagbitaw pa ako ng isang pangakong hindi ko naman mapaninindigan kapag nakita ko ang hitsura ni Ryan na nakakaawang tingnan.
"My God, what are you so afraid of? All you have to do is tell him that it's time for him to back the f**k off. It's better to hurt her feelings all at once kaysa sa inuunti-unti mo siya. Mas masakit iyon..." Matigas niyang sabi at napahilamos sa kanyang mukha.
I pressed my lips together. Tama naman siya. She's always right. Ever since we were just a kid si Jess na ang mature sa aming dalawa kaya nga parati silang nag-aaway ng kapatid ko. She hated how Colton plays around and Colton hated how... well, I don't know why Colton hates my best friend. Maybe he's just giving the same energy that Jess is giving him.
That f*****g energy of loathing and despise.
"Okay, kapag nakahanap ako nang tiyempo ay sasabihin ko na. I will tell Ryan to back the f**k off." Labas sa ilong kong sabi because I know that I won't. I f*****g can't. I just told her that so I can make her shut up.
"Siguraduhin mo, Beatrix ha?" Aniya at tumango naman ako. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami sa main gate. Hindi kami sabay ni Jess dahil may sumundo sa kanya ngayon.
Gusto niya nga akong sumabay pero ako lang ang tumanggi. Nang may dumaan na jeep ay sumakay na ako. Hindi pa ito puno kaya hindi pa siya nagsimulang magmaneho. Dito na naman ako sa unahan pumwesto para kaagad akong makababa.
May isang lalaking sumakay ngunit hindi pa siya tuluyang pumapasok at naghahanap pa siya ng mauupuan. Tinignan ko kung sino iyon at halos malaglag ang panga ko nang makita kong si Brody iyon. Parang may sariling isip ang katawan ko at kusa akong umusog pakanan para bigyan siya ng space. Tinignan niya ang space na ginawa ko sa tabi ko at doon na siya umupo.
Halos mapatalon ako doon. Dang! Katabi ko siya! Brody is sitting beside me!
Life's not that bad.
Siya na ngayon ang nasa unahan at naghintay pa yung driver na may isa pang sumakay bago niya ito pinaandar. Nakatitig ako sakanya habang inaayos niya ang buhok niya sa salamin sa taas ng jeep.
Napakagat ako ng labi. Damn! Tumingin ako doon sa salamin na tinitignan niya at laking gulat ko nang makita kong kanina pa pala niya ako tinitingnan doon. I flushed. s**t!
He's been staring at me through the mirror! Na-curious tuloy ako. May dumi ba ako sa mukha? Magulo ba ang buhok ko? Do I look like a piece of s**t?
"For a girl who got a boyfriend, you shouldn't be staring at other guys like that." Bigla niyang sabi at ngayon ay personal na akong binalingan nang tingin hindi katulad kanina na sa salamin lang. Inilapat ko din ang tingin ko sa kanya.
"I don't have one." I replied confidently before flashing a faint smile to him.
Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko upang pigilan ang mga ngiti ko ngunit hindi ko rin naman napigilan ang mga iyon.
I raised my brows at him. "What? I don't have a boyfriend." Ulit ko pa. Halo-halong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. So he really thinks Ryan is my boyfriend?
"At kung may boyfriend man ako, I can assure you, hinding-hindi ako titingin sa iba." I added.
"Kung ganoon sino ang nagpunas sa labi mo kanina?" Kunot noo pa rin niyang sabi. Oh this guy is hard to convince. I like it.
"I don't want to use the famous phrase, 'it's not what you think' but Brod, it's not what you think." Sabi ko at bahagya pang natawa. "Hindi lang kami ang dalawa kanina sa table, we're waiting for my best friend Jess. And what Ryan did? That's nothing." Paliwanag ko. Well for me, it's nothing. And why am I even explaining to him? Ah, because I have a huge crush on him.
Tumango-tango siya at kinagat ang ibabang labi niya. Hindi na siya muling nagsalita pa at binuksan niya ang bag na kandong-kandong niya. Kinuha niya ang wallet niya doon at naglabas siya ng 20 pesos bill. He stretched his hand at pinaabot sa katabi ko ang bayad. Pati ako ay binuksan na rin ang bag ko para kumuha ng pambayad. Mahirap na, baka makalimutan ko na naman at mapahiya pa ako.
I found my wallet and before I could unzip it I heard him speak.
"Dalawa po. Estudyante." I looked at him in shock.
"I-Ipinagbayad mo ako?"
"Hindi naman siguro ako magbabayad ng dalawang beses para sa sarili ko lang." He kinda sound sarcastic pero simamahan niya iyon ng kaunting tawa para h'wag siguro akong ma offend. Napangisi naman ako.
"Thank you." Sabi ko at hindi pa rin mawala ang mga ngiti ko sa labi. Tumango lang siya at this time ay hindi na siya muli pang nagsalita hanggang sa makababa na ako ay tinanguan niya lang ako.
I like how he's not being clingy. He's casual and that's what I want from a guy. Nang makarating na ako sa bahay namin ay naabutan kong magka-usap sina mama at Colton sa sala. Colton was sitting on the couch with the bucket of Chicken joy on the coffee table. Nakatayo si mama sa harapan niya habang nakapamewang, blocking the television.
"Make sure you come home next week, Colton. Sembreak na ni Beatrix gusto ko kumpleto tayo..."
"Oo nga, mama." Boses ni Colton na parang nakukulitan na. Mabilis akong naglakad papalapit sa kanila.
"Anong meron?" I interrupted. Parehas kong naagaw ang kanilang atensyon. Bumeso ako kay mama at muli silang tiningnan, anticipating for their response.
"Nothing, we're just talking about our upcoming vacation next week."
My jaw dropped as my eyes widened in surprise.
"Magbabakasyon tayo next week?" I suddenly felt excited. I love vacations. I love going out of town. Travelling is my caffeine; just the thought of it wakes my tired senses.
"Yes, we're going to visit Boracay again. Next week na rin naman ang sembreak mo, 'di ba?" She said smiling to me.
Mabilis akong tumango. "Yes, yes! Oh God! I can't wait!" I exclaimed like an excited seven-year old girl who's about to go to Disney for the first time.
I was just 17 the last time we went in Bora and now I'm turning 24 this year! Ano na kaya ang hitsura ng Boracay? Ilang taon na rin ang nakalipas simula no'ng huling magpunta kami doon.
I've missed the breathtaking view and the feel of the powder-like sand of the beach. I've missed the salty and fresh breeze air and the sun kissing my skin. And have I already mentioned that even in night time there is still fascinatingly beautiful?
The night life in Boracay is to die for! I could stay there for solid five months and I will never get tired of it.
"What are you? Seven?" I heard Colton sneered.
Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi at ang mukha ko ay biglang umasim. "Bakit ba binabasag mo ako? I'm excited here! Stop being a pooper!" Nakairap kong sabi.
"Stop being a pooper," He made a face. "That sounds like Jess! Damn! Give me a break!" Nakangiwi niyang sabi.
Sasagot pa sana ako ngunit bago ko pa man magawa ay pinigilan na ako ni mama.
"Beatrix, stop. H'wag mo nang sagutin... Your brother is older than you and he rarely gets home."
Colton gave me a proud-teasing-and-annoying-as-f**k smile. f**k it! This is so unfair! Sa kanya na naman naka side si mama!
I grit my teeth while glaring at him. I love my brother, believe me but times like this makes me want to wrap my hands around his neck.
"Sige na, Trix. Kumain ka na doon at magpahinga..." Mama tried to cut the tension. I rolled my eyes at Colton one more time before proceeding to the kitchen. Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng mesa at kumuha ng plate sa drawer.
I was busy scooping rice from the rice cooker when I heard footsteps behind me. Natigilan ako sa pagsandok at ikiniling ang ulo ko upang makita kung sino ang tao sa likod.
I saw my awesomely annoying brother holding a bucket of chicken joy. Inilapag niya ang bucket sa mesa at lumikha ito ng tunog.
"Here... There's also a sundae in the fridge..." Tamad niyang sabi at tumalikod na siya bago pa man ako makapagpasalamat.
I was about to utter a thanks kahit na nakatalikod na siya when suddenly, he stopped mid step and turned around to face me again.
"By the way, I bought the Maurice Lacroix watch that you keep on lurking on the internet... I put it in your drawer." Kaswal niyang sabi at muli na niya akong tinalikuran.
Ngunit bago pa siya makalayo ay maagap kong binitawan ang plato ko sa counter at tumakbo papalapit sa kanya.
"Oh my gosh!! Colton you are the best! Thank you! Thank you!" I squealed and hugged him by the shoulders.
He chuckled as he looked at me over his shoulders. "I thought I'm a pooper?"
I grinned widely. "I'm taking it back." Sabi ko.
Another chuckle rose from his throat. "Whatever. Just eat..." aniya kaya pinakawalan ko na siya nang hindi pa rin nawawala ang mga ngisi sa aking labi.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay nagbaba ako nang tingin sa wrist watch na suot-suot ko.
"Guess it's time to say goodbye to you, Seiko. Maurice Lacroix, here I come!"
--
Mabilis na nagdaan ang mga araw at ngayon ay kakatapos lang ng aming finals for this sem. Natapos na naman ang isang madugong sem at next month na magsisimula ang isa pang madugong sem. Damn! Ayaw ko munang isipin.
"Hey, nice watch... Ito 'yung sinasabi mo sa'kin 'di ba? Ngayon ko lang napansin..." Jess said out of nowhere while we're packing our things.
"Yes, Colton bought it for me. Nakalimutan kong ikwento sa'yo dahil parehas tayong nabusy sa pagre-review."
"Ahh..."
Tiningnan ko nang mabuti si Jess, waiting for her to roll his eyes and say something negative about my brother.
"What?"
"That's it? 'Ahh'? No side comments?"
She rolled her eyes. "Well, I think what he did is sweet so, my mouth is officially zipped." Aniya at nag gesture pa na kunwari'y zini-zip ang kanyang bibig.
"That's good to hear..."
"Ha-ha. Whatever! Ugh. I will miss your b***h ass!" She groaned and hugged me from the back.
"I'll be gone for just like a week, Jessie girl." Natatawa kong sabi.
"A week consists of seven f*****g days! Matagal 'yon..."
"At least it's not four years." I teased her with a wide grin. Humiwalay siya sa akin.
"Ay wow, nanunumbat?" Aniya habang nakahawak sa kanyang dibdib na kunwari'y na hurt siya. Tinawanan ko lang naman siya.
Napatingin ako sa bandang kanan dahil kanina pa ko pa nararamdaman na may nakatingin saakin. My guts were right, Ryan is staring at me.
Tipid ko siyang nginitian at kinawayan. Kahit naman ganito ako ay nagu-guilty pa rin ako sa tuwing pinagbabastusan ko siya. Siya kasi, parati ko namang ipinaparamdam na hindi ako interisado pero patuloy pa din siya. Kahit na sino pa sigurong santa ay talagang mapipikon.
"See you next sem." He mouthed and smiled at me. Tinanguan ko lang siya at muling nginitian.
--
"Aren't we going to go out and enjoy the last day of this sem?" Jess asked nang makalabas na kami sa main gate.
I frowned at her jokingly. "Halos araw-araw tayong lumalabas..." Sabi ko sa kanya.
She chuckled. "Fair point. Tara na nga. Umuwi na lang tayo. Masyado akong na stress this sem kaya susulitin ko talaga ang sembreak na 'to!" Aniya. Natawa naman ako habang tinitingnan siya.
Jess is beautiful. Her hair is thick and naturaly straight kumpara sa buhok kong manipis at natural na kulot. She's few inch taller than me. Her skin is tan while mine is white. Mayroon din siyang nunal sa may right cheek niya na isa sa mga asset niya. The place of her mole is similir to Karlie Kloss, ngunit mas darker at round lang ang kay Jess.
Bagay na bagay nga sa kanya, gustong-gusto kong tinitingnan. Gusto ko rin kayang magka nunal sa mukha.
"Hintayin na kitang makasakay ng jeep bago ako mag tricyle pauwi." ani Jess. We both have family drivers at cars na pwedeng maghatid sundo sa amin ngunit ang simula noong mag grade 10 kami ay sinabi ni mama na dapat nag co-commute na lang ako para matuto ako.
Gano'n na rin ang sinabi ni Jess sa mga magulang niya, na mag commute na lang daw siya para parehas kami. Kaya eto, Jeep ang sinasakyan ko habang siya naman ay tricyle dahil mas malapit ang bahay niya kaysa sa bahay ko.
"H'wag na, Jess. Mauna ka na sige na." Sabi ko.
"You sure?"
Tumango naman ako at sinabihan siya na mag-ingat.
"Osya na, I will go now. Keri mo na ha? Lilipat na talaga ako ng daan."
Natawa ako. "Oo nga! Para kang ewan."
Muli siyang nagpaalam at dumaan na sa pedestrian lane upang magpunta doon sa paradahan ng tricyle.
Pagsakay niya ng tricyle ay dumungaw pa siya sa b****a at kinawayan ako. Kinawayan ko rin siya. Now it feels awkward to be left alone while waiting for a jeepney to arrive.
Well... not when Brody Benitez is standing few meters away from you. Pinakatitigan ko siya habang kunot noo siyang nag-aabang ng jeep. Dear Lord, this man is so handsome! Mukhang naramdaman niya yata na may nakatitig sakanya kaya napatingin siya dito sa gawi ko.
I waved at him. He just nodded at me.
"Going home already?" I mouthed. Tumango siyang muli at this time ay humakbang na siya palapit saakin. I was still smiling at him, kung hindi niya lang sinabi na may jeep na ay baka hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sakanya at parang tanga na nakangiti. Pinauna niya akong sumakay ng jeep bago siya sumunod. Same parin ang pwesto namin. Siya pa din ang nasa unahan at ako naman ay nasa tabi niya.
He was about to open his bag to get his wallet pero inunahan ko siya dahil may pera na kaagad sa maliit na pocket ng bag ko. Ako na ang nag-abot ng bayad.
"Dalawa po. Estudyante." Sabi ko na sapat na ang lakas para marinig ng driver sa harapan.
He looked at me with narrowed eyes.
"You don't have to pay for me." he said but he doesn't sound offended though so thank God for that.
"Ano ka ba, Brody. Give and take." Sabi ko at bahagyang tumawa.
Ngumisi siya. "Alam mo ang pangalan ko pero wala pa akong natatandaan na nagpakilala ako sa'yo." bigla niyang sabi na ikinagulat ko naman. Halos takpan ko na ang bibig ko dahil masyado pala akong halata!
Lalong lumapad ang ngisi niya. "Anyway, thank you Beatrix." lalong lumawak ang mga mata ko dahil tinawag niya ang pangalan ko!
I grinned at him. "You know my name, too."
"Napulot ko ang ID mo. Remember?" Aniya. Natawa na lang ako ng bahagya. Oo nga pala, assuming ka kasi Beatrix.
"Oo nga pala..."