Rocco, The Serious Type

198 Words
“How I wish I could have a place in your heart. Kahit maliit lang. Pagkakasyahin ko na doon ang sarili ko.” Perpektong image ng isang rebellious daughter si Shane. Dahil may family problem, pinili niyang umuwi sa Pilipinas mula New York. Basta na lang din siya nagpasyang makitira sa bahay ni Rocco, ang dating “sinisinta” at college friend. Sa ayaw at sa gusto ng binata, kailangang kupkupin siya nito. Kahit saksakan ng sungit si Rocco, alam niyang hindi siya nito matitiis dahil may taglay rin naman itong kabaitan. Kaya lang, habang nakakasama ni Shane si Rocco, muling bumabangon ang pagsintang inakala niyang nabaon na sa limot dahil sa tagal na ng kanilang pagkakalayo. Alam naman niyang hanggang pagtinging-kaibigan lang ang kayang ibigay ni Rocco sa kanya. Tatanggapin na lang niya ang masakit na katotohanan. Pero isang araw, basta na lang siya nito hinalikan. Hindi sa pisngi, hindi sa ilong, at lalong hindi sa noo… kundi sa kanyang mga labi. Nalito tuloy si Shane. May ibig bang sabihan ang halik na iyon gayong lagi na lang mainit ang ulo ni Rocco sa kanya? Idagdag pang lagi na lang may babaeng nakalingkis sa braso nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD