Nagising akong may humahaplos sa aking mukha. His touch is very familiar to me. Haplos na kahit kailan ay hindi ko malilimutan. Haplos na iisang tao lang ang nagpapadama sa akin. Mas napapikit ako para mas damhin sa haplos na iyon. Pero agad ding napamulat dahil naalala ko ang nangyari. We made love. Nagpatalo ako sa dikta ng aking puso. Alam ko ng mali pero nagpatuloy pa din ako. Nagkasala ako kay Henrico sa ginawa ko. Hindi ko man siya mahal ay mali pa ring tignan kung nasaan ako ngayon. "I need to go home." Biglang bangon ko at ipinulupot ang hubad kong katawan sa comforter. Kailangan ko ng makauwi sa kanya. Napatingin ako sa bintana ng biglang nahawi ang kurtina. Nanlaki ang aking mga mata dahil maliwanag na. Paniguradong galit na si Henrico sa akin. At alam kong nag aalala na ito

