Katatapos ko lang magbihis ng pumasok si Henrico sa kuwarto at umupo sa sofa.
"Aalis na ako," paalam ko dito. He managed to get the book on the table and flip the cover to open.
"At saan ka naman pupunta?" He asked still looking at the book.
"Nagpaalam ako na pupunta kina Marriane, 'di ba?" Sagot ko at lumapit dito. Ako na lang ang magpapakumbaba para wala ng away. Natapos ko naman ng iiyak lahat ng sama ng loob ko.
"Did I not tell you not to go, unless kasama mo ako?" Tiniklop nito ang libro at tumingin sa gawi ko pagkaupo ko sa tabi niya.
"Yes, sinabi mo nga, pero kina Marriane lang naman ako pupunta. Wala naman na akong ibang pupuntahan pang iba. Tatlong oras lang naman ako doon to give my pasalubong to her tapos uuwi na din ako." Paliwanag ko.
"No." He said with finality in his voice. "Kung hindi ako sasama, then, don't go. Simple as that." He shrugged.
"But it's only a girl talk. Saglit lang naman iyon." Pagpupumilit ko pa. Ayokong sumama siya sa akin hindi dahil may iba pa akong gagawin. Kung hindi---ayokong makita niya si Yanyan. Magtataka iyon kung sakali.
"Bakit ba takot na takot kang sumama ako?" Tuluyan na itong tumigil sa pagbuklat ng libro at inilagay na ito sa mesa. "Makikipagkita ka sa kalaguyo mo?" Napasampal amo sa sarili kong noo sa sinabi nito.
" Did I hear it right, Henrico? Kalaguyo? Really? Are you for real?" Sunod sunod na tanong ko. Hindi ako makapaniwala.
"Malay ko ba kung makikipagkita ka sa kabit mo. Ayaw mo akong isama? Why? Para hindinkayo maistorbo? Sobrang namiss niyo ba ang isa't isa? Then ended up f*****g each other?" Nang iinsultong tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga pinagsasabi niya.
"What are you talking about?" Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa kanyang bibig. "You know, I didn't cheat over the years Henrico. So, don't accuse me on something I didn't do. How dare you." May diing saad ko dito at tinaliman ito ng tingin. He's being a jerk right now at ang sarap niyang ihagis palabas ng bintana.
"I'm not accusing you, mahal..." and now---ang lambing na naman ng boses niya. What is happening to him? "I'm just stating the fact."
"Fact? For real? Me f*****g someone? Nakakatawa, Henrico. Halos ikulong mo na nga ako at kulang nalang talian mo mga paa ko. And yet---you're telling me that I have a kalaguyo? You're insane." Umiiling at hindi makapaniwalang sambit ko. Nababaliw na talaga siya.
Alam niya sa sarili niya na ni minsan ay hindi ko iyon ginawa. Isa did his promise. Nagtiis siya na hindi ako makita, makausap, o malapitan man lang. And now---he's accusing me? Tang'na talaga! Nakakafrustrate na ang ugali niya.
Ayoko siyang isama dahil kay Yanyan at hindi dahil makikipagkita ako kay Isa. Kaya naming palabasin na anak ni Marriane si Yanyan pero---mommy ang tawag sa akin ni Yanyan at Tita naman kay Marriane. Doon palang ay tiklo na ako. At iyon ang ayaw kong mangyari. Alam ko na karapatang malaman ni Henrico ang tu gkol kay Yanyan pero sa ugali niya---malamang s amalamang na hindi ito maniniwala.
"Bakit ayaw mo akong isama kung ganoon?" He smirked at me.
"You're unbelievable, Henrico. Hindi porke't ayaw kitang isama, means makikipagkita ako sa kung sinong poncio pilato sa labas. You know me, Henrico." Saad ko at sumusukong napabuga ng hangin. "What's going on in you, Henrico? You're acting strange and a jerk as well." Kompronta ko. I can't just stand here and let him insult me. Lalo naang paratang nito. Wala akong ginagawang mali kaya karapatan kong magsalita.
"Huwag ka ng magmaang maangan pa, mahal. I know you, masyado ka ng tigang kaya kakadating mo pa lang ay makikipagkita ka na sa kabit mo." He sarkastically said.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Mabilis akong tumayo at sinampal ito nang malakas. He's insulting me again and again at hindi ko iyon mapapalagpas. Nagpapaliwanag ako ng maayos and yet---ito ang lalabas sa bibig niya.
"Hindi na kita kilala, Henrico. You judge me that easily. Sa dalawang taon nating pagsasama---alam mo na hindi ako nagloko. Now, here you are insulting me face to face na para bang nakakadiri akong tao. Tigang? Is that even a word to say? Huh, Henrico? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin?" May hinanakit na saad ko at lumapit dito. I can see regret in his eyes. " Of all people, Henrico. Of all people... "
Ang kaninang pagsisisi sa mukha nito ay napalitan na ng galit. Bakit ba siya nagagalit sa akin? I never did something wrong. Lagi kong inaassure sa kanya na hindi ako magloloko but now---kaya nitong sabihin ang mga ganoong salita without even blinking.
"You make me this kind of person, Lailanie Alegre." Napatulala ako sa pagbigkas nito ng buo kong pangalan.
"I never did that, Henrico. You did that to yourself. Huwag mong isisi sa iba ang kagagawan mo. Hindi ako nagkulang sa'yo, to begin with. At mas lalong hindi ako nagloko sa'yo. Kaya dahan dahan ka sa pananalita mo!" Galit na sambit ko at tinuro siya. "Ni minsan hindi ko inungkat ang nakalipas, dahil ibinaon ko na iyon sa limot. Sa pagsasama natin---I never mention his name o ikinuwento man lang siya sa'yo. I respected you long time enough para ganituhin mo ako. Ininsulto mo ako na para bang---hindi ako naging mabuting asawa sa piling mo!"
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng kuwarto. Ayokong makita nito na umiiyak na ako. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya. I never want him to be like that. Simula't sapol hindi ako nagkulang pero bakit ganito. Tila naging kasalanan ko pa?
Nang tuluyan akong nakalabas ng bahay ay napahinga ako nang malalim. I never expected him to be like this. Ang akala ko nga ay pipigilan niya akong umalis.
Pagpasok ko sa sasakyan ay umalis na ako at dumiretso sa bahay nina Marriane at Bryle. Yes, kinasal na sila after a year of relationship. I'm happy for the both of them. Hindi man ako nakapunta sa kasal nila pero babawi ako ngayon.
Pagdating ko sa bahay nila ay mahigpit na yakap ang isinalubong ni Marriane sa akin. Wala si Bryle dahil inutusan niya eto at bukas pa ang balik. Hinahanap ng mata ko si Yanyan.
"Where is he?" Tanong ko at hinahalugad ng aking mga mata ang paligid.
"Hanapin mo ako mommy!" Sigaw nito sa kung saan.
That voice! I miss that voice. Naiiyak ako dahil mayayakap ko na siya sa tagal ng panahon.
"Didn't you miss Mommy?" I teased him. "Mommy misses you so much tapos paghahanapin mo lang ako?" Nangingiti ngunit umiiyak ng saad mo.
"Why are you crying, Mommy?" Napatingin ako sa anak kong lumabas mula sa likod ng upuan. Ang laki na niya at sobrang guwapo nito mas lalo sa personal hindi lang sa video calls.
Lumapit ito sa akin. Napaluhod ako sa sahig para magpantay kami. I caressed his faced and hugged him tight.
"Namiss ka ni Mommy, my baby. I really miss you so much." Ibinaon ko ang aking mukha sa leeg nito.
"Don't cry, mommy. I'm here," he said and tap my back. Tila isa itong malaking tao na alam na alam ang sasabihin. His words are comforting me.
"Natears of joy si Mommy, my baby. Umalis ako and you're still a baby and now---look at you?" Kumalas ako sa pagkakayakap dito at tinignan siya mula ulo hanggang paa bago pinanggigilan ang kanyang pisngi. "You're already grown into a man that every woman will love."
"Tsk, mommy. I don't want women. Only you, Tita Rian, Mommy La, Nanay Masha and nothing else." He said and hugged me again. "Daddy misses you too, Mommy. Sometimes, I see him crying at night looking at your picture together."
Natahimik ako sa sinabi nito. I miss him too, but I know it's not yet for us. I know he can wait.
"Do you want to see my pasalubongs for you?" Pag iiba ko ng topic at tumingin kay Marriane na nagkibit balikat lang.
"Of course, I want that, Mommy!" Masayang sigaw nito at pumalakpak pa na may kasamang talon talon.
"But in one condition," I said.
He looks at me with confused look.
"At ano naman 'yon, mommy? Is that hard to do?" Ngumuso ito na ikinahalik ko sa kanyang pisngi.
"Maghahanda lang ako ng kakainin natin." Paalam ni Marriane sa akin na tinanguan ko nalang at inihatid ito ng tingin.
Nakangiti kong binalingan ng tingin si Yanyan at hinila ito sa sofa. Pagkaupo namin ay ginulo ko ang kanyang buhok sa harap. He's really cute.
"Ano na iyon, Mommy?" Excited na pag uulit nito.
"Okay, here it is---" I paused at take the chocolates out on the bags. "Don't tell Daddy that we've seen each other, okay?"
"But I didn't keep secrets to Daddy. He said, that's bad." Natuwa ako sa reaction niya. And knowing na alam nito na masama ang magsinungaling ay proud akong tama ang naging desisyon namin ni Isa noon.
"It won't be a surprise anymore." Kunwari ay nagtampo ako. Ayoko din naman siyang magsinungaling pero huwag muna ngayon. I need time. Kapag nalaman niyang nakauwi na kami---alam ko na kikitain niya ako at iyon ang iniiwasan ko.
"You're going to surprise him, Mommy?" Tuwang tuwa na tanong nito na tinanguan ko.
"So, mommy is asking you a favor, okay? Can you do that for me?" Masaya itong tumango.
"Yes, mommy! Can I open all of this?" Tanong nito at inisa isang sinisilip ang laman ng mga bag.
Tumango ako at ginulong muli ang kanyang buhok. Naramdaman ko ang pagtabi ni Marriane sa tabi ko bago iniabot ang juice sa akin.
"Tinuturuan mong magsinungaling ang bata, Lailanie." Sabi nito sa akin na ikinahinga ko ng malalim.
"Ayokong magsinungaling siya, Marriane. Pero kailangan muna iyon, just for now. Kailangang hindi muna kami magkita para iwas gulo." Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"At bakit naman magkakaroon ng gulo? Ni hindi nga siya nanggulo noon, Lailanie, alam mo iyan. What is happening?" Nagdududang tanong nito sa akin.
I was about to answer him nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito iyon si Henrico na nakapamulsa.
He followed me. Bigla nagpanic ang mata ko at tumingin kay Yanyan patungo kay Marriane.
" Get him out of here, Marriane." Bulong ko sa kanya bago tumayo at sinalubong siya. Agad namang tumalima si Marriane at tinulungang magbitbit si Yanyan na nagrereklamo.
"Dito muna tayo kay Mommy." Maktol nito na ikinabahala ko. Halos hindi na ako humihinga sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan sila. "Mo---" biglang tinakpan ni Marriane ang bibig nito at binuhat siya.
"Sama ka muna sa akin sa taas, baby. May kukunin lang tayo." Sabi ni Marriane dito na ikinatingin niya sa akin na tinanguan ko. Nakita kong may ibinulong si Marriane sa kanya. I don't know what it is pero ngumiti si Yanyan at tila na-excite at nakalimutan na ako.
Hinarap ko na si Henrico at tinanong.
" Why are you here?"
"Of courae, visiting my old friend, too. At susunduin ko ang asawa ko." He said as he grabbed my arm close to him. Napatingin ako sa naglalakad na Marriane buhat buhat si Yanyan. Nakita ko ang biglang galit sa mukha ni Yanyan.
I smiled at him and shook my head to let him know that I'm okay. Alanganin pa sana itong sumama kay Marriane pero tinanguan ko na naman ito. Nang tuluyan na silang makaakyat ay napahinga na ako ng tuluyan.
"I told you saglit lang ako," saad ko at ipiniksi ang kamay nitong nakahawak ng mahigpit sa aking braso.
"Let's go," aya nito na kinunutan ko ng noo.
"Mauna ka na, kadarating ko palang at tatlong oras ang paalam ko."
"Pinayagan ba kita?" Tanong nito at hinawakang muli ang aking braso. "Di ba hindi ako pumayag? Umalis ka na lang bigla kaya sinundan kita. Malay ko ba kung makikipagtagpo ka." He smirked.
Sa inis ko ay nasampal ko na naman siya. How dare him. Nasa pamamahay kami ni Marriane pero ganito ugali niya.
"Umuwi kang mag isa mo!" Madiing saad ko sa mahinang boses. Ayokong marinig ni Marriane ang pagtatalo namin.
"Sasama ka o magkakagulo tayo dito? Ayaw mo naman sigurong malaman ni Marriane na nag aaway tayo? O gusto mong makita niyang kaladkarin kita pauwi." Seryosong sabi nito at hinila akong muli.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumama na lang dito. Ni hindi ako nakapagpaalam sa anak ko at kay Marriane. Ang sama ng loob ko kay Henrico for doing this to me. Hindi man lang niya ako hinayaang makapagpaalam. Basta nalang hinila niya ako paalis ng wala man lang kalaban laban.
I'm being too weak again.
Ayoko kasing malaman ni Marriane ang sitwasyon ko sa piling ni Henrico. Kahit gaano ako kagalit sa kanya. Ayoko namang masira ang imahe ni Henrico sa paningin niya. Hahayaan ko muna siya sa ngayon. Hinihiling ko lang na sana ay maliwanagan na ang isip niya.