51

1001 Words

" Bakit ngayon pa, Nay ? Maayos na ho ang buhay ko, tahimik na po ang buhay natin. Bakit ngayon hindi parin nila ako tinitigilan ? Bakit napakadali sa kanila ang sabihing kailangan nila ako ? Nasaan ba siya nung umiiyak ako buong gabi, ilang araw ko'ng dinamdam ang ginawa niya sa akin, Nay. Tiniis ko lahat ng sakit na yun, hindi ako nagpadala sa depress dahil iniisip ko kayo, Nay. Sobrang poot at galit ang ipinaramdam niya sa akin ! Hindi nga nila inisip ang mararamdaman ko,tapos ngayon... " Napahikbi ako ng marahan, hinimas-himas ni Nanay ang likod ko. " Anak, ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo dahil Nanay mo ako. Kung nasasaktan ka mas Nasasaktan ang Nanay, kung nahihirapan ka mas nahihirapan ang Nanay. Alam mo kung bakit ? Kasi hindi ko kayang makitang nasasaktan at nahihirapan ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD