JAMES KIEL POV Bandang-hapon nagbalik ako sa room ni Benny at sinubukan ko'ng kausapin siya. Bumuntong-hininga ito ng makita ako. " Bakit mo ginawa yun ? " Nilingon niya ako, abala ito sa kung anong binabasa niya. " Ang alin ? " " Are you pretending ? " " Pretending of what ? " " Na hindi mo siya kilala " Ngumisi ito. " Anong akala mo sa akin may ugaling ganoon ? You knew me, Kiel. Hindi ako ganoong klaseng tao, I'm not you " " Liars ! " " Call me that, hindi ko naman talaga kilala ang babaing yun. Ang sabihin mo naaawa ka sakin kaya kung sino-sinong babae nalang ang nirereto mo sa akin. Dude, I'm already married. Kay Katrina, remember ? Tanggap ko na ang pagkawala ni Stella " " Hindi lang kung sinong babae si Stephanie, Benny. Mahal mo siya, pinaglaban mo nga siya sa Daddy ko

