STEPHANIE POV Alas singko na nang hapo'ng iyon, habang nagbabalat ako ng mansanas. Napansin ko ang paggalaw ng mga daliri ni Benny. Ibinaba ko muna ang kutsilyo at mansanas, nilapitan ko siya. Sinapo ko ang noo nito at hinimas-himas ang buhok niya, hanggang sa unti-unti ito'ng dumilat. " L-Love ? " " A-ako nga, Love " " N-nagbalik ka ? " Namataan ko ang pagbagsak ng mga luha nito sa mga mata. Pinahid ko iyon gamit ang mga daliri ko. " Oo naman, Love. Bumalik ako para sayo " Gumalaw ang mga kamay niya para yakapin ako, napayakap na rin ako sa kanya. " A-akala ko..hindi ka na babalik " " Matitiis ba kita ? " Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya, at tinuloy ang pagbabalat ko ng mansanas. " Gutom ka ba ? Sandali nalang ito, Love " " Galit ka ba sa akin, Love ? " Napasulyap ako

