Sinamahan ko naman si Nanay sa magiging kwarto niya. Pagkapasok namin sa loob, napahanga si Nanay. " Anak, napakalaki yata ng kwarto na ito sa akin. Kung tutuusin kasinglaki na ito ng tubuhan " Ngumisi ako at inilapag ang bag ni Nanay sa kama, binuksan iyon at inisa-isang nilalabas ang mga damit niya. " Nay, masanay na ho kayo na sa tuwing matutulog kayo o magigising ito ang mabubungad niyo sa gabi man o sa umaga. Tsaka, Nay. Pangarap ko ito para sa inyo, sana po nagustuhan niyo " " Naku, Anak. Gustong-gusto ko, kaya lang pwede ba minsan samahan mo ako dito matulog ? " " Oo naman, Nay " Habang nilalabas ko ang mga gamit ni Nanay, may isang bagay akong nakita at nahawakan na siyang nakapagpigil sa akin. Tinitigan ko ito. Isang litrato iyon, Si kiel ako at si Benny. Kuha ang litratong

