Chapter One

1097 Words
Chapter One   “Hope, anak,”   Nilingon ko si Nanay galing sa paggawa ng assignment. “Po?”   Ngumiti si Nanay at lumapit sa akin. Nilapag niya ang ulam sa harap ko. Nandito kasi ako ngayon sa hapag-kainan namin. Tapos nang magluto si Nanay ng hapunan kaya iniligpit ko na din ang mga gamit ko.   “Oh?” aniya na nagulat sa pagliligpit ko. “Tapusin mo muna ‘yan,”   Umiling ako. “Tapos naman na po,” sagot ko kay Nanay habang nagliligpit. “Mamaya ko nap o ire-ireview. Wala naman po akong pasok sa trabaho, eh,”   Tumango si Nanay. “Mabuti namna kung ganoon,” ani Nanay. “Sige na, kumain na tayo,” aya pa niya.   Nang matapos akong magligpit ay kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor at inilapag iyon sa mesa. Masaya kaming nagsalo ni Nanay sa pagkain. Kahit na dalawa na lang kami ni Nanay sa buhay, masaya pa rin ako. Si Nanay ay nag-iisang dahilan para sa pagsusumikap ko.   “Sa susunod na taon, graduate ka na niyan, anak?” tanong ni Nanay habang kumakain kami.   Nakangiting tumango ako. “Kung papalarin, Nay,” sagot ko  kay Nanay.   She smiled lovingly at me. “Alam kong kaya mo. Ga-graduate ka,” she stated.   “Thank you, Nay,” madamdaming sabi ko. Sobrang malaking bagay sa akin na naniniwala si Nanay sa akin dahil lahat ng ginagawa ko ay para sa kaginhawahan ng buhay namin.   Ilang taon na din nang iwan kami ni Tatay kaya kami na lang ni Nana yang namumuhay ngayon. Iginapang ni Nana yang pamumuhay namin sa pamamasukan at paglalaba . Nang mag-18 ako, nag-apply ako bilang waitress sa isang club. Wednesday hanggang Sunday lang ang duty ko kaya hindi naman gaanong mahirap para sa akin lalo pa at gabi naman ang pasok ko doon.   Sa umaga ay nag-aaral ako. Isa akong scholar ng isang pribadong paaralan. It was hard getting in in that university pero dahil inspirasyon ko ang nanay, naging mabilis lang din naman sa akin ang pagpasok doon.   “Liz!” tawag noong mga kaibigan ko na sina Hillary at  Danielle habang nakaupo ako sa upuan sa ilalim ng isang puno. I was reading in advance ng lesson para sa klase ko mamaya.   Kumaway silang dalawa habang papalapit. “Kanina ka pa ba?” tanong ni Hillary sa akin.   Umiling ako. “Hindi naman. Medyo kararating ko lang din,” sagot ko sa kaniya. Tumango naman sila bago naupo sa harap ko.   Sina Hillary at Danielle ay parehong mayayaman. They had all the privileges that I don’t have. Pero ang maganda lang doon ay kahit na mayaman sila, kinaibigan pa din nila ako. They were my only friends in college.   “May pasok ka mamaya, Liz?” tanong ni Danielle sa akin pagkaraan ng ilang minuto.   Itinaas ko ang tingin ko sa kaniya at tumango. “Bakit? Pupunta kayo doon?” tanong ko sa kaniya.   Nagkatinginan silang dalawa. “Babalik ka doon? Magpapakalasing ka na naman?” tanong ni Hillary sa kaibigan namin.   Danielle rolled her eyes. “Wala namang gagawin sa bahay, eh,” aniya.   Napabuntong hininga na lang si Hillary. “Oo na, sasamahan na kita,” walang magawa na sabi niya.   Malapad naman ang ngiti ni Danielle. “Ah! Thank you!” si Danielle at niyakap pa si Hillary. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Nang oras na ng klase ay pumasok na din kami.   Kinagabihan ay naghanda na ako para sa shift ko sa club. Maaga pa ang trabaho ko doon dahil hanggang 12 midnight lang ako. 6 pm pa lang ay simula na ng trabaho ko.   Mga ganitong oras ay wala pa gaanong tao kaya hindi pa masyadong maraming trabaho. Nakatayo lang ako sa gilid at naghihintay ng order ng isang grupo na nakaupo doon sa isang VIP couch.   Nang dumating ang order nila ay saktong dumating sina Hillary at Danielle. “Hi, Liz!” bati nilang dalawa kaya napatigil ako sa pagkuha noong tray.   “Oh? Saan kayo uupo?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Gusto niyo ba ng couch?”   Umiling silang dalawa at itinuro naman nila ang bar counter. “Doon na lang kami,” ani Hillary. “Kapag ka break time mo, o wala kang ginagawa, puntahan mo kami ah,”   Tumango lang ako sa kanila bago sila umalis at naupo doon sa bar counter. Bumalik naman ako sa ginagawa ko. Kinuha ko na iyong tray ng um-order sa isang couch. Nang makarating ako doon ay nakita ko ang pamilyar na mga mukha.   They were from the university, too. If I am not mistaken, they are from the seniors. Mayayaman ang mga ito kaya naiilang ako sa kanila.   I placed the food in front of them. Sakto namang dumating iyong waiter na kasama ko na dala ang inumin na in-order din nila.   Paalis na sana ako nang mahagip ng tingin ko iyong lalaking nakaupo sa gitna at pinapalibutan ng mga babae. Napailing na lang ako bago umalis. I can keep my opinion to myself. Kahit na nakakasuka iyong ginagawa noong lalaki na may kaakbay na dalawang babae, hindi na lang ako nagsalita. Ano ba naman kasi ang pakialam ko ‘di ba?   Ipinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko. Nang makakuha ako ng pahinga ay dumiretso ako sa mga kaibigan ko. “Kamusta kayo diyan?” tanong ko sa kanila.   “We are fine, Liz,” sagot ni Hillary. “Break time mo na?” tanong niya.   Tumango ako. She tapped the seat beside her. Lumapit ako doon at naupo. “May gusto ba kayong order-in na pagkain?”   Umiling si Hillary. “It’s okay, busog naman ako. Binabantayan ko lang talaga ‘tong si Danielle,” aniya.   Natawa ako at tinignan iyong kaibigan namin na nakatanga lang sa harap niya habang hawak ang isang baso. “Okay pa ba ‘yan?” tanong ko kay Hillary.   Natawa naman siya sa tanong ko. “Oo, okay pa ‘yan,” aniya nang nakatingin sa kaibigan namin.   Danielle turned to us with her eyebrows furrowed. “Akon a naman anng pinag-uusapan niyo diyan,” ani Danielle at idinantay ang ulo sa brasong nakapatong sa bar counter. Napailing na lang kami ni Hillary sa ginawa niya.   Nang matapos ang break ko ay balik naman agad ako sa trabaho. “Liz, paki-hatid ito doon sa couc h nina Mr. Gonzales,” sabi noong manager.   Tumango ako kahit na ayaw ko sana. Ano ba kasing magagawa ko kung ayaw ko? Ayaw ko lang naman dahil mga mayayaman iyong mga nandoon at mga pamilyar pa sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD