AODIE AKALA ko ay nakalusot na ako sa mga nakabarilan ko kanina pero hindi pa pala. Dahil sa sobrang pag iisip ko kila Cold ay hindi ko nahalata na may sumusunod pala sa akin kung hindi pa ako muntikang mataman ng baril ay hindi ko makikita. Katulad kanina ay hindi pa din ako nakakarinig ng kahit na anong response kay Cold! Puro putukan lang baril ang naririnig ko sa kabila. "Sh*t!" agad akong yumuko nang muli akong subukang barilin ng mga humabahol sa akin. Hinugot ko ang baril na nasa tagiliran ko at sinubukang makipagpalitan ng putok dito. Pero dahil sa madami sila at mag-isa lang ako ay hindi ko na nagawang bumalik pa nang maubos ang bala ng hawak ko. Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo at nagbabaka sakaling makalayo ako sa kanila. Patuloy ang pagpapaulan ng mga bala sa akin

