AODIE "TUMAKAS ka kagabi?" tanong ni Benjie na ikinatango ko. "Aods! Delikado iyong ginawa mo! Alam mong paggaling tayo sa paglusob, hindi dapat umaalis ng mansyon!" singhal nito sa akin. "Alam ko naman! Nag-aalala lang ako sa bahay namin pero hindi naman natuloy dahil doon sa bwisit na yelo na iyon!" saad ko tapos tinignan na ung mga papeles na nasa harap ko. Wala naman akong mapapala kung magrereklamo ako dito! Kaya kahit tamad na tamad akong magbasa ng mga business documents na ibinigay sa akin, binasa ko pa din at halos maduleng-duleng ako sa sakit ng mata nang mag-umpisa akong mag basa. Hindi ko pa nakakalahati ang isang folder nang may hindi ako maintindihan kaya naman hinarap ko si Benjie na busy sa pagkalikot ng isang bagong baril. "May alam ka ba dito? Tulungan mo naman ako,"

