AODIE “HINDI mo alam iyon dahil hindi iyon ginustong ipaalam ng lola mo pero walang nagawa ang tatay mo nang magkasakit ang lola mo at doon ipinagtapat sa kan’ya ang totoo. Iilan lang ang nakakaalam no’n. Wala akong ideya kung pati ba ang mother mo ay alam iyon dahil hindi nagbanggit si Lolo Lino ng ibang pangalan,” pagpapatuloy niya. Napatingin lang ako sa sahig dahil sa mga sinabi ni Cold. Naghahanap ako ng pwedeng ibatong tanong o salita sa kan'ya. Hindi, marami akong gustong itanong na sa sobrang dami ay hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Marahan akong tumingin sa kan'ya na nakatingin din pala sa akin. "You can ask me anything, I will definitely answer all of it pero kung ang tanong na maitatanong mo ay hindi ko alam, I will make sure to find an answer for that," usal nit

