PART 2

856 Words
Literal na napanganga si Crisma nang tumigil ang sasakyan ni Miss Juliet sa tabi ng highway ng isang malaking unibersidad ng Maynila. USC o University of Santa Carmelita daw ang tawag ng school ayon kay Miss Juliet. Isa raw ito sa pinakasikat na paaralan dito sa Pilipinas. "Talaga bang dito ako mag-aaral, Ate Juliet?" manghang tanong niya, nasa loob ng kotse palang siya. Pero halos magkandahaba-haba na ang leeg niya sa pagtingin sa malawak na paaralan. "Oo, Crisma. Pasensya ka na at hindi na kita masasamahan, ha? 'Di bale ipakita mo lang 'yang mga papel na 'yan sa guwardya at papapasukin ka na nila. May emergency kasi akong meeting ngayon, eh. Pasensya na talaga, Crisma." "Okay lang po, ate. Kaya ko na pong hanapin ang magiging klase ko," tiwala siya sa sariling sagot. Sabi ng nanay at tatay niya ay huwag na huwag daw siyang paaapi. At lalong 'wag tatanga-tanga. Kahit ganito raw siya ay dapat ipakita niya na kaya niyang makipagsabayan sa mga tao rito sa Maynila. "Yan ang gusto ko sa'yo. Hindi bale mamaya, eh, susunduin naman kita." "Sige po." Bumaba na siya kotse. "Sige, Crisma." Kaway sa kaniya ni Ate Juliet niya. Nakasilip ito sa bintana ng kotse. "Bye po! Ingat po, ate!" Yumukod siya at kumaway rin. Humakbang na siya palapit sa malaking gate ng Unibersidad nang wala na ang Ate Juliet niya. Grabe ang lawak ng school! School ground palang ay an'lawak na talaga! Natigil ang tingin niya sa madaming studyante na parang nag-p-PE kasi may mga nagba-voleyball at may mga parang mga nagjo-joging. Tapos ang daming kotse na nakaparada. May nakita rin siyang bus sa loob, bus na may tatak na USC. Lalo siyang na-excite at naging proud sa sarili niya. Imagine, isa lamang siyang hamak na katutubo pero makapag-aaral siya sa ganitong school. Taray! Bachelor of Education ang course niya raw sabi ni Miss Juliet. Iyon daw ang course kung gusto niyang maging teacher. Tinanong kasi siya at iyon ang sabi niya, she want to become a teacher someday. Gusto niyang maturuan ang mga katribo niya. Gusto niya pagbalik niya sa Pampanga ay teacher na siya. At gagawin niya ang lahat matupad lang niya ang pangarap niya lalo na at dumating sa buhay niya si Miss Juliet. Kaya niya 'to! Bumuntong-hininga muna siya bago ipinasyang lumapit na nga sa guard. Nakakanerbyos, pero okay lang. Kaya niya 'to! Siya si Crisma, atapang na tao at hindi sumusuko! Subalit anong gulat niya nang may humatak sa bag niya. "Hala!" at ang tanging nasambit niya. Tumakbo na ang lalaki palayo dala ang bag niya. Medyo huli na nang mag-sink-in sa isip niya na magnanakaw iyon! "Waahhh! Snatcher! 'Yung bag ko! 'Yung bag ko!!" sigaw na niya ng malakas saka hinabol ang snatcher. "Tulong! Tulong! Habulin niyo!!" Sa kasamaang palad ay tinginan lang ang mga tao. Ni walang kumilos para tulungan siya. Kahit pa ang mga guwardya sa Unibersidad. Jusko! Ganito pala talaga dito sa Maynila! Walang tulungan! Buti na lang at biglang nagbukas ang isang pinto ng kotse na dinaanan ng snatcher. Saktong natamaan ito at nasapol ang tiyan. Napaigik itong natumba kaya nahabol niya. "Hayup ka! Hayup ka! Bag ko pa ang snatch mo, ha?! Tanga! Tanga!" Kinabayo agad niya nang maabutan niya ang lalaking iyon. Sinuntok-suntok niya ang lalaking snatcher sa tiyan sa dibdib. "Tanga! Wala 'tong laman!" pagwawala pa niya. Habang ang lalaking nagbukas ng pinto ng kotse ay takang nakatingin lang sa babaeng kumaibabaw sa lalaking natamaan nito ng 'di sinasadya sa pinto ng kotse. Napagod si Crisma sa pagbubugbog sa lalaki kaya tumayo na ito at inayos ang sarili. Dumami na ang nakiusyuso at tumulong na rin. Kinuyog ng mga tao ang tatakas pa sanang snatcher. Medyo nakaramdam ng hiya si Crisma. Meron din naman palang tulungan dito. Sadyang may mga tao lang siguro na walang lakas na tumulong dahil natatakot mangialam. Sa dami ba naman kasi ng tao dito sa Maynila at hindi mo na alam if sino ang worth it tulungan. "Buti na lang andiyan 'yung kotse," sabi ng isang lalaki. Doon napatingin siya sa kotse na naging hero niya sa araw na ito. May lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya. Napangiti siya sa lalaki pero napangiwi ang lalaki. "My hero!" sabi na niya na binuka ang mga kamay. Yayakapin niya ang kanyang hero. "Thank you!" sabi niya na kumilos. Biglang iwas ang lalaking nakangiwi dahil yayakapin ito ng babaeng may kaitiman ang balat. Pero anong gulat nito dahil hindi pala ito ang yayakapin dahil 'yung kotse nito pala ang yayakapin ng babaeng ewan nito kung nasobrahan ng sunburn 'yata sa balat? O kulay na niya talaga? "Thank you! Salamat!" senserong ani Crisma habang panay ang yakap at kiss niya sa kotseng hero niya. Napakamot-ulo ang lalaki. "What the! Takas sa metal?!" at sa isip-isip nito na iniwan na ang babae. Iiling-iling itong pumasok sa eskwelahan. Sa labas na nito pinark ang kotse dahil saglit lang naman ito sa Unibersidad. Aalis din ito agad. At pagpasok pa lang ng lalaki roon ay kiligan na ang mga babae. Sapagkat ito lang naman kasi si Erik! Si Erik Raneses, ang campus crush ng University of Santa Carmelita!......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD