RANYA POVS
"Ikaw?" gulat na sabi ko.
"Yes ako nga, bakit? gulat ka?.
Hindi naman ako multo?" turan nito sa akin.
"Ang ibig ko, po sabihin dumating na kana.
Nga pala Sir? pwede na ba ako umalis," wika ko dito.
"No?" matigas na boses nito.
Lintik na lalaking ito nagkapasa na nga ako dito ayaw pa nya ako paalisin. Anong gusto nya uuwi ako ng bangkay.
"Sir, kailangan ko, na maka uwi at maka hanap ng trabaho hindi mo, naman ako pag-aari kaya hindi mo, ako pwede pigilan!" untag ko dito.
Matalim na tingin lang binigay nito sa akin sabay alis.
Hay ang sarap sabunutan tong walang pusong lalaki.
Bagay nga kayo ng nobya mang ampalaya.
Kung may pagkakataon lang ako maka takas dito tatakas ako at hinding-hindi na ako magpapakita pa sa'yo kahit mamatay ka, pa' hayop ka!" bulong ng utak ko.
Bumalik ang lalaki sa harap ko.
" Magbihis ka, may pupuntahan tayo?" utos nito sa akin.
" Ayaw ko, aalis ka! mag-isa mo. Huwag mo ako isama!" sagot ko.
Ngunit lumapit ito sa akin sabay sakal sa leeg ko.
"Huwag mo, ako galitin babae hindi mo gusto ang gagawin ko, sa'yo?" malamig na boses nito.
"B-Bitawan mo, ako hindi ako makahinga," nagmamaawa ko sa lalaki.
" Hindi lang iyan gagawin ko, sa'yo kung matigas ang ulo ko babae. Kaya kung ako sa'yo lahat ng gusto ko sumunod ka!" ngising saad nito.
Kailangan ko, magkunwaring sumunod sa kan'ya. Hindi ako pwede mamatay marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.
" O-Opo," sagot ko dito.
" Good! Ganyan nga babae.
Mamaya ma'aga ka magbihis ayaw ko pinaghintay ako!" wika nito sa akin.
" Opo," tipid na sagot ko.
Nang pakawalan nya ako kusang pumatak ang nga luha ko.
" Ma'am , ayos ka lang po?" tanong ni Ate sa akin.
" Opo, ayos lang Ate.
" Nga pala ma'am heto pala damit na susuotin mo, mamaya. May darating rin para ayusan ka," anya ni Ate sa akin.
" Sige po," tipid na sagot ko.
Maya't-maya dumating na ang taong hinintay ko.
Dalawang maganda babae ang nagayos sa akin.
Hakatang professional na ang nga ito.
" Hello, ma'am nandito kami upang ayusan ka, handa ka na ba?" tanong ng isa.
" Opo, " ngiting saad ko.
Unang beses ko, nag-ayos ng ganito.
Lalo na wala naman ako pera para maganda.
30 minutes natapos rin sila sa pag-ayos ng make up ko.
" Wow? Ma'am ang ganda nyo. Ngayon lang kami naka ayos ng ganitong sobrang ganda perfect ma'am," puri ng babae sa akin.
Tumingin ako sa salamin. Muntik ko na hindi makilala ang sarili ko.
Ang laking pinagbago ko noon at ngayon.
"Salamat po," ngiting saad ko.
"Pak na pak ma'am ikaw talaga ang pinakamaganda sa gabing ito!" puri ng babae sa akin.
"Hindi naman siguro," sagot ko.
Sinuot ko ang damit na bigay ni Daizon sa akin.
Tumpak bagay na bagay talaga kung titingnan anak ako ng isang mayaman.
"Wow? Mas lumanta pa ang ka sexy han mo ma'am, model ka ba?" wika ng isa sa akin.
"Hindi po, isang simpleng babae lang ako," sagot ko.
"Anong sikreto mo, gandang ka ganda ang katawan mo?" bulong ng isa sa akin. Bahagya napatawa ako sa sinabi nito.
"Tapos na po, ba kayo' dyan ma'am naghihintay na po, si Lord sa baba," saad ni Ate sa amin.
"Opo,Ate," tungon ko dito.
Lumabas na rin dalawang babae. Inayos ko muna sarili ko bago ako bumaba . Mabuti na lang marunong ako maglakad kahit naka takong ako.
Dahan-dahan ako bumaba ng hagdan. Hindi ako sanay sa suot ko Pakiramdam ko maraming mga mata naka tingin sa akin. Unang beses ko naka usot ng sexy gown.
" Tapos na ako Daizon," saad ko sa lalaking naka talikod habang may kausap sa cellphone nito .
Lumingon ang lalaki sabay tingin sa akin.
"Let's go," walang buhay na sabi nito.
Hindi ba, sya nagandahan sa akin wala man lang sya reaction nang makita nya ako.
Hay sino ba naman ako para nagustohan ng lalaki huwag kang assume Ranya, bulong ng utak ko.
Sabay kami lumabas ng mansion nito.
Bago kami umalis may nilagay ito sa akin. Hindi na ako nagtanong at magalit pa ito sa akin.
Tahimik sa loob ng sasakyan nito may tattlong naka sunod na sa likod namin. Alam ko naman tauhan ito ni Daizon.
Malakas ang kabog ng aking dibdib.
Unang beses ko sumama sa ganito. Natakot ako mapahiya si Daizon.
"Are you okay?" tipid na tanong ng lalaki sa akin.
Sabihin ko, ba' sa kanya na kinakabahan ako. O magkunwari ako na ayos lang.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaking ito.
"A-ayos lang ako," pautal na sagot ko.
"Good!" sagot nito sa akin.
Ganito ba talaga sya magsalita ang ikli.
Hindi nagtagal nakarating kami sa lugar.
Isang malaking gusali nakita ko.
"Here gamitin mo, ito kung kinakailanagan ," sabay bigay ng baril sa akin.
Nagtaka ako para saan naman at Hindi ako marunong gumamit ng baril.
Hindi kaya namatay tao sya mga tanong sa utak ko.
"Hi-hindi ako marunong nyan," tanging sabi ko.
"Kung gusto mo, mabuhay kunin mo ito!" wika nito sabay lahat sa palad ko.
Anak ng kambing hindi ko lubos akalain maka hawak ako ng baril. Kung alam ko lang hindi na ako sumama dito.
"Itago mo, iyan sa bewang mo," bulong nito sa punong tenga ko.
Wala ako magawa kundi kunin ang baril sabay sik-sik sa bewang ko. Mabuti na lang maliit lang ito kaya hindi halata.
Pinagbuksan ako ng tauhan ng lalaki.
Pagdating sa harap ng pinto kinuha ni Daizon ang kamay ko sabay hawak nagulat ako sa ginawa nito.
Kailangan pa ba talaga ganito. Wala naman kami relasyon.
"Huwag ka lalayo sa akin babae kung tatakas ka, siguraduhin mo hindi kita mahuli," muling bulong nito sa punong tenga ko.
"Alam ko, naman!" walang buhay na sagot ko.
Maraming bumati sa amin ang iba nakatungin sa akin.
"Mr, Dainzon you are here?" wika ng matandang lalaki kay Daizon.
Hindi man lang ito ngumiti o makipag kamaya sa matanda.
Ganito ba, talaga isang Daizon.
"Sino naman kasama mo, napakagandang babae. Saan mo, sya napulot!" wika nito sa akin.
Aba harap-harapan ata pinaririnigan ako.
Kung hindi maraming tao sinupalpal na kita matanda ka, saad ng aking isip.
"Wala kang pakialam kung saan lupalop ko sya nakita. Ang iisipin mo, kung saan mo itago ang kabet mo?" ngising sagot nito sa lalaki.
Mala demonyo ang ngiti ng lalaki.
Nakita ko na mutla ang matanda bang marinig nya sinabi ni Daizon.
"Nagbibiro lang naman tayo halika maupo ka," aya niyo kay Daizon, habang ako makikinig lang sa usapan nila.
"Dainzon nagpaalam muna ako gumamit ng banyo?" saad ko sa lalaki.
"Sige huwag ka nagtagal," untag nito sa akin.
Tumango lang ako kay Daizon. Hindi naman ako tatakas dahil takot ako sa lalaki.
Sinamahan ako ng tauhan nito .
Dahil hindi ko alam kung saan banyo.
Puro mayayaman tao pala narito lahat.
Nang maka pasok ako sa loob may may narinig ako dalawang babae nag usap.
" Alam mo, ba darating daw si Mr, Daizon ngayon. "
" Talaga pupunta sya. Alam mo kaya hindi pa ako nag-asawa dahil sya ang hinintay ko maging asawa ko?" saad ng malanding babae tila kilig na kilig pa ito ng banggiton pakakasalan .
" Tara na baka nandyan na sya sa labas," wika ng isa.
Napailing na lang ako sa aking narinig.
Sino ba, naman hindi mababaliw sa sobrang gwapo ng lalaki. Siguro kung ibang babae lang nalaglag na ang kanilang panty.
Nang matapos ako lumabas na ako.
Ngunit hindi sinasadya nagkasalubong kami ng babaeng nanakit sa akin noong nakaraan araw.
Nandito rin pala ang nobya ni Daizon.
"Tingnan mo ng naman ang laki ng mundi dito pa tayo nagkita," saad nito sa akin.
Isang buntong hininga pinakawalan ko bago ako nagsalita.
" Akala mo, ba? Gusto kita makita babae!" taas kilay na sagot ko.
" Miss, Cara kailangan na namin umalis," saad ng tauhan ni Daizon.
Iniwan namin galit na galit ang babae.
Sumigaw pa ito na hindi pa sya tapos sa akin.
Muli ako pumasok sa loob nakita ko abala si Daizon kaya hindi muna ako lumapit sa kan'ya.
"Ma'am, wine po," wika ng lalaki sa akin.
"No, juice lang po?" ngiting saad ko.
Agad naman nya ako binigyan ng juice hindi ako uminom ng alak.
Habang nakatingin ako sa gawi ni Daizon, nakita ko lumapit sa kanya si Cara. Hinalikan pa nya ito sa pingi sabay yakap.
Maya't-maya nag-umpisa na party.
" Hey Miss, nag-iisa ka lang ba?" bose ng isang lalaki.
Lumingon ako sa kan'ya. Gwapo sya pero mas gwapo pa si Daizon.
" Hindi may kasama ako," sagot ko.
" Kung may kasama ka, na saan sya, bakit hindi mo, sya kasama ngayon. Sayang naman kung hinayaan ka, lang nya mag-isa dito lalo na napakaganda mo?" wika nito sabay tingin sa akin.
Halatang manyakis itong hinayupak na ito.
Masamang tingin binigay ko sa lalaki.
Ngunit hindi man lang ito natinag .
Balak pa sana nya ako hawakan ngunit may humawak sa kamay nito.
Tumingin ako kung sino gumawa walang iba kundi si Daizon.
Hindi ko man lang napansin lumapit ito sa gawi ko.
"Subukan mo, hawakan ang pag-aari ko!" matigas na boses nito .
Nakita ko namutla ang lalaki.
"Paumanhin, Mr. Dainzon hindi ko alam na pag-aari mo, pala sya. Kahit bigyan pa ako ng isang daan lakas hindi ko hahawakan pag-aari mo?" takot na sagot nito.
Kinaladkad ng tauhan ni Daizon sa labas ang lalaki.
"Hindi ba, sinabi ko sa'yo na huwag ka lalayo sa akin sabay hawak sa bewang ko.
Bigla tuloy ako kinabahan sa lalaking ito.
" Hindi ako lumapit sa'yo dahil nandyan ang girlfriend mo," untag ko sa lalaki.
Nag-iba ang aura ng kanyang mukha.
Kumalas ito sa laghawak sa bewang ko.
" Honey, nandito ka lang pala.
Sino sya?" kunwaring tanong ni Cara kay Daizon.
" Nothing," tipid na sagot nj Daizon.
Lumapit si Cara sabay dikit sa lalaki.
Kulang na lang maghalikan na sila sa sobrang dikit nila sa isa't-isa.
"Anya, sya ang secretary ko?" wika nito sa nobya..
Aba kailan ako naging secretary nito.
"Ikaw, huwag kang dikit ng dikit sa nobyo ko. Kung ayaw mo, magsisi sa huli. Kung ako sa'yo lumayas ka na habang maaga pa!" banta nito sa akin.
Hay akala nya gusto ko nobyo nya na pusong bato.
Sa'yo na nobyo mo walang aagaw sayo," bulong ng utak ko.
Maya't-maya natapos na ang party.
" Honey, pwede mo ba ako ihatid sa bahay?" malanding saad ni Cara kay Daizon.
" Okay?" sang-ayon nito.
"Justin, ihatid mo, na si Anya sa mansion," saad ni Daizon.
" Opo, Lord," tungon ng tauhan nito.
Iba talaga mga may kapangyarihan lahat ng tao sumunod sa kan'ya paano na lang katulang kong kutong lupa lamang.