CHAPTER 5

1139 Words
RANYA POVS. "Ikaw pala anong kialangan mo, sa akin diba binayaran na kita?" wika ko sa lalaki. Pati ba naman sa bahay hindi nya tinanggal ang mas nito, ganun rin ang kanyang salamin. Mayaman pala ang mokong na ito akala ko simpleng lalaki la ng sya naka tira pala ito sa magandang mansion. "Mabuti naman nakita ka ulit babae!" malamig na boses nito. "Kuya, ano naman kailangan mo, sa akin. Diba naka tanggap ka naman nag pera sa akin. Kaya ano pa kailangan mo, patas naman tayo," mahina kong sabi. "Patas, sa tawag bigla na lang nanghalik sa akin. Hindi mo, ba' alam kung sino ako?" wika nito sabay hampas sa mesa. Nakaramdam ako ng takot sa lalaking ito. Kung alam ko lang hindi na ako sumama pa dito. "Pumili ka, mamatay ka, dito or papayag ka sa gusto ko!" walang buhay na saad nito. "Simple lang naman, ang gusto sa'yo. Diba ikaw na mismo nagsabi na nobyo mo, ako?" ngising saad nito. "Sir, hindi lang tayo nagkaunawaan. Nagpanggap lang naman tayo bilang mag nobyo. At isa pa isang mahirap na babae lang ako," wika ko dito. Hindi sya nagsalita bagkus kinuha nya ang cellphone nyo at may tinawagan ito.Samantala hindi ko na tinapos dahil mabilis ako tumakbo. Ngunit hindi pa ako naka layo bigla may humawak sa kamay ko sabay takpan sa ilong ko. Unting-unti ako nawala ng malay. Anong nilagay nig lalaking iyon bakit tila ang bigat ng aking mga mata. Hanggang sa nakatulog ako. Nagising ako sa malamig na kwarto. Hindi naman ako naka tali tulad ng nakikita ko sa palabas. Dahan-dahan ako lumapit sa pinto sinubukan ko buksan ito. Ngunit naka lock. Tumingin ako sa paligid kailangan ko, gumawa ng paraan upang maka labas dito. Hindi maari dito lang ang aking palaran. Maya't-maya bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki. "Huwag mo, na tangkain tumakas babae!" seryoso nitong sabi. "Ano, ba? Talaga layunin mo, sa akin hindi naman kita kilala. At wala naman ako atraso sa'yo bakit ayaw mo, ako pakawalan," sagot ko sa lalaki. "Isa lang gusto ko, pumirma ka dito." "Ano naman iyan," balik na sagot ko. May binigay na papel sa akin ngunit nagtaka ako bakit walang naka sulat. Hindi naman ako bobo at bulag. "Sir, bakit walang nakasulat dito. Pinag loloko mo, ba ako?" galit na boses ko. "Sa babae ka pumirma babae." "Sir hindi ako, pipirma kung walang naka sulat malay ko ba na masama pala ito at ako pa ang makukulong!" taas na kilay ko dito. " Pumirma ka, o makukulong ka!" malamig na boses nito. Ano bang dapat kong gawin kung hindi naman ako pipirma makukulong. " Si-Sige sir pipirma na po, ako?" pautal na sagot ko. Nanginginig ang kamay ko sa paghawak ng ball pen. Kapag minalas nga naman tayo o. "Pumayag ka rin naman pala pinahirapan mo, pa sarili mo!" " Sir pwede na, po' ba ako umuwi." " No? Hanggat hindi ko, sinabi dito ka lang?" seryoso nitong sabi. " A-ano? " gulat ma saad ko. Lintik anong gagawin ko dito. Gusto ko sayang batuhin para lang naman maganti sa kanya. Nainis ako dahil Hindi ako makauwi ngayon. Baka nag-alala na kaibigan ko, sa akin. Tumingin ako sa relo ko, 10:00pm na ng gabi. OMG kailangan ko maka alis dito. Sinubukan ko tingnan ang bintana ngunit may mga bakal ito. Lintik saan ako dadaan. Lumapit ako sa pinto sabay katok. "Sir, palabasin mo, ako dito please kailangan ko, umuwi," sigaw ko mya sa loob. Ngunit walang sumagot kaya napaupo na lang ako sa sahig. Nakatulog ako sa sahig. Nagising ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. " Ma'am, gising po, kailangan nyo kumain," saad ng babae sa akin. Tinulungan nya ako bumangon at pina upo. " Ate nasaan ang amo, nyo?" tanong ko sa babae. " Wala po, si Lord ma'am," tungon nito sa akin. Bakit ba lahat sila Lord ang tawag nila sa lalaking iyon. Sino ha talaga sya bakit lahat sila takot sa lalaking iyon. "Ate pwede ba, ako magtanong sa'yo." "Ano po, iyon ma'am," tungon nito sa akin. "Bakit Lord ang tawag nyo, sa amo nyo. At bakit lagi naka mask sya. Di kaya may sakit sya," saad ko. Nakita ko napa upo ang babae tila taranta ito sa tanong ko. "Ma'am, hindi po, ako pwede nagbigay ng information tungkol sa aking amo. Paumanhin po, aalis na ako," paalam nito sa akin. Napa kamot na lang ako sa aking ulo. Parang may mali dito kailangan ko, alamin. Dahil nakaramdam ako ng gutom kinain ko na ang pagkain bigay sa akin. Wala naman siguro ito lason. Masarap ang pagkain kaya naubos ko ito lahat. Pagkatapos ko kumain nagtungo ako sa banyo upang naghugas ng aking kamay. Wala akong damit kaya hindi ako makapag palit. Nakalimutan ko rin dalhin ang cellphone ko kaya hindi ko matawagan ang kaibigan ko. Lahat na lang ata ng kamalasan nasalo ko na. Nang matapos ako maghugas humiga na ako sa kama upang matulog ulit. Nagising ako nang biglang may humaplos sa aking pisngi. Minukat ko ang aking mga mata ngunit wala naman akong nakitang tao. Hindi kaya nanaginip lang ako. Inunat ko muna ang aking mga braso. At staka nagtungo sa pinto upang buksan. Nagulat ako hindi naman pala naka lock ang pinto. Kaya dahan-dahan ako lumabas upang tingnan kung may naka bantay sa labas. Nagdiwang ang aking puso ng makita ko walang tao. Napaka laki ng bahay hindi ko alam kung saan labasan dito. "Ma'am, gising ka na?" boses ng babae. Lumingon ako sa likod ko. "I-Ikaw pala?" pilit na ngiti ko dito. Sya ang babaeng naghatid ng pagkain ko kagabi. "Ma'am, bilin jni Lord kapag gising ka na kailangan mo, mag-almusal," saad nito sa akin. "Sige po," tanging sagot ko. Kailangan ko, gumawa ng paraan maka takas lang dito. Nagulat ako nang makita ko maraming putahe naka handa sa mesa. Parang may party sa sobrang daming pagkain naka hain sa mesa. "Ate , sa akin ba, lahat ito?" tanong ko sa babae. "Opo," tipid na sagot nito. Hindi ko akalain ganito ka dami ang pagkain. "Ate, hindi ko naman maubos ito . Hotdog at itlog lang ayos na sa akin." "Sumunod lang po, kami sa utos ni Lord. Kumain na po, kayo nasa gilid lang ako. Kung may kailangan po, kayo tawagin nyo, lang ako,"mahabang salaysay nito sa akin. Kumain lang ako ng konti baka sabihin nila matakaw ako. Nang matapos ako, niligpit ko ang pinagkainan ko. Ngunit mabilis naman kinuha ng babae sa kamay ko. " Kami na po dyan?" saad ng babae sa akin. "Ate ako na po, ang maghugas," wika ko dito. "Ma'am, kami na po, dito," sangot naman ng isa. Kaya wala ako nagawa kundi hayaan sa mga babae . Peste paano ako aalis dito kahit labasan ng bahay hindi ko alam kung saan . Kailangan ko, muna kabisadohin ang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD