RANYA POVS. ISANG malakas na putok ang nagpagising sa akin. Wala na sa tabi ko si Daizon. May damit na rin ako. Sino kaya nagbihis sa akin. Dali-dali ako lumabas ng kwarto. "Ma'am, Anya? Ano nangyari sa'yo bakit namutla ka?" tanong ni Ate sa akin. "Ate, narinig mo ba, malakas na putok?" tanong ko dito. "Ay yun ba, nagsanay lang sila," sagot nito sa akin. Napa taas ang kilay ko sa sinabi nito. "Nagsanay po, " untag ko dito. Tumango si Ate sa akin. Napakamot na lang ako sa aking ulo. "Si Daizon, po, na saan?" muling tanong ko kay Ate. "Nas bartolina sya kamasa ang tauhan nya. Bakit may kailangan ka ba sa' kanya?" balik na tanong ni Ate sa akin. "Wala po," ngising sagot ko. Ang totoo nais ko lang tanongin kay Daizon kung sino nag bihis sa akin. Hindi nagtagal

