"Of course, I'm okay eh ikaw?" tanong nito sa kaniya. Natawa nang pagak ang dalaga. "Ano bang pinagpuputok ng butsi mo at pinag-iinitan mo ako?" Ani ni Thalia. Napairap naman agad sa hangin si Clarisse. "Hindi ba obvious?" tanong nito. Siya naman ngayon ang napairap. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" sagot niya. "Guys, guys kalma," sabat ni Elena. "Iyang si, Thalia ang pagsabihan mo. Masiyadong denial," ani nito at tumayo na tsaka umalis. "Aba't--" Kaagad na hinawakan ni Elena ang kamay niya at umiling. "Huwag mo nang patulan pa. Bitter lang 'yon sa'yo," saad ng kaibigan. "Bakit? Ano bang ginawa ko sa kaniya para mag-react siya nang ganoon?" Kunot ang noong tanong ng dalaga. "Eh kasi nga po siya lang naman ang dating secretary ni, Sir Trevor," sagot ni Elena. "Sa pagk

