Sabado ngayon at walang trabaho ang dalaga. Napag-isipan niyang mag-grocery. Saktong alas onse ng umaga siya pumunta sa mall. Suot ang black tight jeans at white body fit na damit na pinaresan naman ng flat sandals. Nagsuot na rin siya ng black cap. Para siyang artistang nagdi-disguise sa ayos niya. Nakangiting binati siya ng guwardiya ng mall. Nginitian niya naman ito pabalik. Naisipan niya munang mag-lunch sa isang kilalang fastfood restaurant. Nang matapos ay naglakad-lakad muna siya. Mamaya na siya mag-go-grocery. Habang naglalakad ay namamangha ang dalaga habang nakatingin sa mga fine dining restaurant. Natigil siya sa paglalakad at napalis ang ngiti nang mapagsino ang binata na may katabing hindi pamilyar subalit magandang babae, nakaakbay ang binata at masayang-masaya ito. "Trevor

