"Baba na ako," paalam ng dalaga sa binata. Tipid ang ngiting tumango lamang ang binata sa kaniya. Binuksan na niya ang pinto at akmang bababa na nang hawakan ng binata ang kamay niya. Nakangiting hinarap niya ito. "Bakit?" tanong niya. Inilapit ng binata ang mukha niya sa dalaga at walang pasabing hinalikan ito. Napapikit naman agad ang dalaga sa ginawa ng binata. Ilang minuto pa bago siya binitawan ng binata. Parehong hingal na nagtinginan silang dalawa. "Aalis na ako," nakangiting ani niya sa binata. "Okay, see you later," ani ng binata sa kaniya. This time ay bumaba na siya at lumabas. "Alis na," nakangiting ani niya sa binata. "Get inside first, aalis lang ako kung nakapasok ka na sa loob ng bahay niyo," ani ng binata. Tumango ang dalaga at humakbang tsaka nag-wave sa kaniya.

