You can add this story now for free. Nagmamadaling binuhat ng dalaga ang baldeng may laman ng tubig at isinalin sa malaking drum. Kailangan niyang mag-imbak ng tubig para panligo niya mamaya. Paniguradong marami ang gagawin ngayon sa hacienda. Nag-iisa na sa buhay si Khadessi Cuntay kaya’t lahat ng gawaing bahay ay gamay na niya. Nagbihis siya ng maitim na jogging pants at puting t-shirt tsaka itinali ang buhok. Madaling araw pa lang ngayon subalit kailangan na niyang pumunta ng hacienda upang magluto. Gamit ang kaniyang lumang bisikleta ay nagsimula na siyang mag-pedal buti na lamang at hindi kalayuan ang hacienda mula sa kanilang bahay. Mabilis na inilagay niya sa gilid ng pader ng kusina ang kaniyang bisikleta at pumasok na sa loob tsaka isinuot ang kaniyang apron. Nakita niya si Alin

