Araw nang sabado ngayon kaya walang pasok sa opisina ang dalaga. Kasalukuyan siyang nakaupo sa upuan kaharap si Tikboy at ang mga kakusa nito. "Sabihin mo nga sa akin Tikboy kung bakit mo ginawa 'yon?" Kunot ang noong tanong ng dalaga. Hindi makatingin nang deritso si Tikboy kaya umayos siya nang upo. "Ano? Hindi mo na alam kung paano magsalita?" Inis na tanong ng dalaga. Napalunok si Tikboy at kinuha ang 3310 Nokia phone niya. "Ano 'to?" tanong ng dalaga. Tahimik na ibinigay lamang sa kaniya ng binata. Kinuha niya ang cellphone at binasa ang message. Magka-dikit ang kilay na tiningnan niya ito. "Nakipag-break sa'yo si Merideth, kaya ka nagwala noong isang araw?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. Tumango naman nang mahina si Tikboy. Nasapo ng dalaga ang noo niya sa stress. Si M

