Chapter 4

1825 Words
Krysta Nagising ako dahil sa ingay na ginagawa ng door bell na paulit-ulit na pinipindot ng kung sino man. Naiinis akong bumangon dahil naistorbo ang beauty rest ko. Pagtingin ko ay alas-sais na ng umaga. Napabalingkwas ako bigla dahil baka ma-late ako sa kunyaring work ko ngayon bilang sekretarya ni Xander. Agad akong tumayo papunta sa pinto para pagbuksan ang kung sino man na ginawa nang laruan ang door bell ng condo ko. Sinilip ko sa butas at nakita kong si Vernice ang lapastangang ginawang laruan ang aming doorbell. Binuksan ko ang pinto namin at agad niya akong sinunggaban ng yakap. "Aray! Ano ba ang problema mo at ang aga-aga ginawa mong Christmas bell iyang door bell natin?!" May pagkairitang sabi ko sa kanya. "Ito naman ang aga-aga nagsusungit ka," nakasimangot na sabi niya. "Masaya lang naman ako dahil makikita mo na ang love of your life." Napangiti ako nang maalala ko si Xander ko. Nagpaalam na ako kay Vernice para makapaghanda na rin. Dumiretso ako ng banyo at naligo at nang matapos ay mabilis akong nagbihis ng simpleng damit lang pero dapat ay mukha akong sopistikada para ma-impress si Xander ko. Sinigurado ko na dala ko lahat ng kailangan ko. Naglagay na rin ako ng baril sa aking bag kung saan hindi ito pwedeng ma-detect o makita ng security. Mahirap na baka makulong ako ng wala sa oras. Dali-dali akong nag-ayos ng gamit at i-shinoot lahat iyon sa aking bag. Nang sigurado ako na handa na ang lahat ay isinukbit ko ang aking bag at lumabas na ng aming condo. Dumiretso ako sa aking Ducati at minaneho ito papunta sa opisina ng aking mahal na si Xander. Buti na lang maaga ako dahil hindi naman traffic ngayon. Pagdating ko ay inalis ko ang aking helmet at flinip ko ang aking mahabang buhok. Nakita ko na nakatingin sa akin ang ibang kalalakihan pero dumiretso lang akong pumasok sa entrada ng ATHAN CORPORATION. Sinearch ako ng guard at hindi niya na-detect ang aking nakatagong baril. Nang makapasa sa search ng security guard sa mismong entrada ng gusali ay sumakay ako sa isang elevator kung saan ay may mga nakasabay akong mga lalaki. I can feel at the back of my head that they are all staring at me from head to toe. Paglabas ko ng elevator ay agad akong dumiretso sa opisina ni Xander at napansin ko na wala pang tao. Pagtingin ko ng oras ay alas-siyete y medya pa lang ng umaga. Masaya akong umupo sa secretary's chair at agad na binuksan ang computer. Iniisip ko sino kaya ang posibleng magplano ng pagpatay kay Xander. Ilang minuto pa akong nakaupo sa harapan ng computer nang lumabas mula sa elevator ang isang babae at agad siyang dumiretso kung nasaan ako. "Good morning! Are you the new recruit?" tanong niya sa akin at ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Good morning! Ako nga po." Ngumiti rin siya pabalik sa akin. "I see. Ako nga pala si Linda,” pagpapakilala niya sabay ilinahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin. “Model ka ba?" bigla niyang tanong sa akin nang tinanggap ko ang kanyang kamay. Napakurap-kurap ako. "Ha?" "Ang ganda mo kasi tapos ang tangkad mo pa. Ilang taon ka na ba?" Natutuwa naman ako sa kanya dahil ang prangka niya. Sasagutin ko na sana siya pero bigla na lang sumulpot ang boss namin na si Xander Mostrales. Ang gwapo niya sa suit niyang kulay gray. Bagong ligo at bagong shave rin siya na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Kinausap niya si Linda at napatitig naman ako sa gwapo niyang mukha habang seryoso niyang kinakausap si Linda. "Sir nandito na po iyong bagong papalit sa akin bilang sekretarya niyo," pakilala sa akin ni Linda.  Napatingin sa akin si Xander at agad naman akong tumayo para batiin siya. Napatitig siya sa akin nang medyo matagal bago niya ibinaling ang kanyang tingin kay Linda. "I see. Orient her about everything." Umalis na siya at pumasok sa kanyang opisina. Napasimangot ako dahil hindi man lang niya ako binati. Hmp! Gumising kaya iyon na wala sa mood? Nang makapasok siya ay sinundan ko pa ng tingin iyong pinto niya. "Crush mo si Sir Xander noh?" tanong ni Linda sa akin. Napatingin ako sa kanya at nahihiyang tumango. "Sino ba ang hindi?” umpisa ko. “Ang gwapo at saka mukhang ang sarap papakin." Tinawanan niya ako. "Hay naku sinabi mo pa." Umupo siya sa harap ng computer sabay may tinitipa roon. “Alam mo ba noong unang beses ko rin dito ay crush ko rin naman si sir.” Magrereklamo sana ako pero tinuloy niya ang kanyang sinasabi. “Just to be clear he’s all yours. Noon ko lang naman siya nagustuhan pero nang malaman ko na ayaw niya sa hinahabol siya ay nadismaya ako at hindi ko na tinuloy pa ang pagpapantasya na maging akin siya.” Kumunot ang aking noo. "Ha? Bakit naman?" Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko rin alam. Basta iyon lang ang napansin ko." Tumango-tango na lang ako pero naguguluhan ako sa sinabi ni Linda kung bakit ayaw niya sa mga babaeng humahabol sa kanya. "Sayang naman. Balak ko pa namang akitin siya." Natawa si Linda sabay pinalo niya ako ng mahina sa aking braso. Sinimulan niya akong turuan sa mga dapat kong gawin. Madali lang namang matutunan ang mga ginagawa niya dahil noong nag-training ako noong assassin ay mas mahirap pa rito ang mga ginagawa namin. We work on hackings and all that kind of stuff that’s why this is not new to me. Isa pa ang tinapos ko rin naman noon sa college ay accounting. Mas mahirap pa nga iyong trabaho ko kaysa sa office work. Buong araw akong tinuruan ni Linda at nalulungkot ako na hindi ko man lang nakita ni anino ni Xander. Pagtingin ko ng orasan ay malapit nang mag-alas singko. Napansin yata ni Linda na gusto kong makita si Xander. "Naku huwag mo nang hintayin si sir at matagal pa iyong lumabas. Nag-o-over time siya palagi kaya kung minsan siya na rin ang nagsasara. Kaso nitong mga nakaraang araw napapansin ko na parang may kasamang guard si Sir." Nagtaka ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. "Ito narinig ko lang pero huwag mong sasabihin ha?" Tumango ako. "Balita ko kasi may muntik daw mang-holdap sa kanya pero dahil may mga nakakalat na pulis kaya nakatakas daw iyong salarin." Naningkit ang aking mga mata sa aking nalaman. Mukhang iyon nga iyong taong may masamang balak sa kanya. I need to investigate more. I'm very sure I will find something inside his office. Mukhang kailangan kong bumalik dito mamayang gabi. Nang matapos ang trabaho namin ay nagsabay na kaming lumabas ni Linda ng opisina. Nagpaalam ako sa kanya at agad akong sumakay sa aking Ducati na ikinagulat pa ni Linda dahil may ganoon akong motor. Umuwi muna ako sa condo at pagdating ko ay dali-dali akong nagpalit ng aking damit. Habang nagpapalit ay nasa pintuan ko lang si Vernice at pinapanuod akong magpalit. Humalukipkip pa siya habang may subong lollipop sa kanyang bibig. "Nagkita na ba kayo ng love of your life mo na si Xander?" tanong niya. "Yup! Kaso hindi ko alam kung naaalala niya ako o hindi. Nang makita niya kasi ako ay wala akong nakitang ekspresyon sa kanyang mukha," paliwanag ko. “Sa tingin mo naalala niya ako? Kaso nalaman ko na ayaw niya pala ng clingy na girl at pabebe. Ano’ng gagawin ko para pansinin niya ako?” Humalukipkip si Vernice at sumandal sa may pinto. “Just be you girl. Sigurado ako na makukulitan din siya sa iyo.” Tumango ako at saka dumiretso sa banyo para mag-bubble bath muna bago ako susugod sa gusali niya mamaya. I need to look for anything about Xander’s killer, and I might find it in his office. Nang matapos akong mag-bubble bath ay chineck ko ang orasan at nakita kong alas-nueve na ng gabi. Meron pa kaya si Xander ko sa opisina niya? Sana wala na para magawa ko ang trabaho ko. Nagpalit ako sa isang all black suit na fitted sa aking katawan para hindi sumabit dito ang kahit na ano’ng bagay. Sinigurado ko na dala ko lahat ang kailangan ko pero bago ako pumunta ay pinag-aralan ko ang buong security ng gusali na nabasa ko sa file na bigay ni Ms. Thorn. Mahirap nang mahuli at makulong at baka mas lalo kong hindi makita ang Xander ko. "Good luck!" sigaw ni Vernice bago ako lumabas. Pagbalik ko sa gusali niya ay mukhang sarado na nga ito. Pinarada ko ang aking motorsiklo na malayo sa gusali. Pumunta ako sa likurang bahagi ng gusali at nakita kong walang bantay doon. Each CCTV has an interval of 20 seconds. I just need to pass by all of them without getting caught. Kahit iyong mga pintuan may sensor at kunting galaw lang ay tutunog ito. What do I expect? According to the file, these CCTV and security gadgets are the works of Jethro Nam, a security genius. Ms. Thorn has a way to escape this, and she taught us how to do it. Easy peasy. Gamit ang aking magic susi ay pumasok ako sa isang bintana at lumabas ako sa cr ng mga babae. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip kung may tao at nakita ko rin ang mga CCTV. Bago ako lumabas ay nag-inat-inat muna ako at saka huminga ng malalim bago lumabas at iniwasan ang bawat CCTV sa gusali at nag-ala pusa. Nang makarating ako sa harapan ng opisina ni Xander at akmang bubuksan ko na ito ay narinig ko na may mga yabag na papalapit. Agad akong nagtago sa likod ng isang matangkad na halaman. Mula rito ay pansin ko na hindi security guard ang nandito kundi isang matangkad na lalaki. s**t! What the hell happened to the security? Pinanuod ko kung anong gagawin niya. Seems like he can freely walk without minding the CCTV cameras. Napansin ko na hindi gumagalaw ang mga CCTV at mukhang may ginawa siya para i-freeze ang mga ito. This guy is an idiot. Hindi niya ba alam na tutunog anumang oras ang mga sensors oras na lumagpas ang 20 seconds. Sinubukan niyang buksan ang pinto ni Xander pero naka-lock ito nang napansin ko na may siningit siyang papel dito. Nang sisitahin ko siya ay biglang tumunog ang mga sensors. s**t! Sabi ko na ng aba eh. Tanga kasi itong lalaking ito. Bwisit! Dali-daling umalis ang lalaki sa gusali at agad ko itong sinundan agad pero may biglang sumita sa akin na isang security guard dahilan para lumabas ako sa bintana ng ika-dalawampu’t palapag at nag-ala spiderman pababa ng gusali. Para maalarma ang mga pulis ay sinadya kong tumapak sa sensor ng security system ng gusali bago tumakbo palayo ng gusali at dumiretso sa aking motorsiklo. Hindi ko dapat ginawa iyon pero kailangan kasing mahuli ang pumapasok sa opisina ni Xander nang walang paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD