Krytsa Kinabukasan ay sabay kaming nagising ni Xander para mag-almusal at kumain sa resto ng hotel. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi. Ngayon na nagkaaminan na kami sa isa’t isa ay ano na ang relasyon namin? Pagdating ssa resto ay marami nang mga tao pero may mga space pa naman kaya naghanap na kami ni Xander ng mauupuan. Pasulyap-sulyap ako sa kanya dahil napansin ko na parang lalong gumwapo si Xander kahit hindi pa siya naliligo. Grabe na talaga ang tama ko sa lalaking ito. Tumingin na lang ako ng order para makakain na kami. Habang kumakain ay nagulat ako nang makatanggap ako ng libreng pagkain mula raw sa Chef ng mismong hotel. Kaso bago pa mailapag ng waiter ito sa aming lamesa ay pinigilan na ito ni Xander. “Wait what? From the Chef? Please give

