Chapter 1

1732 Words
"Okay ka lang ba?" nagulat ako sa tanong ni Mrs. Nievez. Lumapit 'to sa akin at agad hinawakan ang gilid ng labi ko. Umiwas ako ng tingin dito dahil sa hiya ko. Alam ko ano ginawa nila para sa akin pero hindi na dapat nila ginawa 'yun. "She hurt you physically? Your hair," mabilis kong inayos ang buhok ko sa harapan n'ya kaya naman natawa s'ya, "We will leave later after namin i-enroll ka." "Ma'am, h-hindi n'yo na po kailangan gawin---" "Just take care of my son, Ija." Tumitig ako sa kan'ya. Nakangiti s'ya pero malungkot ang kanyang mga mata. Kitang kita ko ang hirap sa kan'ya dahil sa nangyayari sa kan'yang anak. Wala din akong magawa para doon. "O-Okay lang po kahit hindi na ako mag-aral, sobra sobra na po ang ginawa n'yo, Mrs. Nievez---" "Tita." Huminga ako ng malalim. "Call me Tita. Stop being formal. Alagaan mo ang anak ko at ibibigay ko sa'yo lahat ng kailangan mo," umiling ako dito ag saka tumulo ang luha ko. "H-Hindi na po kailangan. 'Yung makapag-aral lang po sobra sobra na," pinunasan nito ang luha ko. "I trust you." Ngumiti ako dito. Pinunasan ko ang luha ko at saka inaya na ako nito sa taas. Maraming kwarto sa taas, malaki din kasi ang bahay. Sa tabi ng kwarto ni Kurt ako nilagay. Nakaayos na ang mga gamit doon. "Ipapakuha ko ang mga gamit mo doon." "M-Maraming salamat po!" masayang sabi ko. Pumasok ako sa loob at sinabi n'ya na maligo ako. Habang sila naman ay bumaba. Inayos ko ang nga damit ko doon, hindi ko na kailangan ayusin pa sa cabinet ang mga 'to. Pumasok na ako sa loob ng cr at saka nagsimula maligo. Natapos ko ang mga ginagawa sa bukid, siguro bibisita na lang ako pag mayro'ng gagawin. Pinunasan ko ang luha ko. Ginamit ko ang blowdry na nandoon at saka pinatuyo ang buhok ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta sa sala. Tahimik ba nakaupo si Kurt doon habang nakaopen ang Smart Tv pero may kanta. Lumapit ako dito at sandaling napahinto dahil kumakanta s'ya. I've been going way too hard on myself Guess that it's the reason that I'm feeling like hell But I wouldn't change if I could restart I ain't gonna hide these beautiful scars Napangiti ako dahil sa ganda ng kanyang boses. Imbis na dumiretso ako ay nakinig lang ako sa kanyang kanta. Hindi ko maiwasan titigan s'ya sa sobrang gwapo n'ya. Siguro 'yung babae kagabi dito ay nobya n'ya pero bakit n'ya pinaalis. Dahan dahan akong lumapit dito. "S-Sir." "Kanina ka pa d'yan?" halata sa kanyang boses ang inis sa akin. "H-Hindi naman po," pag sisinungaling ko dito. "Pumayag lang ako dahil naaawa kami sa'yo," napayuko ako dahil doon, "Kaya sana ayusin mo trabaho mo dito." "O-Opo, Sir." mabilis na sagot ko dito. Huminga ako ng malalim at hindi ko alam ano na gagawin ko. "Ikuha mo ako ng tubig." Agad akong pumunta sa kusina. Sobrang linis at ang puti ng kusina nila. Parang hindi nadudumihan at ang Ref nila ay isang malaking square. Hinanap ko kung nasaan ang tubig dito. Kumuha ako ng baso at saka nilagyan 'yun. Pumunta ako sa sala at saka inabot dito ang tubig. "Here." napatingin ako sa kahon na na 'yun. "A-Ano po 'to?" "Try to open it before you ask." agad kong ginawa 'yun at nanlaki ang mga mata ko dahil isa 'tong mamahaling cellphone. "H-Hindi ko po matatanggap 'yan. Hindi naman po kailangan n'yan dahil---" "My mom told me that you need it. You need to update her everyday about me. Paano ko s'ya makakausap kung bulag ako?" naiinis na sabi n'ya ulit sa akin. "'Yung cellphone n'yo po. Open ko tapos tatawagin ko si Ma'am--Tita para ma- update s'ya," nakangiting sabi ko kahit alam ko naman na hindi n'ya makikita 'to. "Accept it. Baka ipabalik pa kita sa bahay n'yo," nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng takot dahil doon. Hindi na ako nag salita. Tumulo ang luha ko pero agad kong pinunasan 'to. "A-Ano pa po ipag uutos mo?" kinapa n'ya sa mesa ang baso pero hindi n'ya makapa. Kaya naman ako na mismo nag- angat nito at saka binigay sa kan'ya. "What the hell are you doing?" nagulat ako sa galit n'yang boses. "T-Tutulungan ko lang po--" "Did I say it that I need your help! Bulag ako hindi baldado!" nagulat ako sa sigaw n'ya kaya napaantras ako. "Saka ka kumilos pag sinabi ko na 'to!" napapikit ako sa kan'yang sigaw. "S-Sorry po," nanginginig na sabi ko dito at umantras pa ako hanggang sa namali ako ng galaw ay natumba. Tumama ang braso ko sa transparent glass table nila at agad ako napatingin do'n. Nag karoon ako ng malaking hiwa at pinigilan ko ang sarili ko na sumigaw sa sakit. Pinikit ko ang mga mata ko at saka tinakpan ang bibig ko. Tumutulo ang mga luha ko at hindi ko alam ang gagawin ko. "Hindi kita kailangan pero naawa kami sa'yo!" hindi na ako nag salita. "What's happening here?" napatingin ako sa bagong dating. Samantha Salcedo is wearing a jump short and white tee shirt. Gulat 'to napatingin sa akin. "KURT! ANONG GINAWA MO?" Nanginginig ang katawan ko. Pumunta 'to sa akin para alalayan ako. "Ayos ka lang ba? Malalim sugat mo." I gulped. "Suprise, Kurt!" napatingin ulit ako sa pinto kung nasaan ang ibang pinsan n'ya. Paano sila hindi makikilala dahil sikat sila. Magaganda at gwapo. "Malalim ata sugat n'ya. Hindi tumitigil ang dugo," lapit sa akin ng isang lalaki na pangalan ay Samuel. Samantha's little brother. "Anong ginawa mo, Kurt?" may halong inis ang boses ni Samuel. "What happened to her?" Inalalayan na ako paupo sa sofa. "W-Wag po dito baka malagyan ng dugo ang sofa--" "Shhh. Hindi na importante ang sofa. Kailangan natin magamot sugat mo." Hindi na ako nagsalita. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. "Samuel, you're here!" dumako ang tingin nila Tita sa akin at agad nanlaki ang mga mata. "Oh gosh! What happened?" "W-Wala po. Nadulas lang po ako saka tumama sa glass table." tumitig 'to sa akin. Hindi ko sinabi na natakot ako kay Sir. kaya ako natumba. Hindi naman na kailangan sabihin. Alam ko mahirap pinagdadaanan ni Kurt kaya pinili ko na lang manahimik dito. Tama s'ya, naawa lang sila sa akin kaya nandito ako. Wala akong choice kung hindi mag tiis dito. Dahil mas safe dito kaysa sa bahay. Dahil madalas doon umuuwi ang mga kaibigan ni Ate Gellie. Tahimik lang ginagamot ni Ma'am Stevie ang sugat ko. Napapa- aray ako dahil sa hapdi. "Ang lalim ng sugat mo. Dalin ka na kaya namin sa Hospital? Sigurado akong tatahiin 'to. Magkakaroon ka ng peklat." napatingin ako kay Ms. Samantha na nakatitig sa akin. "Kurt! Ano ba talaga ginawa mo?" nagulat ako ng sigawan nito si Kurt. "H-Hindi n'ya po kasalanan! Natumba po ako---" "Natumba ka kasi natakot kay Kurt. Check n'yo nga ang cctv!" nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Ginawa ni Samuel ang utos sa kan'ya ng kapatid n'ya. Napayuko ako dahil doon. Baka mapagalitan si Sir. Kurt dahil sa akin at baka mas lalo 'tong magalit sa akin. "Ija, ano ba talaga nang yari?" hindi ako sumagot dito. "M-Malalim ba talaga ang sugat?" "Oo. Sigurado akong magkaka peklat s'ya dahil sa sugat," sagot ni Sir. Scott dito. Maya maya ay bumaba na si Samuel dala dala ang laptop. Agad nitong nilapag sa glass table ang laptop. Doon nakita ko ang sarili ko na halatang natatakot kay Sir. Kurt. Kahit ang pag tulong ko pati ang pag sigaw nito sa akin. Kung paano ko punasan ang luha ko sa harapan nito. Kung paano ako natumba at tinignan ang sugat ko. Napapikit ako doon at saka tinakpan ang bibig ko para hindi mapasigaw sa sakit. "Kurt." malamig na tawag ni Ma'am Stevie dito. "What did you do?" napabuntong hininga 'to dahil sa nang yari. "We're sorry about what happened, Keithryn." "A-Ayos lang po talaga saka ako po may kasalanan---" "I-I'm sorry." nagulat ako dahil doon, "you are scared of me?" hindi ako sumagot sa kan'ya. "Of course, she is---" "I am not asking you, Ate Sam!" naiinis na sabi nito sabay irap pa sa pinsan n'ya. "H-Hindi po. K-Kinakabahan lang po ako," totoong sagot ko dito. "Kinakabahan? Bakit?" I glanced Samuel because of that. "Hindi ka takot pero kinakabahan ka?" tumango ako dito at saka ngumisi. "Mukang maaalagaan ng maayos ang pinsan ko dito ha." Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto n'ya iparating sa akin. Dahil kahit si Sir. Scott ay natatawa din. Hindi ko sila maintindihan. "Enough." bawal ni Ma'am Stevie. "Keithryn, we should talk." tumango ako dito. Tumayo 'to at agad akong sumunod dito. Sa Garden kami dumiretso at ako naman ay nasa likod nito habang nakasunod. "Ija..." tinaas ko ang ulo ko. "Kurt has a girlfriend, okay?" Tumango ko dito at hindi ko alam bakit n'ya sa akin sinasabi 'to. Alam n'ya ba na gusto ko si Sir. Kurt? Gusto ko s'ya, pero hindi ko naman pinangarap na maging girlfriend nito. Alam kong walang pag- asa. "Don't fall in love with him," nagulat ako dito. "Dahil once na makakita s'ya? Baka mag pakasal na sila. Nahinto lang dahil sa aksidente." Hindi ko alam bakit ako nasasaktan sa naririnig ko. Hindi ko alam bakit naninikip dibdib ko sa naririnig ko sa kan'ya. "Kailangan lang namin ng Donor." "O-Opo." Ngumiti ako dito para ipakita na wala lang sa akin 'yun. Bumalik na kami sa loob. Sumasakit ang sugat ko pero hindi ko iniinda. Nagulat ako ng ilagay ako sa harapan ni Miss Samantha. "A-And'yan na ba s'ya?" "A-Andito po ako," nahihiyang sabi ko dito. Umayos 'to ng upo at saka tumikhim. "S-Sorry, n-natakot ba kita?" "O-Opo." sagot ko agad dito. "W-Well, just do what I said. Pag hindi ko inuutos wag mo gagawin," sabi pa nito. "Opo." Magalang ang sagot ko dito. Mag luluto sana ako para sa kanila pero nagulat ako ng inunahan ako ni Miss Samantha. "Ako na po!" nahihiyang sabi ko. "No. You are not maid here, okay? Just taking care my cousin," nakangiting sabi nito sa akin. "Okay po, miss." "Ate Samantha na lang." Tumango ako dito at ngumiti. Bumalik na ako sa sofa kung nasaan si Kurt. Pumunta ako sa harapan nito. "May iuutos po kayo?" binigay nito sa akin ang remote ng smart tv. "Search a good music for me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD