Nasa kwarto si Tala at nagbibihis. Nag-iisip siya nang paraan kung paano babaguhin ang kapalaran. Hindi puwedeng ang dati niyang kinakasama ang makasama niya ngayon. Limang taon na ang lumipas at sinumpa na niya na hindi ito makasama. Paano niya maiiwasan ang tadhana? Padabog niyang hinila ang zipper ng miniskirt bago humawak sa mesa. “This can't be,” aniya. “Hindi puwedeng bumalik ka na naman sa buhay ko.” “Wala kang karapatan sa akin,” gigil niyang binilog ang kamao at hinampas ang mesa. Napalingon siya nang may kumatok sa pinto. “You ready?” Hindi siya sumagot. Nang bumukas ang pinto ay naroon si Rafael. “Bakit basta-basta mo na lang binubuksan ang pinto?” “Paano kung hindi pa ako nakakabihis-” “As if I haven't seen your body yet.” Inis na binato niya ito ng nahagip na sanda

