KABANATA 19: DINNER WITH LIBERTY

940 Words

Madilim na nang lumabas si Tala ng opisina. Naabutan niya ang ilang empleyado na patuloy sa pagtatrabaho. “Guys, hindi pa ba kayo uuwi?” “Ma'am, may tinatapos lang po,” napangiti siya nang makitang ganado na ganado ang mga ito kahit madilim na. Nilapitan siya ni Melanie at bumulong. “Ginagalingan raw nila para hindi mapahiya sa RCPP. Siguradong-sigurado na sila na makikipag-collab tayo sa publishing company.” Nilinga siya nito. “Anong plano mo?” “Paano mo masasabi sa kanila na ang may-ari ng kompanya na gusto nilang makipag-collaborate ay kinasusuklaman mo?” Malalim siyang napahinga habang pinagmamasdan ang mga ito. “Uwi na muna ko,” tanging nasabi niya at hinawakan sa balikat ang kaibigan. Bago lumabas ay muli niyang nilinga ang mga kasama. “Umuwi na kayo pagkatapos niyo riyan!” “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD