CHAPTER 1

2272 Words
Faith Remember 'yung first kiss mo?  Ako, I can still remember it like it was yesterday. 'Yung feeling na para kang kinukuryente sa lakas ng spark tapos para kang lango sa tamis dahil ramdam mo 'yung pag-baliktad ng mundo mo. Sabi sa mga librong nabasa ko parang melted chocolate caramel daw, but my first kiss tasted like cool strawberry milkshake. Literal. Grade six ako when it happened. Nanonood kami ng Peter Pan ng best friend ko habang umiinom ng all-time favorite strawberry milkshake namin, paired with home-cooked fries na gawa ni mama. We've been best friends for as long as I can remember. We attended the same school at magkapit-bahay din kami ever since. Naging close na rin ang parents namin dahil sa friendship namin. So going back, as soon as nag-kiss si Peter Pan at Wendy sa movie, my best friend took my hand, pulled me close, and kissed me. Naalala ko pa 'yung lakas ng kabog ng puso ko. Na-shock ako sa nangyari at na-shock din ako sa naramdaman ko. Parang tumigil ang mundo at nalimutan na namin 'yung palabas na nag-play sa TV. All that mattered at that moment was the sweet soft mouth against mine, and I knew from then on that I'd never replace strawberry milkshake flavor for anything else. Nagustuhan ko 'yung kiss.  Nabali ng footsteps sa hagdan namin 'yung spell na bumighani sa amin. Just like that, our moment was lost, at kahit pa ilang pilit kong subukin na ibalik, I couldn't. Hindi na namin napag-usapan pa iyon hanggang sa lumipat na sila sa Manila, and our friendship slowly drifted apart. I wouldn't forget that first kiss. I guess it had something to do with the fact that it was with my best friend and my best friend isn't just like most guys. She's a girl. And so am I. "Faith!" Pag-agaw atensyon ni Bryan, ang gay na co-worker at kaibigan ko. Nagulat ako sa biglang pag-sulpot nito na may pa clap pa ng kamay sa harap ng mukha ko. Hinampas ko nga siya sa balikat sabay simangot. "Ano nanamang problema mo ha?" The sound of the waves crashing on the beach calmed my nerves. Well, hindi naman dahil sa pag-gulat ni Bryan talaga kaya ako bothered. It's that childhood memory na bilga nalang nag-come back na walang pasintabi. Pilit kong binabaon sa limot 'yung particular moment ng buhay ko na 'yon pero for some reason it keeps popping up. Nag-taas ng kilay at umirap si Bryan, "Eh ikaw? Anong problema mo, girl? Aba, kanina ka pa namin tinatawag, mamamaos na kami't lahat, ikaw tulaley lang diyan. Baka naman kahit may lumabas na sea monster diyan di mo parin kami mapansin?" Natatawang nailing nalang ako sa kaniya. I brushed the sand from my legs as I stood up, "Ang OA mo, alam mo 'yon?" "Teka, teka, teka!" Humarang si Bryan sa dadaanan ko and I gave him an exasperated look. "Where do you think you're going with that?" Singhal niya na tinutukoy ang beach cover up na suot ko sa ibabaw ng maroon bikini. "Huy, anong balak mo ah?" Sabi ko habang umaatras palayo sa kaniya dahil sa masamang tingin nito sa suot ko.  "Bry! Faith! Ano na?" Si Pam. Her skin glistened under the sun. Napalunok nalang ako at napaiwas ng tingin when I saw her breasts bounced as she ran towards us.  "Tignan mo 'tong kaibigan mo. Tignan mo kung anong suot." Pam gave me a disapproving look at mukhang natuwa naman si Bryan dahil nagkasundo sila.  "Ang OA niyong dalawa alam niyo 'yun. Uso naman na may suot nito sa beach habang nag swimming. Isa pa, katakut-takot na sermon ang aabutin ko kapag nag-post tayo ng photos na bikini lang suot ko." "Pumunta tayo dito para maka-escape ka from home, 'di ba? Stop acting as if you're on a leash!" Pag-sermon ni Bryan. Tama naman siya, but still. I opened my mouth to argue, pero bago pa ako makapag salita nakita kong nag-tinginan ang dalawa na tila ba may silent conversation na naganap at masamang planong nabuo.   "Magkano nga ulit 'tong beach cover up na 'to? At saan mo nabili?" Pam asked, at muli akong humakbang paatras. "S-sa Taytay tiangge, fifty pe—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis na humakbang papunta sa likod ko si Bryan to hold me in place, while Pam grabbed the hem of the cover up and ripped the poor fabric apart. I cried in fury, "Bakit niyo sinira? Wala kayong magawang matino!" Walang effect ang pagpapakita ko ng inis. Nag-tawanana pa at nag-high five ang dalawa. "Humanda kayo sakin!" The pair started running away and I ran after them—para kaming mga bata. Natawa nalang din ako at na-imagine ang disapproving look ng mama ko kung nakikita niya ako ngayon. Tumakbo sila patungo sa isang motorboat na nasa pampang at nag-tago sa likod no'n. Maabutan ko na sana sila pero may tumalon mula sa boat. Dahil mabagal ang reflexes ko, di ako nakahinto at nakaiwas on time. Nagka-banggaan kami. I fell on my butt and splashed salt-water all over myself. "Sorry miss, hindi kita napansin." Nag-angat ako ng tingin from the outstretched hand before me at nakita ko ang may-ari nito. It was a woman with blonde pixie hair. She wore a bikini-cut wetsuit with its zipper down just right above her midriff. Ang hot. Para bang nag-slow mo ang lahat as she knelt on one knee, and there was a ghost of a smile on her sultry lips. Naramdaman ko ang pamimilog ng mga mata ko nang abutin niya ang mukha ko. Natigilan ako at di makagalaw when her hand touched my chin and pushed it close. "Naka-nganga ka miss." Ngumisi ito saka tumayo at kinuha ang surfboard na malamang nalaglag niya when I ran into her. "And by the way," She said with her back to me and head tilted on the side, "My name's Hope." Hope. Di ko napansin na I was holding my breath until makalakad siya palayo. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Faith! Mag-tigil ka. Hindi pwede, okay?! "Well, well." Bryan said his arms crossed over his chest and Pam had her eyes set to where Hope left. "Ano nanaman?" Pinilit kong mag-salita para di mahalata ang parka-flustered ko. "Ang hot ni ate!" Kilig na sabi ni Pam habang gamit ang kamay na pinapaypayan ang sarili, kahit si Bryan mukhang na-appreciate din ang appeal ni Hope. "Magpa-kilala kaya ako?" "Para namang sure ka na gusto niya din ng babae?" They gave me a sympathetic look. "What? Like, how can you even tell?" "Hay girl, ang naive mo talaga." Sabi ni Pam habang tinutulungan ako sa pag-tayo. We went back to enjoying the beach and the sun before going back to the resort to work. All the while, napapaisip ako how my friends didn't notice 'yung tingin ko kay Hope kanina. Sino uling naive? Kung hindi dahil sa kawalan ko ng self-control earlier, Hope wouldn't have noticed the sudden attraction. It's something na hindi pwedeng mangyari pagka-uwi namin sa Makati kung saan naroon ang conservative family at church friends namin. Pero sana walang naka-kitang family friend o friends ng parents ko sa nangyari kanina. Hindi naman siguro ganun kahaba 'yung moment for someone to have an opportunity na kuhanan kami ng photo at i-send sa family ko.  It would be a huge scandal, lalo't may mataas na leadership position sa church namin ang parents ko. I can foresee the upcoming series of counseling at pray overs para ibalik ako sa 'normal.' "What did you say?" Galit na singhal ni mama. "You did what?" Hindi ko naman dapat sasabihin sa kaniya ang nangyari sa amin ng best friend ko na si Nika, pero kailangan ko ng kausap dahil nga lumipat na sila sa Manila.  "N-nag-kiss kami ni—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang maramdaman ko ang malakas na sampal ni mama. "How dare you act the way you did? Hindi mo na naisip ang kahihiyan na dadalhin sa amin nito ng papa mo kapag may nakaalam. Sino pa ang pinag-sabihan mo nito?" The crazed look on the woman in front of me scared the hell out of me. Walang imik na napa-iling nalang ako. Galit na kinuha niya ang phone mula sa bag. Tumawag siya kay papa.  The betrayal I felt was nothing like how I felt when Nika left without saying anything. Sabi nila, as a family, we can be open sa isa't isa at kahit anong mangyari there'd be acceptance. Guess that wasn't the case kapag nakipag-halikan ka sa best friend mong kapwa-babae. Kinusot ko ang mga luhang nag-babadyang tumulo mula sa mga mata ko. Kinabukasan, agad akong dinala ng parents ko sa counseling sa church. Tatlong beses sa isang linggo akong naka schedule; isa for counseling, pangalawa to study at i-review ang purpose ng pagiging isang babae according sa salita ng Diyos, and third para sa pray overs and—ewan ko exorcism? Sabi sa amin 'the evil spirit of homosexuality has taken over me' kaya ako nagkaroon ng attraction with the same s*x. It went on hanggang sa maka-graduate ako ng high school. Natigil lang ang lahat finally nang makita at na-make sure nilang I was making friends with the "right" people and pambabae parin ang mga damit na suot ko. Grabe, kailangan sobrang careful ako sa mga makakasama ko during that time. 'Yung simpleng may makasabay akong boyish na babae sa pag-lalakad could get me back to the "exorcism" stage. Hindi din naman madali to grow out of that—lalo't you're wired to make sure na nasa tama ang pag-aasal, pag-iisip, at pananalita. Pati nga nararamdaman ko kailangan in accordance sa norm na sila rin naman ang nag-dikta.  I hit the send button on my email and submitted the stats report para sa beauty campaign na ni-release namin last week.  "Hey guys, I'm done for the day. I'm heading out for a drink." Nag-uh huh lang sila to let me know na narinig nila ako. Nag-eedit ng vlog si Bryan habang si Pam ay abala sa pag-susulat ng script for the new ad na i-rerelease next week. So yeah, cramming siya. "'Wag kang mag-papasaway diyan kung ayaw mong litanyahan ka ng parents mo ah." Sabi ni Bryan bago ko pa maisara ang pinto. "Shut up!" Natatawa namang sagot ko. Ang daming tao sa bar ng resort kaya nauwi akong bumili ng beer sa malapit na convenience store. I may have gotten away from home for three months, but it'll be back to the cage when this ends. Naiisip ko palang na-susuffocate na ako. Umiling ako at huminga nang malalim. Take it one moment at a time, Faith. Nag-decide akong maupo sa buhanginan sa tabing dagat para magpalamig at pakinggan ang tunog ng alon. Sa di kalayuang cottage ay pinatutugtog ang isa sa mga kanta ng Ben & Ben na Leaves. I opened a can of the apple flavored beer and drank. What a perfect way to end the day; with my favorite drink by the beach, and good music playing. Ang liberating sa pakiramdam na di ko kailangan mag-worry kinabukasan kung amoy beer ang hininga ko. Na-excite ako sa mga pwede kong gawin at i-explore dahil sa maiksing freedom na mayroon ako. A giggle bubbled up from within me.  Another song started playing. Check Yes Juliet by We The Kings. Ah, lagi kong pinapakinggan nang patago 'to noong high school dahil hindi inaallow ng church namin to listen sa mga ganitong klase ng music. According sa kanila, music could be a contributing factor for me to follow the desires of my flesh. "To hell with all of those rules!" I exclaimed and took a long drink from the can. Tumayo ako at sinabayan ang chorus ng kanta habang sumasayaw. "Run baby run! Don't ever look back, they'll tear us apart if you give them the chance. Don't sell your heart, don't say we're not meant to be. Run baby run, forever we'll be, you and me." Kumanta ako na akala mo nasa stage. I laughed and giggled. Hindi naman ako lasing but maybe a bit tipsy. Or maybe I was drunk—drunk with the freedom I had at the moment. It was exhilarating.  "Bravo!" Nagulat ako nang may biglang nag-salita at pumalakpak. I caught my breath when I turned around and saw Hope.  "G-ginulat mo naman ako." Halos manliit ako sa hiya. Nakita niya lahat ng pinag-gagawa ko!  "I'm sorry, I was nearby, and I heard you singing. I couldn't help myself but follow the beautiful voice." Ang smooth ah. Hope walked closer and for a moment naisip ko nanaman ang mga kinakatakot ko, kaya I thought of walking back. But I stood still. I won't let what's not here ruin my moment.  "Uhm... Thank you?" My awkward and dead-end response made me want to slap myself. Pero mukha namang hindi bothered si Hope.  "Hindi ko nakuha ang name mo kanina." Sambit niya sabay umupo sa kaninang inuupuan ko bago ako mag-solo concert.  "I'm Faith." "Hi Faith, it's nice meeting you. Okay lang ba?" I shrugged, so she took a can of beer from the paper bag. I watched as she opened it and took a swig. "Mmmm, so this is what you're having that made you go concert queen huh?"  "Well, yeah pero hindi ako lasing." She chuckled. "Yep, said every drunk person I know." I opened my mouth to explain but closed it again. Kung ako naka-kita sa sarili ko iisipin ko rin na lasing ako eh. I walked over at umupo sa tabi niya with the paper bag of beer between us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD