Synopsis

229 Words
Synopsis Ako si Clara Delfin nag-iisang anak ni Luciana at Henry Delfin , 25 years old. Wala na ang papa ko at ang mama ko na lang ang minsang kasama ko sa buhay. Nakatira kami sa Isla Delmonte na pagmamay-ari nila ng tito ko na si Tito Luciano. Pero dahil patay na ang tito ko at ang anak naman nito na si Sheina Del Monte ay may asawa na. Si mama na lang ang naiwan sa isla kasama ang pinsan kong si Tonton. Kung ang dating buhay ko ay masaya, simple at umiikot lang sa mama ko, ngayon ay para akong tinakluban ng langit at lupa. Mula nang makilala ko ang lalaking lubos kong minahal, pinagkatiwalaan at ibinigay ang pagkatao ko nang buong-buo ay nasira na ang buhay ko. Akala ko ito ang lalaking matagal ko ng hinahanap. Akala ko siya ang lalaking magbibigay sa akin ng masayang pamilya subalit nagkamali ako. Dahil ito pa pala ang dudurog sa akin at aapak sa pagkatao ko. Ito pala ang sisira sa lahat ng pangarap ko. Hindi ko alam kung makakabangon pa ako sa pighating dinulot nito sa akin. Ngayon alam ko na may sanggol na nasa sinapupunan ko. Dapat ko pa ba na ituloy ang pagbubuntis ko? O kitilin ko na ang buhay nito habang nasa sinapupunan ko pa lang ito? Abangan ninyo ang kuwento ng buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD