Chapter 47 LANCE Ilang saglit pa ay tumawag si Gabriel sa telegram sa cellphone ko at nag-video call ito, kaya sinagot ko. "What the f*ck!" gulat ni Gabriel nang makita ang mukha ko na puro pintura. "Ano ang nangyari sa 'yo?" "Nandito ako sa beach house niyo. Nakikipaglaro sa mga kambal na apo ni Tita Luciana," sabi ko. Pinakita ko ang mga kambal na puro pintura na rin ang mga mukha nila. Ilang sandali pa ay nakita ko si Allysa na bitbit ang isang kambal nila ni Gabriel na babae. Ang lalaki na kakambal naman nito ay hawak ni Gabriel. Mabuti na lang at nanganak na ang babaeng iyon dahil mula nang dumating ako galing sa America ay kasama pa ako na pinaglihian niya. Pakainin ba naman ako ng balot. Muntik pa ako mahighblood, pero ang kawawa ay ang bestfriend ni Gabriel na si Dexter,

