Chapter 35 CLARA Tatlong buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin ako nagpapatingin sa obegyne na nI-refer sa akin ng doKtor, malis na rin si Francis papuntang kuwait. Kami na lang ni Margaret ang naiwan. Lagi ako umiiyak naiinis ako sa kalagayan ko. Hindi ko matanggap na ganito ang buhay ko, bakit nangyayari sa akin ito?Mula ng malaman ko na buntis ako ay gabi-gabi akong nanaginip ng masama. At binabangongot ako sa nangyari noon. Napapanaginipan ko ang panahon na muntik na akong nasagasaan. Hindi mawala sa isip ko ang kawawang babae na nasagasaan ng sasakyan. Hindi naalis iyon sa isip ko mula noong nakita ko ang cctv sa bahay ni Lance. Lagi kong kinikimkim iyon sa dib-dib ko. Sa halip na ako ang masagasaan noon. Ang kawawang babae ang nasagasaan. Kaya hindi ko na alam ang gagawin

