Chapter 23 LANCE Pagkatapos namin ni Tita mamitas ng gulay ay nagpaalam na ako sa kaniya na umuwi na muna sa San Agustin. Babalik na lang ako mamaya o kinabukasan. Balak kong dito magpalipas ng isang buwan bago bumalik sa Holand. At para naman may makasama si Tita Luciana at may taga buhat ng gulay. Atleast kahit paano ay nalibang ako. Nagbiyahe ako papuntang San Agustin, tanghali na ako nakarating sa mansyon. Agad akong pumasok sa silid ko at nag-shower. Pagkatapos ay lumabas ako ng silid ko. Naabutan ko naman si Mang Danilo na abala sa pag-iihaw ng bangos para sa tanghalian namin. ''Kamusta po kayo rito Mang Danilo?'' tanong ko. ''Ayos lang po, Sir Lance. Kayo po kamusta na?'' tanong niya. ''Ayos lang, ho. Siya nga pala baka hindi muna ako rito mananatili sa mansyon,'' sabi ko

