Lolo: Apo,Alvin! apo ?saan ka apo,!
Apo: ano po Yun lo?!
Lolo: ano ba Yun naaamoy ko ,Amoy nasusunog!!? Ikaw ba ang nagluto,
Apo: Hindi po, Lo,
(tumingin sa kusina at Nakita Ang sinaing na nasusunog .pinatay agad Ang kalan) Hala lo!.nakalimutan mo na nman Ang sinaing mo,Ayan sunog na!
lolo: ha?Ako ba ang nagsaing?
apo: ay naku,lolo nman e, nakalimutan nio po!
lolo:( kamot sa ulo )ah,pasensya na apo ,nagiging makakalimutin na tlga Ang lolo mo,, saan ba punta mo ? Nakapang basketball uniform ka.
apo: May laro kami basketbal,kasali Ako sa palarong pambansa lo,kelangan ko magsanay sa eskwelahan.
Lolo: ah ganun ba,mabuti Yan at galingan mo, sana manalo kayo ! (dumating Ang mga Kasama ni Alvin at tinatawag na sya ng mga ito)
kaibigan ni Alvin,: Hoy Alvin,Tara na!.. mahuhuli na tayo..baka mapagalitan na naman tayo nito ni coach Noel.
Alvin: Oo,lalabas na, sandali lang!
apo:kelangan ko na umalis lo, Ang gamot nio Pala inumin nio na po at baka makalimutan nyo pa. (bnigyan nya ng gamot at tubig inumin Ang kanyang lolo at nagmano bago ito umalis ng Bahay.
lolo: salamat apo, pagpalain ka ng Dios ,mag iingat ka.umuwi ka ng maaga, at ipagluluto kita ng masarap na ulam.
apo: naku lolo Naman ,Ako na magluluto at baka makasunog kana Naman .
Apo: o Sige aantayin kta.apo..
(nang makaalis na Ang apo nyang Si Alvin naisip ni lolo Ambo na magtungo sa banyo upang maligo at pagkatapos ay lalabas din sya upang tumaya ng lotto. Pagkalabas nya ng banyo ay nakalimutan niyang isara Ang gripo ng tubig .napuno na ang timba ng tubig,Hanggang sa ito'y umapaw ngunit Hindi parin ito napansin ni lolo . nagmamadali sya umalis dahil hinahabol niya Ang Oras.)
lolo: naku Anong Oras na? lagpas alas dose na Pala, ipapalabas na Ang jackpot draw sa alas dos, malapit ng mag cut-off.!
( Hindi napansin ni lolo na magkaibang pares Ang nasuot niang tsinelas)
Sumakay sya ng tricycle at nagpahatid sa bayan .Nang bumaba na sya )
Lolo,: Dito lamang Ako bababa sa may lotto outlet, tataya Ako ng lotto.
tricycle driver: Tay, bayad nio po?
lolo: ay, nga Pala ,(sabay kapkap nia sa bulsa ng knyang maong na short,) Teka lang , aba nasaan ang pitaka ko..?
tricycle driver: wala po kayong dalang Pera paano hu Yan?
lolo: paki antay mo na lang Ako at sandali lamang ako ha, (nagtungo sya sa lottohan at nagsabi sya ay tataya,Nang binigyan sya nang ticket Hindi nia alam kung ano Ang mga Numero itataya nia.
napakamot muli sya ng ulo.
lolo:Ang paborito Kong mga Numero nakalimutan ko sa Bahay, isinulat ko pa Naman Yun sa papel at nilagay ko sa aking pitaka.ay ano ba Naman iyan, naku ale,babalik Muna Ako sa Bahay at may nakalimutan Ako,Ang aking pitaka.
Ale: o Sige po,lo, pero malapit na kami mag cut off baka Hindi na po kayo umabot.
lolo: ay..bibilisan ko,babalik Ako agad ha.
(napailing na lang Ang ale habang tinitignan Ang lolo sumakay muli ng tricycle)
lolo: Tara ,manong driver balik Tayo sa Bahay, Dalian mo at babalik Ako sa tndahan ng lotto kelangan ko humabol sa cut off.
(agad Naman pnaandar ni mamang driver Ang kanyang tricycle at malakas na arangkada at takbo ang ginawa. Sa bilis ng pagpapatakbo nito ay Hindi nito napansin ang tumawid na Bata sa knyang Harapan at eto ay nadaplisan kahit umiwas eto ay huli na Nang sa may poste Naman ng kuryente Sila dumiretso.at napataob sa sobrang lakas .Dahil Ditomaraming nagulat , nagkagulo ,at nagtipon tipon Ang mga tao upang tulungan maiangat Ang tricycle, Si lolo Ambo ay humihinga pa at may sugat sa knyang ulo, Ang driver Naman ay Hindi Naman namatay ngunit nabalian ng braso at may sugat din sa binti.Inakay dn sya ng mga taong nagmamalasakit.dali Dali Naman Silang niresponde ng ambulansya at dinala sa ospital. Nagbabasketball Naman Si Alvin sa Isang Court na tapat ng kanilang skwelahan nang may sumigaw sa kanya na kanilang kapitbhay .
kapitbhay:" Alvin! Ang lolo mo,naaksidente ,dinala na sa ospital ! Dalian mo!
Alvin: Ha?! sigurado ka!
kapitbahay: oo.kaya puntahan mo sa pinakamalapit na ospital ,marahil doon sya sinugod,may ambulansya na kumuha sa kanya .
(kinabahan Si Alvin , pero naisip nia na tignan Muna sa kanilang Bahay Kun and on pa ba Ang lolo nia at kung wala marahil ay nasa ospital nga ito.
Halos matapilok sya sa kakatakbo, pagdating sa may pinto napansin niang magkaibang pares ng tsinelas Ang maroon,tumawag nia Ang pangalan ng kanyang lolo at hinanap nya ito ,ngunit Walang tinig na sumagot.pumasok sya at narinig nia Ang tunog ng umapaw na tubig sa kanilang banyo. tinawag nia muli Ang knyang lolo.
Alvin: "lo, lo, Anjan ba kayo sa c.r? (pero Walang sumagot,bukas Ang c.r at sinilip nia Ang loob nito at wala nga doon Ang kanyang lolo. Kinutuban na nga sya at naisip niang baka totoo Ang sinabi ng kanyang kapitbahay na isinugod ito ospital, tinungo Naman nia Ang kwarto at Nakita nia Ang pitaka ng lolo na nakapatong lamang sa higaan, kinuha nia ito at dalidaling lumabas ng kanilang Bahay, tumulo Ang kanyang kuha at napailing na lamang )
Alvin: ano kaya ang nangyari sa aking lolo. kamusta kaya Ang kalagayan nia( tanging laman ng isip nia ) tumakbo sya patungo sa pilahan ng tricycle at doon nagtitipon Ang mga driver at nakatitig sa knyang pagdating
Mamang driver,: Ang lolo mo sumakay ng tricycle knina ,papunta sya ng bayan,pagbalik nila naaksidente ,tumama Sila sa poste.ang bilis Kase ng patakbo Nung driver na sinakyan nia.Andoon na sa ospital dinala ng ambulansya.humihinga pa daw..Sabi nila.
(bumilis pa Lalo Ang t***k ng puso ni Alvin ng Malaman Ang tunay na nangyari sa kanyang lolo.)
Alvin: pakihatid po Ako ,Kuya sa ospital (habang naiiyak na Ang binata sa takot at isip na baka masamang masama Ang kalagayan ng knyang lolo)
Narating ni Alvin ang pinakamalapit na ospital at nagtanong sya Isang receptionist na nakatayo sa front desk sa loob nito.
Alvin: Miss,miss, may dinala ba Dito na matandang lalake,lolo ko po,sakay po ng ambulansya, nadisgrasya po sa tricycle ,mga Isang Isang Oras na daw po Ang nakalipas.Ambrocio D. Makalimot po Ang buong pangalan nia.
Receptionist: Meron po, pakipuntahan na lng po sa unang kwarto na makita nio diretso lang po kayo. Jan sa hallway na iyan.
Alvin: "maraming salamat miss" (pumasok sya sa loob ng kwarto ng Makita niang maraming pasyente Ang nakahiga at Ang Iba naman ay may umiiyak. sa Isang tabi may pasyente na Walang bantay, natakpan Ang Mukha ng puting tela at nakabalot sa kumot.nilapitan nia eto at iniyakan.
Alvin: Lolo Ambo!! patawad! kung Ngayon lang Ako nakarating edi sana naabutan ko pa kayo na Buhay, narinig ko pa sana mga huling habilin nio.Lo! bat Naman ganito , bakit nio agad Ako iniwan, kasalanan ko to, palage ko kayo iniiwan mag Isa, patawarin mo Ako lo, sana di na lang Ako umalis ng Bahay..huhuhu, (humahagulgol sa iyak c Alvin habang niyayakap Ang Isang Walang Buhay na pasyente na NASA higaan)
Alvin: Lo! paano na Ako mag Isa na lang Ako nito.. wala Ako Kasama ,wala na akong ina at ama,pati ba Naman kayo mawawala pa sa piling ko,,lo..mabuhay ka, maawa ka,please lo, mabuhay ka para Sakin,Hindi ko kaya to lo, Hindi Ako mapaniwala na nangyari sayo to lo! wag mo Muna Ako iwan lo!! (sabay ,sigaw nia ng aray!
Alvin: Aray! Ang sakit ano ba Yun? ( may matigas na bagay na tumama sa knyang ulo at tnignan nia Kun ano Yun may naghulog sa higaan,Mula sa knyang likuran, nilingon nia ito.Nakita nia Ang kanyang lolo ,at Isang plastic na baso pala Ang binato nto sa knya!)
lolo: " Hoy Bata ka! Hindi pa Ako Patay,
Alvin: Lo,. Ikaw nga! Buhay ka?! si-sino Pala etong nasa kama?
Lolo: Yun,mamang tricycle driver Yan na sinakyan ko kanina sabay kami dinala dto kanina,pero wala na syang Buhay pagdating sa ospital,naubusan sya ng maraming dugo.
Alvin: Ganun ba lo,mabuti Hindi kayo napuruhan lo,kamusta ho kayo.anong masakit sa inyo lo, ?
Lolo: okey lang Ako apo, dumugo lang Naman Ang ulo ko sa lakas ng Tama ko , pero salamat sa Dios eto pa at buhay,medyo di na siguro Ako makakatayo dahil masakit pa Ang katawan ko.pansamantala magwewheelchair Muna Ako ansabi ng doctor.
Alvin: Saan kaba lo,bat Hindi kita Nakita!?
Lolo: Nagpunta lamang Ako ng Banyo dahil Ako ay ihing ihi na. may tutulong Sakin na Isang napakasexy na nurse at tnanong Ako saan ba Ang pwesto ko ,e Sabi ko Hnd ko matandaan at malayo narating namin dalawa.itinulak nia Ang wheelchair ko dinala na Lang nia Ako sa garden para makalanghap ng sariwang hangin,Kaso tinawag sya ng Kasama nia dahil may emergency,may bagong pasyenteng dumating. hanggang nakabalik na lang Ako dto mag Isa dahil inaantok Ako,gusto ko sana humiga Kaso may pumalit na Pala sa pwesto ko.
(biglang may dumating na mga tao at kinuha na Ang katawan ng yumaong tricycle driver)
"makikiraan po, kukunin na po namin sya,dadalhin na sya sa morgue"
lolo: sumalangit nawa Ang knyang kaluluwa, kawawa Naman pamilya nia.mauulila sa knya"
Alvin: Lo ano gusto nio pagkain ,Kumain na Tau..gutom na Ako ,
lolo: Oo nagugutom na nga Rin Ako, itulak mo nga Ako,
(itinulak ni Alvin Ang knyang lolo sa knyang likuran at nalaglag eto sa knyang wheelchair)
lolo: Aray,.bat mo Ako tinulak (
Alvin: ay,sorry po!,Sabi mo itulak kita e (binuhat nia Ang lolo nia para makaupo ito ng mabuti) (sabay hampas ng kamay ng lolo nia sa braso nya,
lolo: Pilyo khh.ang bata ka, Ang ibig Kong sabihin itulak mo Ang wheelchair ko..!
Alvin: pasensya ulit lo,magkamali lang ng pagkaintndi,
(at may lumapit sa kanila na tauhan ng ospital at nagsabi:" Kayo po ba c Ambrocio D.Makalimot? )
lolo: Ako nga po , bakit po,?
tauhan: kamusta po pakiramdam nio?
lolo: Mukha ba akong Okey? sa itsura Kong ito ?
tauhan: kayo Naman po di mabiro,kelangan nio na po Kase bayaran Ang bill nio..bago po kau lumabas ng ospital ,punta po kayo sa counter at doon po kau magbabayad.salamat po (inabot Ang bill sa apo niang Si Alvin at Walang paalam na bigla na lamang umalis na parang nagmamadali)
Alvin: Wow lolo, grabe Naman Ang bill mo lo, 20,000 pesos. saan Naman natin to kukunin e pinagkakasya na nga lang natin Yun pension na 10,000 kada buwan. e benda lang Naman tinapal sa ulo nio. grabe Naman ospital to.wala Naman kayong sarilimg kwarto.
(binuksan nia Ang pitaka ng kanyang lolo at binilang Ang laman)
Alvin: naku lo, limang libo na lng Pala tong Pera nio..paano Tau nito makakalabas ng ospital kulang ho Ang Pera nio.
lolo: "baka pwede tayo humingi ng discount,senior citizen na Ako,.baka pwede natin mapakiusapan .
Alvin: Tara na nga lo, punta na lng Tayo sa counter.
(lumapit Sila sa counter at binigay sa babae Ang bill. tnignan Naman nia Ang bill. "20,000 pesos po sir Ang total ng bill ninyo."
Alvin: Ah miss wala pa Kase kami pambayad ,pwede magpromisory note lng Muna kami .wla pa po Kase Akong trabaho,nag aaral pa po Ako. wala na akong mga magulang .kami na lng dalawa ng lolo ko .
counter: Ay sorry po sir, Ang patakaran po Kase dto sa ospital e mabayaran nio Muna ang bill nio bago kau mkalabas,manghiram Muna kayo sa kamag anak nyo or kakilala po.
(napakamot ulo na lng ng c Alvin. at umalis Hila Ang wheelchair kung saan nakaupo Ang lolo nia)
lolo: " oh ..Anong Sabi?
Alvin : " ayaw lo , ee.Kelangan ko makaisip ng paraan,( tnignan nia Muli Ang pitaka ng lolo ,may nakaipit na papel at kanyang hinila,
Alvin: ano ito lo,,!? Numero ba ito ng lotto,? galing ka sa lottohan dba
lolo: "paboritong Numero ko Yan,.matagal ko na Yan inaalagaan,
( tnignan ni Alvin Ang Oras ,lagpas alas tres na ng hapon,biglang itinakbo nia Ang lolo nia sa may lobby ng ospital kung saan may Malaking Tv doon para sa LAhat,, Nakita nla na muling ibinalita Ang anim na Numero na lumabas sa pang alas dos na lotto draw.. (11,27,4,5,20,31)
(...itutuloy,)