Inabutan ni Xandrie si Karen na aburido sa opisina kinabukasan, dahil sa lukring na babaeng ahas na iyon. Tumawag ba naman ito kanina para ipa-cancel ang tour package na in-avail nito, at ang gusto nito ay i-full refund iyon. Kaya ngayon ay nakabusangot siya, at halos maiyak na sa kaniyang kinauupuan. Ngani-nganing sigawan pa niya ito sa kabilang linya, dahil sa hindi ito makaintindi sa sinasabi niya. “Sis, napaano ka?” nag-aalalang tanong ni Xandrie sa kaniya. “Sis may isang client na nag-avail ng tour package for Bali, Indonesia. Kaso biglang tumawag at ipinapa-cancel niya iyong tour, eh for eight persons ‘yong binook niya,” nakasimangot na sabi niya rito. “Hmmm, tapos?” mataman itong nakikinig sa kaniya habang nakaupo sa dulo ng lamesa nito. “Bayad na iyong tour package, at gusto

