Kanina pa naghihintay si Ian sa labas ng bahay nila Xandrie, dahil inaabangan niya ang pagdating ni Karen. Nang magpunta kasi siya roon ay nabanggit ng dalawang kaibigan, na may date raw ang dalaga. Noong tanungin niya kung saan ang mga ito nagpunta, hindi naman daw alam ng mga ito. Pati kung sino ang ka-date ni Karen ay hindi rin nila kilala. FLASHBACK... “Bakit pinayagan niyo?” naiinis na tanong pa niya sa dalawang tatawa-tawa lang sa kaniyang harapan. Tila naaaliw pa ang mga itong pagmasdan siyang naiinis. “Hoy, hoy, hoy, Ian! Malaki na si Karen. Saka bakit naman namin siya pipigilan? Eh single naman siya, so puwede siyang makipag-date ‘no!” sagot ni Maggy sa kaniya. “Kahit na! Dapat hindi niyo siya pinayagan. O kaya inalam man lang ninyo kung sino ang ka-date niya. O kung saan sila

