Sabado, ang araw kung kailan inimbita ni Brix si Xandrie para dalahin sa family gathering ng mga Chi. Siyempre ang ate ninyo ay excited kaya maaga pa lang ay naghanda na ito nang isusuot para sa okasyong iyon. Nagbilin pa ito sa kaniya ng ilang mga bagay. Well, wala naman silang trabaho sa araw na iyon, at balak lang sana niyang maglaba at isasabay na rin niya ang paglilinis ng bahay. Hapon nang sunduin ang dalawa niyang kaibigan nila Jaspher at Brix. Natutuwa siyang pagmasdan si Xandrie, para kasi itong barbie, ang gandang damitan at ayusan. Kagaya ngayong araw, pinilit niyang kulutin ang buhok nitong sobrang tuwid. Natuwa naman ito sa kinalabasan ng itsura nito. “Enjoy sis! Ako na ang bahala sa kaharian natin!” nakangisi pa niyang saad dito. Ngumiti lang si Xandrie at nagpaalam na

