Kabanata 2

859 Words
"Edi nakabenta rin." Nakangisi kong sambit kay Amir at inilagay sa may drawer ng mesa ang isang libong papel. "Tangina mo talaga Thaddeus, magkano iyong bitbit ni bakla?" Tanong ni Amir, malawak akong napangisi sa tanong nito. "455 lang." Natatawa kong sagot. Lumapit si Amir sa akin at binatukan ako sa ulo. "Laki nang nasikwat mo kay Bakla." Komento ni Amir. "Siyempre may bayad ang pagtitig at paghaplos niya sa katawan ko. Sobrang manyak talaga ni bakla. Dapat siguro ikaw 'yong naghubad baka sakaling sampung libo ang ibalato niya sa atin." Natatawang biro ko. "Gago! Basta huwag kang magpapadala sa pera ni bakla kung ayaw mong magkasakit." Pangaral sa akin ni Amir na hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niya itong sinabi sa akin. "Siyempre gagamit ako ng condom pag nagkataon. Haha." Biro ko at muling isinuot ang hinubad kong damit. "Gago ka talaga, bahala ka na sa buhay mo. Mabuti pa mag-abang ka nang customer sa labas para mas maaga tayong magsara ngayon, may raket pa ako mamayang gabi." Tugon ni Amir at biglang nagpantig ang aking tenga sa sinabi nito. "Anong raket 'yan? Sama mo naman ako." Tanong ko, minsan na akong nakasama sa isang raket ni Amir noon at malaki ang bayad na ibinigay sa akin kaya naman natutuwa ako kapag sinasabi nitong may raket siya. "Tsk, bawal pa sa bata 'yon. Sige na doon ka na sa labas." Taboy nito sa akin at itinulak na ako palabas ng tindahan, napailing-iling na lamang ako na tumayo sa labas ng tindahan para mang-engganyo sa mga taong dumadaan na bumili sa aming tindahan. Siyempre magaling akong mambola kaya naman tanghaling tapat pa lang ay nangalahati na ang tinda namin. Hindi ko alam kung ilang baklang customer na ang nabola ko at natsansingan ako. Eksaktong ala-sais nang gabi ay ubos na ang lahat ng paninda naming gulay at prutas. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Manang Inday na nagbabantay sa kanyang pwesto katabi nitong sa amin dahil halos kalahati lang ng tinda nito ang naubos, kaya minsan ay inuutusan nito ang anak na lalaki na magbantay sa kanilang tindahan. Pero mabait naman si Manang Inday, kahit na minsan ay ninanakawan ko ito ng customer. "Naligpit ko na lahat ng kailangang ligpitin, Thad. Ikaw na bahalang magsara sa tindahan ni Mang Kanor ha, aalis na ako." Biglang sambit ni Amir at isinukbit sa balikat ang maliit na bag. "Oy teka teka, sama mo naman ako sa raket mo. Kailangan ko ng pera ngayon." Tugon ko at nagmadaling isinara ang tindahan. "Kulit mo talaga, Thad. Hindi nga pwede baka madali pa ako kapag nagsama ako ng menor de edad." Tutol ni Amir at lumabas nang tindahan. Binilisan ko ang pagsasara sa tindahan at nang masigurado kong nakakandado na ang pintuan ay mabilis akong tumakbo para makahabol kay Amir. "Hoy Amir, hintayin mo ako." Sigaw ko para makuha ang atensyon nito. Huminto ito sa paglalakad at lumingon sa akin na naiinis ang mukha. "Kulit ha, hindi nga pwede." Sambit nito at napakamot sa kanyang batok. "Tsk. Sige na sama mo na ako, hindi naman halatang seventeen pa ako, magkasinglaki nga lang ang katawan natin at magkasingtangkad lang tayo. Kapag malaki ang parte ko balatuhan kita." Pangungumbinsi ko sa kanya. Napabuntong-hininga ito at napatitig sa akin at mukhang pinag-iisipan ang sinabi ko. "Tangina basta huwag mong sabihin totoo mong edad kapag may nagtanong sa'yo." Tugon ni Amir at tinalikuran ako. Sumabay ako sa kanyang paglalakad habang hindi mapigilang mapangisi sa tuwa. "Anong raket ba itong gagawin natin ngayon?" Usyosong tanong ko pero tinaasan lang ako nito ng kilay. "Madali lang naman, iaalay natin ang mga katawan natin sa mga hayok sa laman na bakla." Nakangising sambit ni Amir na ikinakunot ng aking noo. "Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Gago siyempre hindi, mamatay na lahat ng bakla pero hinding-hindi nila ako matitikman." Sambit nito, nakahinga naman ako ng maayos. Tangina akala ko talaga nag change of heart na ito at naging mapagbigay sa mga bakla. "Tangina, uuwi na sana ako kung totoo," sambit ko na ikinatawa ni Amir, "so ano ngang raket itong gagawin natin ngayon?" Hindi tumugon si Amir imbes ay pumara ito ng masasakyan. Nang may humintong taxi sa harapn namin ay agad kaming sumakay. Napagtanto kong mukhang malayo itong pupuntahan namin ni Amir dahil taxi ang pinara nito at hindi traysikel o kaya ay jeepney. "Saan kayo boss?" Tanong nang driver pagkapasok namin. "Sa Blue Hotel tayo boss." Tugon ni Amir at agad akong napatingin sa gawi nito. Tangina, sa Blue Hotel kami? Mukhang big time itong raket ni Amir dahil sa isang five star hotel pa talaga kami pupunta. "Basta alam mo na ang gagawin mo Thaddeus ha? Magiging stripper tayo ngayong gabi sa isang bridal shower. Dating gawi pa rin, kapag may nag-aya bigay mo presyo mo, lakihan mo presyo mo ngayon dahil mga mayayaman kliyente natin." Imporma sa akin ni Amir sa mahinang boses para hindi marinig nianong driver. Tumango-tango ako sa kanya at napangisi, hindi ko mapigilang ma-excite sa sinabi nito. Tangina, magkakapera na ako, may pandagdag na ako sa ipon ko at makakabili na rin ako ng bagong cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD