Chapter 5

1862 Words
Napatingin ako sa tapat na pinto ng kwarto ko. Kanino pa ba iyon, edi kay South. Naalala ko na hindi nga pala siya rito natulog. 5:00 am na rin, eh. Medyo maaga kaysa sa karaniwan ang gising ko ngayong Sabado, eh, kaso wala. Ayaw na 'ko pabalikin sa tulog ng kung sino mang espiritung gumambala sa'kin. Joke! Baka magkatotoo. Kamusta na kaya 'yong batang 'yon? Tulog pa kaya siya? Ang tanong, nakatulog naman kaya siya ng maayos? Nag-enjoy ba siya doon kina Elli? Hindi ba siya nainip, na-out of place, o kaya—man! Bakit ang dami mong tanong, Jade Asia? Puro ka na lang South, South, South! Tigilan mo na 'yong bata, maawa ka! Natapik ko na lang ang sariling pisngi bago naglakad papuntang kusina. Pagdating ko ro'n ay halos mapamura ako nang makita ko si South na prenteng nakaupo at umiinom ng kape, nakatunganga rin siya sa cellphone niya na palagay ko ay w*****d lang ang naka-display. Jusko, maaga akong mamamatay sa gulat, eh. "Kanina ka pa?" natanong ko na lang. Lumingon naman siya sa'kin. Pinanood ko pa muna siyang ipagtimpla ako ng kape at inabot ito sa akin na, well, tinanggap ko na rin dahil sayang, bago siya sumagot. "Hindi naman." "Oh, okay." Dala ang kape ay umupo ako sa tabi niya at pinanood lang siya na makipagtitigan sa phone niya. Grabe, laspag na sa sobrang pagkakagamit. "Hindi ba lumalabo mata mo kakabasa niyan?" "Malabo na. Actually nahihirapan na rin ako makaaninag lalo na sa dilim." Walang lingon na sagot niya. "Oh. Eh, bakit ayaw mo pa magpasalamin?" Kinunutan niya 'ko ng noo. As usual, lagi naman siyang ganyan sa'kin. Sus! Hindi pa ba ako masasanay. "Mas nakakasira ng mata kung magsasalamin." "Ewan ko sa'yo." Hindi na ulit siya nagsalita. Grabe lang 'tong babaeng 'to, napaka-antisocial! Maanong i-entertain man lang ako! Wala, mas mahal niya pa 'yong w*****d niya, eh. Oh, siya, sige. I'll just give her the privilege na mas makausap ako ng matagal. Ako na ang gagawa ng topic! Nahiya naman ako sa katahimikan niya. Humigop ako ng kape. "Kamusta nga pala yung pagpunta mo kina Elli?" She shrugged. "Ayos lang." What the. 'Yon lang? Ayos lang talaga ang kaya niyang isagot? Wow naman, halatang nag-effort siya. Aalis na dapat ako dahil nagsasayang lang ako nang laway sa kanya nang hawakan niya ako sa braso. Tumingin ako sa kanya pero hindi naman siya nalingon sa'kin. So ayon, umupo na lang ulit ako. Maya-maya lang din ay binaba niya ang phone at nagbaba ng tingin. Nilalaru-laro niya ang daliri pero hindi ko naman mabasa kung anong expression niya. "Mga bandang hapon nang pumunta kami kina Race, yung isa rin sa mga kaibigan ko." "Oh, anong nangyari?" Tumawa siya ng saglit lang. "Galit pa rin yata siya?" Tumawa ulit siya pero robotic na ang dating. "Ano pa bang inaano niya, nakapunta naman ako sa birthday niya no'n kahit napilitan lang ako." Oh. Okay, ito yata 'yong naikwento sa akin ni North noon. Oh, well. "Hindi ka ba kinakausap?" "Kinakausap naman. Pero distant siya. Aba, kulang na lang iwan ko sila ni Elli kasi sila lang halos ang nag-uusap, eh. Nakakahiya naman na nasingit ako sa usapan nila tapos ini-ignore lang ako." Napakamot siya sa leeg niya. Yung kamay ko naman ang hinila't pinaglaruan niya. "Baka naman kasi may nagawa ka lang na hindi mo alam." Sabi ko na lang. Ang OA naman kasi kung parang 'yon lang, eh, magiging distant na 'yong si Race. Grabe naman siya magtanim ng sama ng loob. Oo nga't may pagka-insensitive itong si South pero tingin ko naman ay mabuti pa rin siyang kaibigan. Like, bakit siya pa ang kokontakin ni Elli at pakikiusapan nitong makitulog sa kanila kung pwede naman itong makiusap sa iba pa nilang kaibigan? Ibig sabihin, once in her life, naging mabait naman siya. Napansin kong napahinto siya ng ilang segundo, tapos nagkibit-balikat. Matagal bago siya sumagot ng pagkahaba-habang. "Siguro." Oh, 'di ba? Ayos talaga siya kausap. Yung tipong gugustuhin mo siyang kausap buong araw. Matapos ang ilang minutong pagkakape at pagpapak namin sa Nutella na nilabas niya sa ref ay nag-ready na rin ako. I need some fresh air! "Where are you going?" Tanong niya sa'kin nang palabas na sana ako ng pinto. "Jogging. Sama ka?" Tumango naman siya kaya medyo-medyo lang-medyo nag-celebrate ang inner self ko dahil, yey! May jogging buddy ako ngayong umaga! "Sige, hintayin kita." Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya suot ang isang tshirt na may nakalagay na Nihilism at isang violet na jersey short na pinaresan ng running shoes na black naman ang kulay, naka-pony rin ng mataas ng kanyang buhok. Pero ang mas napansin ko talaga ay ang dala niyang pares ng raketa. "Para saan ang raketa?" "Panghampas sa'yo para tubuan ka ng common sense." Sabay pa kaming napairap sa isa't-isa dahil sa nakakainis niyang pambabara. "Malamang maglalaro tayo, Ma'am." Hindi ko na lang siya sinagot at inaya nang umalis. Baka kapag pinatulan ko siya ay dumanak pa ang dugo sa tinalupan dahil talagang magwawala ako sa sobrang bastos niyang sumagot. Noong una ay mabagal kaming naglalakad, hanggang sa nag-start na akong mag-jog ng mabagal na sinabayan naman ni Bata. Ang kinagandahan lang ng lugar nila ay may mga nakatayong puno sa magkabilang gilid ng dinadaanan namin, mahangin nga, eh. Mas masarap mag-jogging. Tsaka infairview naman, malinis talaga ang lugar, alagang-alaga at halatang disiplinado ang mga tao rito. How I wish na ganoon lahat ng tao. Napatingin ulit ako kay South na ka-level ko lang sa pagjo-jog, nakasabit naman sa likuran niya yung raketa, may lagyanan naman kaya madali. Napunta ang tingin ko sa nakasulat sa damit niya. "Nihilism?" Napatingin siya sa'kin. "Ah, kilala mo si Ulquiorra Cifer?" Anong konek ng patanong na sagot niya sa tanong ko? "Hindi kami close." "Malamang." Walang ganang sagot niya. "Ulquiorra Cifer is a nihilist, plus, 'yon din ang nire-represent niya. Nihilism means nothingness. It states that every existence or beliefs, something like that, has no meaning or special purposes. He's my favorite character though. Before he died, he finally realized what heart really is." Tumango na lang ako. Hindi ko naman masyadong na-gets, eh. Hindi ko nga alam kung saang palabas 'yon. Oh, edi siya na maraming alam, ako na wala. "Hindi mo naintindihan?" Tanong niya kaya tumango na lang ako. Wala naman siyang reaction. "Okay." Finally, may pinatunguhan na rin ang jogging session namin. Bukod sa nakapag-excercise ako ay narating na rin namin ang park na nais namin, este ni South dahil nga maglalaro kami. Hindi ito park na may palaruan ng bata kung hindi isang malawak na field na for sports talaga ang goal. May track and field pa nga, eh. May mga nakita akong naglalaro ng basketball sa right side malayo sa amin, may basketball ring kasi doon. May iba ring naglalaro ng badminton. Wow. Hinawakan ni South ang kamay ko at sabay kaming naglakad sa part na isolated. Hindi naman namin kailangan ng net dahil for entertainment lang ang laro namin, larong bata, gano'n. May available naman kaso ipapakabit pa doon sa bantay ng park. Eh, ayaw na raw ni Bata magsayang ng oras. "Start na?" she asked. "Shoot." Ngumisi siya at nag-serve na. Noong una ay madali lang tumira pabalik. As in feeling ko expert ako, eh. Marunong naman ako maglaro pero average lang. Hindi naman ako sporty na tao kasi mas binigyan ko ng pansin ang studies ko noong nag-aaral pa lang ako. Habang tumatagal ay pansin kong nadadala na siya sa laro at nahihirapan na akong kalaban siya. Jusko, varsity ba 'tong batang 'to? "Hoy, dahan-dahan lang!" sigaw ko sa kanya. Tumango naman siya pero hindi naman nagbago ang playing style niya. Sa huli ay nag-time out din ako dahil parang bibigay na yata ang braso ko. Woo...muscles! Where art thou? "Okay ka lang?" Tanong niya sa'kin, saka ko lang napansin na may baon pala siyang towel. Tumingkayad siya ng konti para abutin ang mukha ko. Hinawi niya yung buhok na humarang na sa mukha ko at pinunasan ako gamit ng towel niya. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung namumula ako dahil sa pawis at init ng katawan na bigay no'n o dahil sa ginagawa niya. Para kasing, ano, maalaga ang dating? Tapos, sweet? Tapos—nababaliw ka na, Jade. "S...salamat." Buti na lang hinihingal ako kaya malabo niyang mapansin na nautal ako. "Ibibili kitang tubig." Aalis na dapat siya pero pagtalikod niya ay nasa harapan na namin ang isang grupo ng mga lalaki na sa tanda ko ay kanina lang na naglalaro ng basketball, lima sila. May dala silang bote ng Gatorade, mga pawisan din sila pero hindi naman dugyot tingnan. Inabot nila yung Gatorade sa'min. Nahihiya akong tanggapin kasi hindi ko naman sila kilala kaya si South na ang umabot at nagpasalamat. Mukhang kakilala ni Bata. "Ngayon ka lang ulit napadpad dito, ah. Ganyan ba kapag college student?" Tanong ni Kuyang Baby Faced. Ang tangkad niya pero parang ang bata niya tingnan. Umiling si South. Inabot niya sa'kin yung Gatorade kaya tinanggap ko na rin at ininom. "Ngayon lang ulit nagkaroon kalaro, eh." Tinuro niya ako pati ang hawak na raketa. Ah, okay, gets ko na. "Oo nga naman, mga bro." "Mga abnoy kasi kayong mga gago kayo. Bobo niyo magtanong!" "Tangina. Mas bobo ka, 'tol, eh!" Nagtawanan naman sila sa mga pinagsasabi nila kaya nakitawa na rin ako. Si South naman ay simpleng nakangiti lang. Maya-maya lang ay nagpakilala na silang lahat sa akin. Tama nga ako, mga kaibigan nga raw sila ni South since those diaper days pa raw. Yung baby faced na matangkad ay si Reyn, twenty-three. Yung lalaking isa na Korean style naman ang buhok ay si Charles, twenty-one. Yung isa si Kyle at Pau, sixteen parehas, and lastly ay si JR na seventeen naman. "Boy, laro tayo? 'Di ka pa naman pagod, 'di ba?" tanong ni Charles. Nagkibit-balikat lang si South at inabot sa'kin yung raketa at shuttlecock niya bago kunin yung bola kay Kyle. "Game." "Ikaw Jade, gusto mo?" tanong sa akin ni JR. Ayoko magpatawag ng ate kahit na, ehem, ako ang pinaka-matanda sa kanila. Nakakatanda ang word na ate, 'no. "Kayo na lang. Hindi ako marunong, eh." "Ah, sige. Nood ka na lang kung gusto mo." "Sure." Sumunod ako nang maglakad sa pabalik sa kung saan sila naglalaro. Umupo lang ako sa bakanteng bench at pinanood silang mag-usap, maya-maya pa ay nag-start na sila. Halos mapanganga ako sa paglalaro ni South. Grabe, dinaig niya pa yung mga boys sa mamaw niya sa paglalaro, eh. Hanep! Ang hayop lang gumalaw nitong batang 'to! D-in-ribble niya ang bola habang iniiwas iyon kay Reyn na nagbabantay sa kanya, ewan ko kung paano nangyari pero naglakad siya palikod sabay bira papuntang kanan hanggang sa nalagpasan na niya ang kalaban. Tumakbo pa siya at ini-shoot ang bola ng walang kahirap-hirap. "Wow..." Ang angas nitong babaeng 'to. Ang angas niya na nagagawa niyang maging cool sa harapan ko dahil sa galing niya maglaro. Ang angas na kahit pawisan siya ay mukha pa rin siyang mabango at fresh. Ang angas lang na kahit maliit siya ay nakakaya niyang talunin sina Kuyang matatangkad pa sa akin. At, at...oo na. Ang ganda niya...sobra. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD