Chapter 3

1613 Words
Noticeable -- "Loud speak ko?" Napatingin ako kay South nang sabihin niya 'yon sa taong kausap sa phone. Mas mahina ang boses niya kapag may kausap siya sa cellphone pero narinig ko naman. Maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ng kausap nito. "Naka-loud na?" tanong no'ng nasa kabilang linya. Ang cute naman ng boses! Parang bata. Ilang taon na kaya 'to? "Oo." Hinila niya ang manggas ng damit ni North palapit sa kanya. "Ate North, kakausapin ka raw ni Elli." Ibinigay niya ang cellphone sa kaptid. "Hello, Elli." "Hi!" Bati ni Elli mula sa kabilang line. "Ay, Ate North! Okay lang po na dito matulog si South?" "Bakit?" "Umalis po kasi sina Mama at Papa. Eh, si Kuya naman masyadong gala. Ako lang mag-isa rito." "Hmm," Tumingin siya kay Bata. "Gusto mo ba ro'n, South?" "Ikaw nga bahala. Kaya nga pinakausap ko sa'yo, eh," sagot niya. Ang arte talaga. "Okay. Sige, Elli. Anong oras ba?" "Ngayon na sana? Nakaayos na po ako, sunduin ko na lang siya ngayon." "Oh. Sige, sige." "Thank you! Hoy, South, okay na, ha? Nag-inarte ka pa kasi, eh. Papayagan ka naman." Ngumiti si South, yung ngiti niya, hindi naman talaga ngisi pero laging umaangat yung right side na dulo ng labi niya. Akala mo lagi kang pinagti-trip-an. "Tinatamad kasi ako." "KJ ka lang kamo." Feeling ko inirapan siya no'ng Elli kahit hindi ko kita. Tumawa siya ng medyo malakas, ito 'yong mga pagkakataon na hyper si South. Hindi ko talaga siya ma-gets. "Buti alam mo. Sige na bilisan mo na. Pakakainin mo pa ako mamaya." "Oo na. Takaw mo, hindi ka naman nataba." Namatay na ang tawag pagkatapos no'n. Napatingin na lang siya sa cellphone niya habang natatawa. "Nagsalita. Isa rin naman siyang payatot." Napasimangot siya nang pisilin ni North ang pisngi niya. Mukhang ayaw na ginagalaw ang mukha niya, ah. Ma-try nga sa kanya para mapikon naman. Maya-maya lang din ay nagpaalam na si North na may gagawin which is something school related stuffs. Buti pa ako feeling prinsesa. Yung kambal naman ay maagang umalis dahil may whole day gala raw sila with their circle of friends. Those two, hilig gumala. Makasama nga minsan. Lumapit at umupo ako sa tabi ni South. Since nagfe-feeling na naman ako edi lubusin na. Inilapit ko siya sa'kin at inakbayan. Aalisin niya sana ang braso ko kaso hinigpitan ko ang pagkakaakbay sa kanya. Sarap yakapin ni Bata! "Hindi ako nagpapaakbay." pagre-remind niya sa'kin. "Mahilig akong mang-akbay." Ngiting-ngiting sagot ko. "Huwag na kumontra. So..." I cleared my throat habang pinipigilan siyang magpumiglas. Ang lakas ng babaeng 'to kahit maliit. "Sino si Elli? Chicks mo?" "Baliw ka, Ma'am," poker faced na sagot niya, ang bastos talaga ng bibig nito. Sarap tapalan ng ano, eh. "Hindi ko chicks 'yon, parang kapatid ko na 'yong babaeng 'yon." Oh. Okay. Napangiti ako nang ngumiti siya, maganda kasi ngumiti 'tong South na 'to. Madalas nga lang naka-poker face. Tumigil na rin siya sa pag-aalis ng pagkakaakbay ko. Good, good. Mukhang kailangan lang aliwin si Bata. "Kaanu-ano mo si Elli? Classmate?" tanong ko sa kanya. "Oo. Mula first year hanggang fourth year high school." Parang natuklaw na naman ako ng ahas nang marinig ko ang tawa niya. "Nagsasawa na nga akong makita yung pagmumukha no'n, eh. Tapos ngayon pinapatulog pa ako sa kanila." "Ah." Napatango ako. Parang naiinggit ako kasi hindi ako 'yong dahilan ng pagtawa niya—natigilan ako. Nababaliw na ako. "Baka nami-miss ka." "Hindi rin." Tumahimik siya habang ako, nilalaru-laro ko na yung buhok niya. Ang haba, eh, umaabot na yata ng baywang niya. Medyo wavy ang hair niya pero malambot at makintab ito, though hindi black na black ang kulay. "Actually, madami kami, eh. Kaso hindi ko na nakakausap yung iba. Si Rubio, naalala mo, yung student mo rin?" "Oh." Tumango ako. "Classmate mo rin dati?" Tanong ko habang ang kamay ko ay bumababa na hanggang sa baywang niya. Binabawi ko na yung sinabi kong mukha siyang katorse anyos. Ang sexy! Hindi ako makapaniwala! Sarap hawakan sa baywang, eh. Tumango siya. "Since first year din. Block section naman kasi ako noong high school. Yung iba sa mga close friend ko, nag-work na agad. Ilan lang kami nina Elli na nag-aaral ngayon." Hinayaan ko lang siya na magkuwento ng magkuwento tungkol sa mga kaibigan niya. Once in a blue moon lang 'to. Si South, nagdadaldal? Must see! Habang nagkukwento siya ay napansin kong medyo magalaw ang kamay niya sa pagna-narrate, para siyang nagsi-sign language pero hindi. Ang nakakatawa, may sound effects talaga siya habang nagkukwento! Mapapasabi ka na lang na—maniniwala na sana ako, eh, kaso may gano'n. Pangiti-ngiti siya habang panay ang pagdaldal kaya napapansin ko lagi 'yong mababaw niyang dimple sa left cheek niya. Habang tumatagal ay gumaganda siya sa paningin ko. Kaso bata 'to, eh. Napadako naman ang mata ko sa labi niya at napalunok. Okay...bakit ngayon ko lang napapansin 'to? Bakit ngayon ko lang nakita na ang pinkish pala ng lips niya? Bakit parang ang sarap niyang...halikan? Napakurap ako nang alisin niya yung kamay ko na nakahawak sa baywang niya, napahigpit yata ang hawak ko kaya napansin na niya. Nanggigil ako, eh. "Hindi ako nagpapahawak sa baywang," sabi niya lang sa'kin. Balik poker face mode na. "Arte mo." Maya-maya lang ay dumating na rin si Elli raw kaya tumayo siya at iniwan ako rito mag-isa para salubungin yung kaibigan niya. Saglit lang ay dumating ulit siya at may kasama na siya. Isang cute na babae na kasing height niya lang halos. Mas mukhang bata 'tong isang 'to. Siya na yata si Elli. "Hello po," bati niya nang makita ako, "patabi po, ah." "Sure." Lumapit siya at nakiupo sa tabi ko. Lumapit sa amin si South na may dala nang tray ng juice at kung anu-anong junk foods. "Manginain ka muna riyan, liligo lang ako." "Hindi ka pa naligo habang wala ako." Ngumisi naman si South. "Para ikaw naman ang maghintay. Gano'n ka rin naman, eh. Naaabutan pa nga kitang naka-towel lang." Namula naman si Elli. "Bwisit ka. Maligo ka na!" Tatawa-tawang umalis si Bata at iniwan kami ni Elli. Kinuha ko yung isang baso pa ng juice at uminom. Hindi naman pala insensitive ang babaeng 'yon, kasama ako sa pinaghandaan, eh. Tiningnan ko si Cutie Elli. Bagay sa kanya yung suot niyang crop-top na may Mickey Mouse design at highwaist jeans, mukha siyang bata na mukhang dalaga. Ang chicks ng mga tropa ni South, in fairness. Hindi kasi halata sa kanya kasi para siyang ewan pumorma. Laging naka-tshirt. Sobrang simple. "Naikuwento ka sa'kin ni South." "Ay, talaga po?" Napangiti siya. "Sinabi rin ba niya na cute ako?" Natawa tuloy ako. Tama pala si South na feel na feel ni Elli ang cuteness niya. "Oo. At isip-bata ka raw." "Eh, hindi kaya!" Lalo tuloy akong natawa. Hindi raw pero pinaliit at pinatiis niya yung boses niya. Isip-bata nga! Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan. Ang daldal din niya, eh. Pero sabi kasi ni South, minsan daw tahimik lang 'to o kaya nagsusungit kapag hindi niya kilala 'yong tao. Oh, well, nasa mood siguro itong si Elli. "Ilang taon ka na?" "Kaka-nineteen ko lang po. Ahead sa'kin si South ng one year, eh. Bale magtw-twenty na siya." sagot niya. "Kaso hindi halata sa kanya, 'no? Ang bata kumilos no'n, eh." Tumangu-tango ako. "May love life siya?" "Hmm," Napanguso siya and napatingin sa taas na parang nag-iisip. Tapos bumalik ulit ang tingin niya sa'kin. "Hindi ko po alam. Hindi naman siya nagkukwento. Pero tingin ko wala." Oh. Nakahinga ako ng maluwag. Edi ayos—nevermind. Pinag-iisip ko na naman. Bakit ba kasi ako curious sa love life niya? "Aba, close na kayo?" Sabay kaming napalingon kay South na halatang kakatapos lang maligo, basa pa ang buhok niya at halatang hindi pa nasusuklay. Mas lalo siyang nagmukhang fresh. "Oo, si Ate..." Kumunot ang noo niya. "Ano ngang name mo?" tanong niya sa'kin. "Jade na lang." "Ayon!" Napapalakpak siya. "Si Ate Jade na bagong girlfriend ko." Halos mabulunan ako sa iniinom ko sa sinabi niya. Girlfriend daw? "Ouch!" Nag-iinarteng sinapo ni South ang dibdib niya na akala mo ay brokenhearted. "How about me?" "Ayoko na sa'yo." Lumingkis si Elli sa braso ko at nilapit ako sa kanya. "Halika na, ikaw na lang isasama ko sa'min." "Okay." Ngumiti si South ng malaki. "Ingat kayo, ha. Ayos 'to, hindi ko na kailangang umalis. Yes!" "Joke lang siyempre!" Nakangusong sagot nitong katabi ko bago ako titigan na parang nagpapaawa. "Sorry, Ate Jade, break na tayo. We're better of as friends...char!" "Mga baliw." Naiiling na reaction na lang sa'min ni Bata. Eh, wala. Baliw 'tong kaibigan niya, eh. Kinabog pa ako. Pagkatapos mag-ayos ni South ay tumayo na rin si Elli para lapitan siya kaya napatayo na rin ako. Angas, ah. Ang simple pa rin ng porma niya. T-shirt girl talaga, eh. Tapos suot niya rin yung jeans na tingin ko ay favorite niya dahil 'yon lagi ang gamit niya. Ang ganda talaga ng shape ng binti, chicks na chicks! "Ma'am, alis na kami." "Ate Jade, alis na po kami." "Sige, sige." Lumapit ako at pinisil sa pisngi si Elli na napangiti lang. Nginisihan ko naman si South na tinaasan lang ako ng kilay, I went closer to her at hinalikan siya sa pisngi. "Ingat." Napansin ko ang pagpula ng pisngi niya pero hindi naman siya umimik. Pagkaalis nila ay napangiti na lang ako at napasalampak na lang ulit sa sofa. Binuksan ko yung Piattos na hindi pa nagagalaw. Napatawa ako nang may maalala ako. Sensitive din naman pala si South kahit papaano, eh. "Ang cute lang niya mag-blush," sambit ko sa sarili. Natawa pa ako lalo na may halong kilig. "Parang kiss lang sa cheeks. Grabe." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD