Going South -- South's "Bruha, ano na?" Kumunot ang noo ko. I looked at my long time friend, Rubio. "Anong ano?" Sukat doon ay binatukan niya ako ng pagkalakas-lakas at inirapan. Hindi ako nag-react kahit na ang sakit ng ginawa niya. Ang bigat ng kamay. "Hindi ka ba nakikinig?" Tumingin ako sa harap. Oras ng klase namin ngayon, nataon namang si Ma'am ang nagtuturo. Kapag oras ng klase ay parang hindi si Jade ang nakikita ko. She's...professional—kahit na papaano. Pero hindi ko maiwasang hindi matuwa kapag naaalala kong nag-text siya at nagpanggap na ibang tao, unaware that I already know who she is. Good enough I managed to get her contact from my sister. If not, then there'll be no reply. She's really something. Odd. "Tinatanong kita kung makakasama kang gumala this Saturday," R

