Heartbreaker -- University games. Kahit na gusto ko na lang matulog sa bahay ay hindi ko magawa dahil required ang mga profs na um-attend. Buti na lang hindi ako ang isa sa mga naka-assign para gumawa ng mga kung anu-ano para mairaos itong one week event ng school. Buti na lang isa sa mga player si South kaya kailangan present agad siya rito. Kaya ito ako, nakatanga sa kanya habang pinapanood siyang mag-practice. Ganda ng view... Swerte yung mga students na hindi ni-required ng organization nilang pumunta at malas ang mga required dahil kailangan nilang gumawa ng report about sa mga activities na makikita nila. Nagsama-sama rito ang lahat ng mga students na galing pa sa ibat-ibang satellite ng campus kaya crowded talaga. Hindi ko na nga makita yung mga estudyante ko, eh. Muling natuo

