***MARIE JHOY*** Abala kaming tatlo nina Manang Fe rito sa kusina sa pag aasikaso ng mga pagkain para sa hapunan."Isang oras na lang pala at magsisimula na ang kanilang family dinner, isang oras na lang makikita ko na rin ang Senyora." bulong ko sa aking isip ng mapatingin ako sa orasan na nasa pader dito sa kusina. "Manang Fe, ok na ho ba ang mga pagkain? tumawag na kasi si Mama, on the way na raw sila," sabi ni Maam Shiela ng pumasok sa kusina. "Opo, Maam Shiela, ayos na ang lahat wala ka ng dapat alalahanin, ilalabas na rin namin 'tong mga pagkain ngayon, teka pala! Sino ang kasama ni Senyora Susan sa pagbisita rito ngayong gabi?" sabi naman ni Manang Fe. "S'ya lang, Manang Fe at si Arman, ang kanyang buttler, sige na Manang Fe, Aileen at Jhoy, puntahan ko lang ang Sir Vicente n'yo,

