***VINCE*** Paglabas ko ng hospital ay nakita ko na ang kotse ni Carlo sa harap ng main entrance ng Hospital, lumapit ako agad at sumakay, nang makasakay na ako sa loob ng sasakyan ay lumingon pa muna ako uli sa sa Hospital kung saan ako galing at kung saan nadon ang aking mahal, si Marie. Nami-miss ko na agad ito, na kung maaari lang sana ngayon ay mas gugustohin kong lagi itong nasa aking tabi. "Bro, mukhang mahirap ngayon 'yang sitwasyon mo ah, by the way, nakita mo na ba 'yong in-send ko sa e-mail mo? Naron na lahat ng impormasyon kay Marie," sabi nito. "s**t! Sorry, Bro, nalimutan ko na," sagot ko. Saka kinuha ang aking cellphone para tingnan ang aking e-mail. Nang matapos ay itinabi ko na uli ang aking cellphone sa aking bulsa. "So? Ok na ba?" tanong ni Carlo "Yes, Bro. Thanks!

