***MARIE JHOY*** Nang maramdaman ko na ang malalim nitong pag hinga ay dahan dahan na akong umalis sa pagkakayakap nito at dahan dahang bumaba mula sa kama, pag tayo ko ay muntik pa akong matumba dahil sa pakiramdam ko ay nawawalan ng lakas ang aking mga tuhod, inayos ko ang kumot nito at buhok saka ko hinalikan sa labi, pagkatapos ay nagdisisyon na rin akong lumabas ng silid habang yakap ko ang damit nito, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gustong gusto ko ang amoy ng damit nito, na halo ang amoy ng pabango at preskong amoy ng katawan nito, dahan dahan akong naglalakad pababa ng hagdan hanggang sa nakarating na rin ako sa aming silid. Dumiritso ako sa loob ng banyo upang mag shower, ilang minuto lang din ay natapos na ako at agad na rin nahiga, tiningnan ko ang oras sa aking

