EPISODE 2

2734 Words
MARIE JHOY's POV Naglalakad ako sa labas ng hospital upang maghanap ng pa-load-an para matawagan ko na rin sina Tatay at Ate. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa pag-aalala para kay Nanay, habang naglalakad ay kita ko rin ang mga tinginan ng ilang mga taong nakakasalubong ko, marahil ay sa itsura ko na rin ngayon. Naglakad-lakad pa ako saglit hanggang sa may nakita akong computer shop at pumasok doon para magpa-load gaya na rin ng nakalagay sa labas na 'Loading Station'. Hindi nagtagal ay nakapagpa-load na rin ako at agad ko namang tinawagan si Tatay, samantalang si Ate Jane ay hindi ko naman makontak. "H-hello po, 'Tay. M-Maaari po bang dito na k-kayo dumiretso sa h-hospital?" kinakabahan kong sambit kay Tatay nang sagutin nito ang aking tawag. Hindi ko rin mapigilang hingi manginig at mautal ang aking boses habang kausap ito dahil sa takot na nararamdaman at pag-aalala para kay Nanay. "Hello, anak," sagot ni Tatay sa kabilang lingya. "Bakit? Teka? Ano'ng nangyari at bakit kayo nasa hospital? May nangyari ba, anak, Marie?" sunod-sunod na tanong ni Tatay at ramdam ko rin ang pag-aalala nito. "K-Kasi po, 'T-tay, dinala po namin si N-nanay rito. Bigla na lang po kasi s'yang nawalan ng malay kanina," sagot ko at pinigilang 'wag umiyak para hindi na rin ito ga'nong mag-alala. "Huh? Anong...ano kamo? Ano'ng nangyari sa nanay n'yo? Bakit? Paanong? Kumusta ang nanay n'yo ngayon? Anong sabi ng doktor? Hintayin n'yo ako at papunta na ako d'yan." halata sa boses nito ang sobrang pangamba para kay Nanay. Hindi na rin ako nakasagot pa dahil nawala na rin ito sa kabilang linya. Pagkatapos ay naglakad na uli ako papasok ng hospital. Pagdating ko sa loob ay nakita ko si Michael na umiiyak habang nakayuko, nang maramdaman nitong may tao ay tumingala ito at biglang yumakap sa akin at tuluyan na ngang napahagulgol, dahilan naman para lalo akong kabahan. "A-ano'ng sabi ng Doktor? Bakit ganyan ka kung makaiyak?" kinakabahan kong tanong. "A-Ate, kailangan daw ni N-Nanay maoperahan agad at kung hindi raw ay baka m-mawala na ng t-tuluyan sa atin si N-Nanay," humahagulgol nitong sambit, na pati ako'y hindi ko na rin napigilang hindi napaiyak. "'Wag kang mag-alala, bunso, gagawa ako ng paraan para mapa-operahan natin si Nanay, ha? Kaya 'wag ka ng umiyak. Manalangin tayo sa panginoon na sana'y maging maayos na si Nanay at 'wag n'yang pabayaan," pagpapalakas ko sa loob dito, habang hinahagod ang likod upang pakalmahin. "Uuwi na muna ako para makakuha ng gamit ni Nanay at pagkain para makakain na rin muna tayo. Alas tres na ng hapon pero hindi pa rin tayo nakakapag tanghalian dahil sa nangyari, at hintayin mo rin si Tatay, maya-maya lang nand'to na 'yon. Dadaan na rin muna ako sa doktor ni Nanay bago umuwi," sambit ko at pinipilit na lang maging matatag sa harapan nito, kahit ang totoo ay pinanghihinaan na rin ako ng loob. Tumango naman ito habang patuloy pa rin sa pag-iyak at hindi na nagawa pang tumugon. "'Wag ka na mag-alala, bunso, magiging maayos din ang lahat. Mag-ingat ka rito." tumango naman ito 'tsaka muling naupo sa upuang nasa labas ng emergency room. Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang doktor at tinanong ko rito ang kalagayan ni Nanay. Gano'n na lang ang pagkabigla ko sa naging sagot ng doktor, dahil malaking halaga ang aking kakailanganin para sa operasyon ni Nanay. Nakita raw nila sa result ng test ni Nanay at nakitang mahina ang t***k ng puso nito dahil sa pamamaga at kinakailangang mapa-operahan agad sa lalong madaling panahon dahil maaari raw iyong ikamatay ni Nanay pag hindi agad naoperahan. Kailangan daw naming maghanda ng dalawang daang libong piso para sa operasyon ni Nanay. Hindi ko alam kung saan ako lalapit para makahingi ng tulong at saan kukuha ng gano'ng kalaking halaga para maipang pa-opera kay Nanay, kaya habang naglalakad palabas ng ospital ay nakatulala lamang ako habang nag-iisip ng paraan. At alam kong hindi biro ang halaga na kakailanganin namin para sa operasyong iyon. Sumakay ako ng trysikel at nagpahatid sa bahay ni Inang Rita, gusto kong subukan at bakasakaling makahiram ako ng pera para kay Nanay. "Magandang hapon po, Inang Rita, puwede ko po ba kayo makausap saglit?" sambit ko na wari namang nagulat ito sa biglaan kong pagdating sa ng gan'tong oras. "Ay sige, Marie, halika. Maupo ka rito, wala pa rin naman masyadong kumakain kaya makakapag-usap pa tayo ng maayos," pag-aaya ni Inang rita sa isang lamesang kainan. "Ano ba'ng sadya mo, hija? Kumusta nga pala si Liza? Nand'to s'ya kanina, kaso'y pagkatapos naming mag-usap ay napansin kong para bang sumama ang pakiramdam kaya hindi na rin nagtagal ay nagpaalam na ring uuwi na raw," pagkukukwento naman ni Inang Rita, kaya't lalo naman akong nakaramdam ng panghihina at 'di ko na rin napigilang hindi mapaluha. "Nasa hospital po ngayon si Nanay. Dinala po namin ni Michael kanina at bigla na lang po nawalan ng malay. Sabi po ng doktor ay kailangan daw po namin mapa-operahan agad dahil maaring ikamatay raw po ni Nanay kung hindi namin agad mapapa-operahan," umiiyak kong sambit na ikinagulat naman ni Inang Rita. Nabigla ito, "Diyos ko!" sabay hawak s dibdib. "Kaya pala kanina iba na ang nararamdaman ko kay Liza. Iyon pala'y talagang may dinaramdam na, pero bakit hindi s'ya nagsasabi sa inyo tungkol sa kanyang nararamdaman nang sa gano'n sana'y naagapan agad." 'Tsaka ito tumayo at niyakap ako habang hinahagod ang aking likod para pakalmahin. Tumango-tango ako habang patuloy sa pagluha. "Nasa magkano daw ba ang kakailangan sa operasyon ni Liza at baka makatulong kami, kahit paano'y may kaunting ipon din naman kami," muling sambit ni Inang Rita. "Nasa 200 thousand daw po ang aming kakailanganin para sa operasyon ni Nanay," sagot ko, at nakita ko naman ang gulat sa itsura nito at alam kong kahit sinong aking lapitan at alam kong mabibigla. "Ang laking halaga pala ng kakailanganin n'yo para kay Liza, pero makakatulong ako at makakapagbigay pero nasa kalahati lang, Marie. Ayos lang ba? Iyon lang kasi sa ngayon ang aking ipon. Pasensya na, hija," puno ng simpatiya nitong sambit. "Ayos lang po, Inang Rita at ipinagpapasalamat ko po 'yon ng marami, tatanawin ko pong malaking utang na loob sa inyo 'to," sagot ko habang nagpupunas ng luha. "Ano ka ba namang bata ka. Hindi na rin kayo iba sa amin at para na rin kitang anak. 'Wag ka mag-alala may awa ang diyos dahil mabuti kang anak. Ipanalangin natin ang kaligtasan ng 'yong Nanay," Hindi ko na napigilang hindi ito yakapin ng mahigpit dahil sa kabaitan nito sa amin. "Salamat po ng marami, Inang Rita, hayaan po n'yo at ibabalik ko rin po sa inyo ito, 'di man po buo at 'di agad-agad, pero pipilitin ko pong mabayaran. Salamat po uli," puno ng pagpapasalamat kong sambit. "Inang Rita, nais ko rin po sanang itanong kung may alam po ba kayong trabaho na puwede kong pasukan na maayos ang pasahod dahil kailangan ko rin po para kay Nanay," Napatitig naman nito sa akin na waring nag-iisip, "Kakayanin mo bang magtrabaho sa bahay bilang isang kasambahay? Naalala ko tatlong araw na ang lumipas ay tumawag sa akin ang aking kaibigang si Sheila, nagtatanong kong may kilala raw ba akong gustong mamasukan sa kanila at kailangan daw nila ngayon. Eh, kung gano'n, ikaw na lang ang aking ipapasok. Kaya mo ba?" sagot ni Inang Rita habang nakatitig sa akin, na waring binabasa nito ang aking saloobin. Agad akong tumango, "Opo, kakayanin ko po at kaya ko po, Inang Rita, dahil mas lalo ko pong kailangan 'tong trabahong sinasabi n'yo," paninigurado kong sagot. "Sige. Sandali at aking tatawagan, sana'y wala pa s'yang nakukuha para ikaw na lang aking maipasok sa kanya," sagot ni Inang Rita habang kinakalikot ang cellphone. Saglit pa ay may kausap na ito at ilang minuto rin lang ay nagpaalam na rin ito sa kausap, 'tsaka ako hinarap. "Suwerte mo, hija. Wala pa raw s'yang nakukuha. Nawala na rin daw sa isip n'yang maghanap ng magiging kasama sa bahay dahil nagkasakit din daw si Vicente, ang kanyang asawa. Pero sabi n'ya ay gusto ka n'yang makausap bukas kaya kung gusto mo'y sasamahan kita bukas para magkausap kayo. 'Wag kang mag-alala, hija. Mabait si Sheila, at may mababang loob, kaibigan ko 'yon," nakangiti nitong sambit, tumango naman ako at gumanti ng ngiti. "Salamat po, Inang Rita, sige po, babalik po ako rito bukas ng umaga, para maaga po tayo makapunta ro'n. Salamat po uli sa kabaitan n'yo sa amin," Pagkatapos ay tumayo na rin ako at nagpaalam 'tsaka dumiretso palabas. Nakasunod naman sa akin si Inang Rita hanggang labasan, 'tsaka nito marahang hinaplos ang aking balikat, "Ano ka ba namang bata ka...tama na 'yang pagpapasalamat mo. Hindi na rin kayo iba sa amin. Hala na, at alam kong kailangan mo pang bumalik sa hospital," sambit nito. "Ay teka! Sandali, magdala ka na rin nitong kaunting ulam para hindi na kayo bumili roon, maka-minus na rin sa gastusin n'yo at dalhin mo na rin 'yong kalahating halaga na pambayad sa operasyon ni Liza at bukas ay aking kakausapin si Sheila, baka maaaring mapaluwagan ka na muna ng halagang kakulangan para sa operasyon ni Liza." sambit pa nitong muling ikinatulo ng aking mga luha dahil ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala ni Inang Rita sa amin. Tumango ako, "Salamat po uli ng marami, Inang Rita. Mauna na po ako," sabi ko rito at umalis na rin pagkaabot sa akin ng mga binalot nitong pagkain at 'yong halagang aking hiniram. Pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa bahay para kumuha ng ilang gamit ni Nanay. VINCE's POV Nagising ako sa tunog ng aking cellphone, agad kong 'yong inabot at sinagot nang makita kong si Mom ang nasa kabilang linya. "Hello, Mom?" tugon ko. "Okay! I'm coming." natutuwa kong sambit sa ibinalita nitong nagising na raw si Dad at hinahanap ako. Saglit pa'y nasa byahe na rin ako sakay ng aking kotse at binabagtas ang daan patungong hospital. Shit this fvckin' traffic. Halos trenta minutos na akong nasa daan at 'di pa rin nakakarating sa ospital dahil sa patigil-tigil kong usad dahil sa traffic. Bumaling ako sa kanan para tingnan ang paligid ng kalsada, ngunit gano'n na lang ang bahagya kong pagkagulat nang muli ko na namang nakita ang babaeng umiiyak kanina sa gilid ng kalsada. Pababa ito ng traysikel at may dalang ilang bag at plastik. Mariin akong nakatitig dito nang bigla naman itong napagawi ng tingin sa aking sasakyan at pakiramdam ko nang mga oras na 'yon ay nagtagpo ang aming mga mata kahit na alam kong hindi naman ako nito nakikita sa loob, dahil sa heavy tented ang salamin ng aking kotse. Subalit iba ang naging resulta sa aking damdamin, dahil sa biglang pagkabog ng aking dibdib, at hindi ko rin maintindihan sa aking sarili kung bakit gan'to na lang ang aking pakiramdam sa presensya ng simpleng babaeng 'to. Hanggang sa nakapasok na ito sa isang pampublikong ospital ay hindi na muling lumingon pa sa aking direksyon. Sino ka ba? Bakit may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing makikita kita at bakit parang sinasadya ng pagkakataon na palagi kitang makita. Napapitlag ako dahil sa naging sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyang hindi ko na namalayang umusad na pala ang traffic. Napailing na lang ako at muling pinaandar ang sasakyan 'tsaka nagpatuloy sa biyahe. Lumipas pa ang ilang sandali ay narating ko na rin ang hospital. "Hi, Vince, I'm glad to see you again," bati ni Dr. Zamonte nang makasalubong ko 'to palabas ng silid ni Dad. "How's my Dad?" imbes ay tanong ko rito at hindi pinansin ang una nitong sinabi. "He is okay now, and maaari na rin s'yang makauwi for a few more days. We are currently waiting on the results of a few tests. So he will have to stay here for a few days longer," paliwanag naman ni Dr. Zamonte. "So it is good news, then. Thank you." seryoso kong sagot. Tumango naman si Dr. Zamonte pagkatapos ay nagpaalam na rin ito. "Your Dad is fine, son. He was relieved to hear you were back home," sagot ni Mom habang nakangiti at kita ko sa mukha nito ang tuwa dahil maayos na rin si Dad at sa aking pag-uwi. Ngumiti ako, "That's good, then. Anyway, where's Victor?" 'tsaka ako bumaling ng tingin sa direksyon ni Dad. "Lumabas lang saglit, son, para bumili ng pagkain. Ikaw? Kumain ka na ba?" nakangiti nitong sambit. Umiling ako, "No, Mom. Not yet." sagot ko, 'tsaka ako ngumiti. Maya-maya'y bumukas ang pinto at pumasok na rin si Victor dala ang ilang supot ng pagkain galing sa isang kilalang restaurant. "So, let's eat?" Nakangiting sambit ni Victor, 'tsaka dumiretso sa dining area na nasa loob rin ng silid ni Dad. Saglit pa'y natapos na rin kami sa pagkain, at hindi nagtagal at nagpaalam na rin si Mom na uuwi na muna at babalik na lang daw kinabukasan pagkatapos i-meet ang isang friend nito, kasama na rin nito sina Victor at Leizle na umuwi. Past 8 PM na rin nang makita ko ang oras sa aking suot na relo. Pagkaalis nina Mom ay tumungo ako sa glass window ng silid ni Dad at napa buntonghininga habang nakatingin sa nagtataasang mga gusali at mga nagliliwanag na mga ilaw na akala mo'y mga alitaptap sa gabi. "Is there any problem? Mukhang malalim 'yang iniisip mo, hijo," sambit ni Dad kaya't agad akong napalingon rito na hindi ko na namalayang nakaupo na pala ito sa kama. Umiling ako, "Just...nothing, Dad, may naisip lang," 'Tsaka ako lumakad papalapit dito. "Is this still about your past?" tanong pa nito na ikinaiwas ko naman ng tingin. "No, Dad. Iniisip ko lang ang kumpanya natin sa Hong Kong, dahil plano ko na ring mag-stay rito for good. By the way, I'll take care of everything, Dad. So, don't worry, okay?" paliwanag ko kay Dad, na sa kabilang banda isa rin 'yon sa aking iniisip, maliban sa naging dahilan kung bakit mas ninais kong lumayo three years ago. "'Wag mo na alalahanin anak ang kumpanya natin sa Hong Kong. Pansamantalang si Victor na muna ang bahala ro'n, dahil nando'n din naman ang ibang negosyong hinahawakan n'ya," seryosong sagot ni Dad. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon, "I'll visit our company one of these days, I'll take care of it, Dad. Aalamin ko kung sino ang gumagago habang nakatalikod tayo at hindi ko 'yon mapapalampas," seryoso kong sambit dito. Alam ko ang nangyayari sa kumpanya kahit pa hindi sabihin sa akin ni Dad, at alam kong 'yon din ang dahilan kung bakit ito nand'to ngayon sa ospital. "Okay, son. I trust you," mahinang tugon ni Dad na alam kong nag-aalala pa rin ito. Pagkatapos ay muli na rin itong nahiga upang magpahinga, tumalikod na rin ako pagkatapos ko 'tong halikan sa noo at muling sumilip sa bintana 'tsaka tinawagan si Kenneth, isa sa matalik kong kaibigan since college days. "Hey, bro. Balita ko nakauwi ka na?" masiglang sambit nito mula sa kabilang linya. "Yeah. Three years is enough," mahina kong sambit. "Well, that's good for you, then," sagot nito kasabay ng pag buntonghininga nito. "I would like to go out one of these days if I am not too busy." seryoso kong sambit. "That is great, bro. Just give me a call and I will come over." pagsang-ayon naman nito. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako at naupo ako sa couch at naglibang sa social media. Three years na ang lumipas pero ngayon ko lang ulit sisilipin ang aking social media, sinadya ko talagang 'wag gumamit ng social media para tuluyan na ring makalimot. Ilang mga message at notification lang ang aking sinilip, pagkatapos ay nahiga na rin ako at ipinatong ang aking cellphone sa lamesitang nasa tabi ng couch na aking hinihigaan, 'tsaka ko ipinikit ang aking mga mata. Ngunit muli akong agad napamulat nang biglang lumitaw na naman sa aking isipan ang mukha ng isang simpleng babaeng dalawang beses ko nang nakikita. At bigla na naman akong napaisip tungkol sa babaeng iyon, na hindi ko kilala o kahit ano man lang impormasyon ay wala akong alam. Sino ka ba at gan'to mo na lang guluhin ang aking isipan, lalo na ang aking dibdib, na para bang may kung anong buhay sa loob ng aking puso na gustong kumawala. Maganda ang babae at ang pagiging simple nito ang lalong nagdadala sa lakas ng karisma nito, kaya't lalo lamang akong naghangad na makita itong muli at makilala. Ngunit paano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD