"Malapit na, Baby, magiging maayos na rin ang lahat sa atin." bulong ko sa aking isip. "Don't worry, Bro, before the wedding nasa mga kamay mo na ang lahat ng Bank statement ni Mr. DeGuzman, may isang Bank na ayaw magbigay ng datus ni Mr. DeGuzman, pero pina-ayos ko na rin 'yon, at pag nakuha na natin 'yon, sabay sabay nating iho-hold lahat ng account niya, and about all the properties of Mr. DeGuzman nakuha ko na ang lahat ng record, at lahat ng negosyo n'yang ilegal ay nasa pinagkakatiwalaan ko ng ahensya, naghihintay rin lang sila ng warning from us. Dahil mas mabuting wala na s'yang hawak ni-singko o lahat ng ari-arian n'ya para 'di na n'ya mapaikot pa ang batas. Kailangan lang natin ngayon ay planohing mabuti ang lahat ng hindi s'ya nakakahalata, 'yang audio recorded na 'yan copy lan

